GWENDOLEN'S P.O.V.
Matapos iyon, ginawa nga ni Dashiell ang sinabi niya. Nagpalit na rin ako ng numero para kahit sa cellphone ko mismo ay hindi niya ko matawagan.
"Ate tumawag sakin si tita Dae kanina, inaaya niya tayo mag-lunch", sabi ni Dash
Nandito kasi siya ngayon sa opisina ko at nakatambay. Actually, nandito na talaga siya palagi matapos nung sinabi kong tumawag sakin si Ridge.
I don't know? Maybe he just wants to makee sure that I will be okay.
"Oh sige, saan daw ba?", tanong ko
"Ako na magda-drive papunta don ate. She sent me the address naman. Let's go?", sabi ni Dashiell
Tumango ako at ngumiti saka ko na kinuha ang bag ko at sumunod sa kanya palabas.
"Alam mo ate, sobrang gaan ng loob ko kay tita Dae. Dahil sa kanya, pakiramdanm ko tuloy buhay pa si mommy", sabi ni Dashiell
Napatingin ako sa kanya pero nanatili sa daan ang mga tingin niya.
"Paano kaya ate noh? Kung hanggang ngayon, buhay pa sila mommy. Siguro, masaya tayong apat ngayon", sabi ni Dashiell
Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa sinabi niya.
Hindi man madalas sabihin ni Dashiell pero alam ko na namimiss niya araw-araw ang mga magulang namin kagaya ng nararamdaman ko.
Hindi ko rin maiwasang maawa sa kanya minsan. Masyado pa siyang bata nung nawala samin ang mga magulang namin. Masyadong maaga siyang napagkaitan ng magulang.
"Kung nasaan man sila ngayon, I know they're watching us and they're guiding us", sabi ko sa kanya
Hindi na siya nagsalita pa at ngumiti lang bilang pagsagot sa sinabi ko.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa restaurant na sinasabi ni Miss Dae at naabutan namin siyang naghihintay doon.
"Tita Dae!", kaagad na sigaw ni Dashiell
Napalingon naman samin si Miss Dae at kaagad na tumayo. Tumakbo naman papunta si Dashiell doon at kaagad na yumakap kay Miss Dae.
"It's good to see you two again", nakangiting sabi ni Miss Dae
Ngumiti lang ako at bumeso sa kanya bago tuluyang umupo sa harapan nila ni Dashiell.
"I'm sorry, I ordered foods na. Is this okay? Or should we order again? Anong gusto niyo?", sabi niya
"Ang dami na nito tita Dae! Tsaka hindi na kailangan kasi mga paborito naman namin 'to ni ate", sabi ni Dashiell
Ewan ko ba sa kapatid kong 'to at napakahyper kapag si Miss Dae ang kasama naming dalawa. Napakadaldal at walang hiya hiya.
"Talaga? Mga paborito ko din kasi ang mga 'to!", masayang sabi ni Miss Dae
Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang nakikipagtawanan siya sa kapatid ko.
Gusto kong isiping buhay si mommy at siya si Miss Dae, pero paano? May bangkay kaming nahanap. Nagpa-DNA at na-confirm na sila mommy ang bangkay na nahanap. Kaya imposibleng buhay siya.
"Iha, are you okay?"
"Ate!"
Napabalik ako sa diwa ko nung biglang sumigaw si Dashiell.
Napailing ako at ngumiti sa kanilang dalawa.
"I'm okay po", nakangiting sagot ko
"Tara kain na!", sabi ni Dashiell
BINABASA MO ANG
Wish of a Broken Heart (Completed)
RomancePaano kung ang gusto mo lang naman ay magmahal at makaranas ng tunay na pagmamahal, pero sa huli palagi kang iniiwang luhaan at sugatan? Paano kung sa kagustuhan mong mahanap ang tunay na pagmamahal, maging rebound ka lang? Isang pusong sugatan, tai...