Chapter 39

126 5 1
                                    

GWENDOLEN'S P.O.V.

After ng meet and greet with the fans namin ni Quade, kaagad kaming nagpaalam kay tito Malcolm at dumeretso sa hospital.

I received a call from Ridge saying that Lucien's awake. He is awake, finally.

"Sandali Quancey, masyado kang excited. Hindi naman tatakbo si Lucien paalis kapag nakita ka", sabi ni Quade habang sinasabayan ako sa paglakad

"I'm just so excited to see him, okay? And nervous at the same time", sagot ko

Naghahalong saya at kaba ang nararamdaman ko matapos kong matanggap ang tawag ni Ridge. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero dahil na rin siguro sa tagal na hindi kami nagkita ni Lucien and now, magkikita ulit kami sa ganitong pagkakataon pa.

I won't ever waste this time. Gusto ko, magkaayos na kami at ayusin kung anumang meron kaming dalawa. Ayoko na siyang pakawalan ulit. Ayoko na siyang mawala ulit.

"Quancey teka!", sigaw ni Quade

Pero hindi ko na siya pinansin pa at binuksan ang pinto ng kwarto ni Lucien.

I caught everyone's attention as I opened the door. Lahat sila napatingin sakin, pero isang tingin lang ang napansin ko at awtomatikong napangiti ang mga labi ko.

Lumapit ako sa kanya pero nanatili lang siyang nakatitig sakin ng seryoso kaya naman, niyakap ko siya kaagad at hindi napigilan ang sariling umiyak.

"I'm glad that you finally woke up", sabi ko sa kanya

Pero imbes na sagot ang makuha ko ay inilayo niya ko sa kanya at tinignan ang mommy niya.

"Lucien", pagtawag sa kanya ng mommy niya

"Ma, who is she?", tanong ni Lucien

Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko matapos kong marinig ang tanong niyang 'yon.

Nanghina ang mga tuhod ko at muntik akong matumba pero kaagad akong nasalo ni Ridge at binigyang suporta.

"Nagbibiro ka lang... diba?", tanong ko sa kanya

How can this happen?

"Hindi. Sino ka ba?", seryosong tanong niya

Tinitigan ko siya pero tanging malalamig na titig niya ang sumalubong sakin.

It's as if those looks were telling me, who am I to hug him like that?

"Dude, is she your girlfriend?", tanong ni Lucien kay Ridge

Nagkatinginan kami ni Ridge saglit bago siya tumawa at hinampas ang braso ni Lucien.

"Gago ka ba? Stop the joke man. She's not my girl. She's yours", sagot ni Ridge

Napatawa si Lucien at tumingin ulit sa mommy niya.

Lahat kami ay takang-taka ang itsura ngayon sa kinikilos ni Lucien. Maski ako, hindi ko na alam kung ano bang mararamdaman ko.

"Ma, what is this joke? Girlfriend, what? Didn't I get married to Guenevere?", sabi ni Lucien

"Lucien, what are you saying? Hindi ka kinasal. Hindi ka sumipot sa kasal because you said, you only love Gwen and you won't marry a woman who is not Gwen", sagot ng mommy niya

"Is this a joke? Because if yes, this isn't funny", seryosong sabi ni Lucien

"I wouldn't waste my time for jokes like this Lucien. So if you are kidding around, cut it out. It's not funny", seryosong sabi ko

Wish of a Broken Heart (Completed)Where stories live. Discover now