SIOBHAN'S P.O.V.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong ni-contact ni Lucien at gustong makipagkita. Hindi ko rin alam, pero may importante raw siyang sasabihin sakin tungkol kay Gwen. Kung ano man 'yon, natitiyak kong kapahamakan na naman ang dulot.
"Siob"
Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko ang paparating na si Lucien.
Tinanguan ko lang siya at dumeretso naman siya sa upuan sa harapan ko at naupo.
"Bilisan mo dahil may lakad kami ni Gwen ngayon", sabi ko
"Tungkol 'to samin ni Ridge", agad na sagot niya
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong tungkol sa kanila?
"Siob, magkapatid kami ni Ridge", sabi ni Lucien
Agad kong naibuga ang ininom kong juice sa sobrang gulat.
"Ha!? Paano nangyaring magkapatid kayo!? Kailan pa?! I mean - teka!", naguguluhang sabi ko
Ang alam ko lang ay magkaibigan sila ng matagal noon hanggang sa nag-away sila at nagpunta sa ibang bansa si Lucien. Doon sila nagkakilala ni Gwen. Paanong naging magkapatid sila!?
"Magkaibigan ang pagkakakilanlan ng marami samin ni Ridge dahil anak siya sa labas ni dad, silang dalawa ni Lune. Alam mo namang nasa mundo ng politika ang pamilya ko Siob, makakasama sa imahe ni dad 'yon kapag nalaman ng karamihan", sabi ni Lucien
Napahawak ako sa ulo ko at napainom ulit bigla. Hindi ko 'to kinakaya.
"No one knows, especially Gwen. Kapag nalaman ni Gwen, hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon niya", sabi ni Lucien
Hindi ako makaimik. Unti-unting nagpa-process sa utak ko ang lahat. Hindi kaagag ma-proseso ng utak ko ang mga narinig ko.
"I know that dad sent you invitations for a party. Please make sure na walang makakapuntang kahit sino sa inyo, lalong lalo na si Gwen", sabi ni Lucien
"Bakit?", naguguluhang tanong ko
Napabuntong-hininga siya at napayuko. Pero kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
"It's my engagement party", sabi ni Lucien
Hindi ko alam kung nakailang buga na ko ng iniinom ko sa sobrang gulat ko sa mga naririnig ko.
"Please Siob. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Gwen kapag nalaman niya lahat", sabi ni Lucien
"Pero Lucien, hanggang kailan niyo siya lolokohin?", tanong ko
Hindi ko alam kung bakit nararanasan ni Gwen ang ganito. Hindi niya deserve ang masaktan at lokohin ng paulit-ulit.
"Hindi ko alam. Hindi ko intensyong lokohin siya, pero hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo. Naiipit na ko sa sitwasyon. Siob, kapatid at babaeng mahal ko ang pinag-uusapan dito", sabi ni Lucien
Napabuntong-hininga ako at napasandal sa upuan ko. Hindi ko din alam - sumasakit ang ulo ko. Hindi ko rin alam kung ano ang tamang gagawin.
"Siob, please. Ilayo mo na si Gwen dito. Please, take her back to London", sabi ni Lucien
"Para saan Lucien? Para ilayo ako sa katotohanang paulit-ulit niyo kong niloloko? Magkapatid nga kayo - parehas kayong gago"
Napatayo ako sa sobrang gulat ko at ganon din si Lucien.
YOU ARE READING
Wish of a Broken Heart (Completed)
RomancePaano kung ang gusto mo lang naman ay magmahal at makaranas ng tunay na pagmamahal, pero sa huli palagi kang iniiwang luhaan at sugatan? Paano kung sa kagustuhan mong mahanap ang tunay na pagmamahal, maging rebound ka lang? Isang pusong sugatan, tai...