Chapter 9

194 13 0
                                    

RIDGE'S P.O.V.

Nandito ako ngayon sa baba ng bahay ni Lucien at hinihintay siyang bumaba.

"Sir Ridge, sandali na lang ho. Kagigising lang po kasi ni sir Lucien", sabi ng kasambahay niya

Ngumiti lang ako at tumango.

Umalis na ang kasambahay at dumeretso sa kusina, habang ako, nanatiling nakaupo dito sa may sala at hinihintay si Lucien.

Iginala ko ang tingin ko at ganon pa rin dito. Wala pa ring pinagbago ang bahay niya. Kung ano ang itsura nito dati, ganon pa din ngayon.

Napako ang tingin ko sa isang picture frame na nasa lamesa. Kinuha ko ito at tinitigan.

"Put that down"

Napatigil ako sa paghaplos sa picture frame nung marinig ko ang boses ni Lucien.

At kagaya ng sinabi niya, ibinaba ko ang picture frame at ibinalik sa pinagkuhanan ko.

"What brings you here? Bilisan mo. Mahal ang oras ko", saad niya saka siya naupo sa harapan ko

Napabuntong hininga ako bago tuluyang ibinaling ang tingin ko sa kanya.

"Cien, let me spend just one last day with Gwen", deretsong sabi ko

"For what?", kaagad na sumbat niya

Hindi ako kaagad nakasagot. Maski ako, hindi ko alam kung para saan. Basta ang alam ko lang, kahit sa isang buong araw, kahit ito na ang huli, basta makasama ko siya.

"Give me one goddamn reason Ridge", seryosong sabi ni Lucien

Kagaya kanina, wala akong maisagot.

Nakipagsukatan siya ng tingin sakin hanggang sa siya rin ang unang umiwas at tumayo na.

"I will tell her everything, but this time, I will try not to harm her", sabi ko

Napatigil siya sa paglakad dahil sa pagsasalita ko.

Hindi ko alam kung sapat na dahilan na ba 'yon para hayaan niyang makasama ko si Gwen ngayong araw.

"Hindi ko maipapangako na walang mangyayaring masama sa kanya, pero Lucien, gusto ko ng tapusin lahat. Gusto ko ng sabihin lahat sa kanya", dagdag ko

Nagulat ako nung bigla siyang maglakad ng mabilis at kaagad na kwinelyuhan ako.

Kitang kita ko sa mga mata niya yung galit. Galit na tanging si Gwen lang ang makakaalis.

Kung ako ang nasa kalagayan ni Lucien ay malamang, ganito rin ako. Baka nga, mas malala pa ko. Kaya naiintindihan ko kung bakit ganito siya umakto.

"Hahayaan kita sa gusto mong gawin Ridge. Pero parte mo lang ang gawin mo. 'Wag mong gagawin ang bagay na ako dapat ang gagawa", seryosong sabi niya

Hindi ako sumagot, pero alam kong alam niya na ang sagot ko sa sinabi niya.

Unti-unti niyang inalis ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko at nakita kong sinusubukan niyang kumalma.

Unti-unti rin siyang lumayo sakin at narinig ko ang mahina niyang pagmumura.

"Makakaalis ka na. Sunduin mo na lang siya sa condo niya. Nandon lang siya", sabi ni Lucien habang nakatalikod sakin

Napatango ako na para bang nakita niya iyon.

"Lucien", pagtawag ko sa kanya

Pero hindi siya nagsalita at nanatiling nakatalikod sakin.

Wish of a Broken Heart (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora