Chapter 29

113 4 0
                                    

GWEN'S P.O.V.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong maayos lang ako, matapos ko siyang makita ulit.

Pakiramdam ko, bumalik na naman ako sa nakaraan. Na parang paulit-ulit na lang akong bumabalik sa kung saan ako yung sobrang nasasaktan. Pakiramdam ko, bumalik lahat ng sakit.

Sa tuwing nakikita ko ang isa sa kanila, hindi ko maiwasang masaktan. Ang tagal ng pinagsamahan namin. To think na nagsimula kami bilang magkaibigan bago pumasok sa relasyon. Hindi lang minamahal ang nawala sakin, pati na rin kaibigan.

Hindi ko din alam kung bakit ba paulit-ulit na nagtatagpo kami sa kung saan-saan. Ganon na ba talaga kaliit ang mundo?

"Who is he?", tanong ni Quade

Napalingon ako sa kanya at naglakad siya papalapit sakin at naupo sa tabi ko.

Inilublob din niya ang mga paa niya sa pool katulad sakin.

"Well, he somehow reminds me of Lucien. Are they relatives?", tanong niya ulit

Napatawa ako ng mahina at napayuko.

"Magkapatid sila sa ama", sagot ko

"Hmm. Then what's the story?", tanong niya

"Before I went to London, I was in a relationship with Ridge. Pero hindi ko alam na magkapatid sila ni Lucien. I met Lucien at London, remember? Wala rin siyang nabanggit sakin na may iba pa siyang kapatid. I was so clueless and so dumb not to notice", sabi ko

Hindi ko alam talaga. Basta ang alam ko lang non, nasa politiko ang tatay ni Ridge pero hindi ko nakilala kahit kailan. I only met his mother and Lune. Sa side naman ni Lucien, si kuya Caelum lang ang alam kong kapatid niya.

Hindi ko alam na ganun pala ko katanga para hindi mapansin na may something.

Kaya pala masyadong komportable si Lune kay Lucien noon pa lang. I thought kakilala lang niya kasi nga nabanggit sakin na matalik na magkaibigan yung dalawa. Who would've thought na magkapatid pala sila?

"And? Why are you so mad at them? Kasi nangsinungaling silang magkapatid sila?", tanong ni Quade

Sa pangalawang pagkakataon, napatawa na naman ako. Sana nga ganon lang.

"Ridge cheated on me. He fooled me. In fact, ginawa niya kong rebound. My life was in danger dahil dun sa babaeng patay na patay sa kanya, but he managed to protect me. He even trade his life for me and I appreciate that. He was there by my side. He said it's okay to be just a friend. Ang importante, welcome siya sa buhay ko. But he broke my trust for lying thousand times", sagot ko

Matapos akong lokohin ni Ridge, pinatawad ko siya. Tinanggap ko siya ng buong-buo bilang isang kaibigan. Pero anong ginawa niya? Niloko niya ko ulit.

Sinabihan ko na siya nun. Siya lang ang meron ako matapos akong iwanan at abandunahin ni Lucien. Pero ano? Nagsinungaling pa din siya. He took advantage of the situation para mapalapit sakin. Imagine kung pinagbigyan ko ulit siya, edi mas masakit na naman sa parte ko 'yon.

"How about Lucien? What happened to you and Lucien? You were so in love with each other way back then", sambit ni Quade

Sinusubukan kong huwag maiyak habang naaalala ko lahat. Ayokong umiyak. Pagod na kong umiyak dahil sa kanya.

"Sobra... sobrang mahal ko siya. Kaya hindi ko alam kung saang parte ako nagkamali para magawa niya kong iwanan ng ganun kadali. Binigay ko naman lahat lahat, kaya hindi ko alam kung kulang pa ba lahat ng 'yon para sa kanya at nagawa niya kong saktan", sabi ko

Wish of a Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon