Chapter 22

134 4 0
                                    

DASHIELL'S P.O.V.

Magmula kahapon hindi pa ko kinakausap ni ate, hanggang ngayon. Pakiramdam ko tuloy, masyado akong naging pakialamero sa buhay niya. Ang gusto ko lang naman, makita siyang masaya.

Ngayon, maaga siyang umalis at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Naka-off ang phone niya at sabi nila sa kompanya ay hindi pa siya nagpupunta dun.

Sa tingin ko, nagpakalayo-layo na naman 'yon saglit para makapag-isip ng maayos. Masyado ko nga yatang ginulo ang isip niya.

"Kanina ka pa?"

Napatungo ako nung marinig ko ang boses ni Quade.

"Hindi, kararating ko lang din. Pasensya ka na at lagi kitang inaaya lumabas", sabi ko sa kanya

Napatawa siya ng mahina at napalingon-lingon sa paligid.

"Lagi mo kong inaaya sa public place, alam mo namang delikado para sakin. Pasalamat ka malakas ka sakin", sabi niya

Napatawa ako ng mahina dahil tama siya don.

"Bakit nga pala dito mo ko inaya?", tanong niya habang umaayos siya sa pag-upo

Ako naman ngayon ang napalingon sa paligid dahil sobrang namiss ko ang lugar na 'to.

"Hindi mo ba naalala ang lugar na 'to?", tanong ko sa kanya

Tinanggal niya ang suot niyang sunglass at napatingin sakin saka niya iginala ulit ang tingin niya.

Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. Sa tingin ko, naalala na niya kung ano 'tong lugar na 'to.

"Hmm, yeah. I remember now. Hindi ko napansin kanina. May ilang nagbago dito", sagot niya habang tumatango

"Pero yung nangyari dito, pwede mo pang mabago diba?", tanong ko sa kanya

Saglit niya kong tinignan at hindi makasagot.

Ang gusto ko lang ngayon, mag-usap kami lalake sa lalake. Gusto ko makasigurado na magiging masaya ang kapatid ko sa kanya. Gusto kong makasigurado na hindi na niya ulit sasaktan ang kapatid ko. Dahil kung ganon, ako mismo ang tutulong sa kanyang mapalapit ulit sa ate ko.

"Dash, ang tagal na nun. Right now, your sister only wants to be alone. She doesn't want Ridge nor Lucien, but she doesn't want me either", sabi ni Quade

"If only you'll try harder Quade, you can win her back", sagot ko sa kanya

Kilala ko si Quade. Sa tagal naming nagsamang tatlo, alam kong hindi siya ganun kadaling sumuko. Kaya hindi ko alam kung bakit bigla siyang naglaho noon. Kung bakit ganon na lang niya kadaling binitawan ang kapatid ko matapos niyang ma-reject.

"Why did you leave that day Quade? Why did you leave without telling her?", sunod-sunod na tanong ko sa kanya

Hindi siya sumagot at nanatiling nakatulala.

"I don't have much time to talk to you. I left a message for ate Gwen. I told her to come here, but I didn't told her that I'm with you. I'm giving you a chance to be with her again. But how can you assure me that you'll never do the same mistake again?", sabi ko sa kanya

Kagaya kanina ay hindi niya ko sinagot at nanatiling nakatulala sa kawalan.

Maski ang isang 'to ay hindi makausap ng maayos. Ganun na ba kalala ang nangyari sa kanila kagabi at ni hindi nila magawang makapag-isip ng maayos?

"Sir Dash, eto na po yung pinapabili niyo", biglang sabi ng bodyguard ko

Kinuha ko iyon at tinanguan siya. Nakuha naman niya ang gusto kong sabihin dahil kaagad siyang umalis.

Wish of a Broken Heart (Completed)Where stories live. Discover now