Chapter 15

172 12 0
                                    

GWENDOLEN'S P.O.V.

It's been a quiet year for me - a peaceful life, I must say.

After I got discharged, we flew back to London kagaya ng sinabi ni Dashiell noon.

Masasabi kong, iyon ang pinakatamang naging desisyon ko. Kung sana lang ay noon pa lang bumalik na ko, sana siguro hindi ko pinagdaanan ang mga ganon.

Pero kahit bali-baliktarin ko man ang mundo, hindi ko na 'yon mababalikan para baguhin. Nangyari na ang nangyari. Tapos na at dapat ko nang ibaon sa limot iyon.

In fact, lahat ng pangyayaring 'yon ang mas nagpalakas sakin ngayon. It turned me into a better version of myself. Nasaktan ako pero natuto rin naman ako.

"Ate, look!", sigaw ni Dashiell

Itinigil ko ang pagluluto ko at kaagad na pinuntahan si Dashiell sa sala.

"Ano bang sinisigaw mo diyan ha?", bungad ko sa kanya

Itinuro niya ang TV at napatingin naman ako dun habang inaalis ko ang suot kong apron.

"I can't believe this!", sigaw ni Dashiell

Napasapo ako sa noo ko at gusto ko na lang batukan ang kapatid ko ngayon. Pakiramdam ko ay kumulo kaagad ang dugo ko!

"Nakakabwisit ka! Itinigil ko ang pagluluto dahil akala ko naman kung anong sasabihin mo!", sigaw ko sa kanya

Napatawa siya ng malakas at hawak-hawak pa niya ang tiyan niya. Nakakainis!

"Sus, ikaw ate ha. Nagsisisi ka bang nireject mo 'yan?", sabi niya saka niya itinuro ang nasa TV

Inirapan ko na lang siya at hinampas ng unan na kinuha ko sa tabi niya saka ako dumeretso sa kusina at itinuloy ang pagluluto.

"Sikat na si Quade ate! Mag-artista ka na lang din kaya?!", sigaw ni Dashiell

Hindi ko na siya pinansin at napailing na lang.

Quade is a close friend of mine before, lalong lalo na nung baguhan kami ni Dashiell dito sa London. Pero everything changed nung umamin siya sakin that he has feelings for me.

Hindi ko naman maibabalik 'yon sa kanya, kaya minabuti kong sabihin kaagad sa kanya. Ang kaso, magmula nung nireject ko siya ay iniwasan na niya ko at umalis siya ng walang paalam.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya hanggang sa nabalitaan ko na lang noon na isa na siyang sikat na model at ngayon ay artista na. Hindi ko naman ikakaila na gwapo siya at bagay sa kanya ang pasukin ang ganung industriya.

"Alam mo, kung ako sayo ate, kay Quade na lang ako. You know, he's a lot way better than those jerks", sabi ni Dashiell habang naglalakad papunta dito

Itinigil ko ang paghihiwa ng gulay at masamang tumingin sa kanya. Mukha namang nakuha niya ang nais kong iparating sa kanya.

"Just saying ate. Hindi naman masama ang magmahal ulit. In fact, handa na kong ibugaw ka sa kahit sinong kakilala ko diyan eh, psh. Sana lang ate, huwag mong tuluyang isarado 'yang puso mo dahil sa mga nangyari", seryosong sabi ni Dashiell

Matapos iyon, nagkibit-balikat lang siya tapos umalis na at bumalik sa sala.

Naiwan akong tulala at hindi matukoy ang sasabihin. Alam kong may punto siya.

Matapos ang mga nangyari sakin, isinara ko na ang pintuan papasok sa buhay ko lalong lalo na sa puso ko. Simula non, itinatak ko sa sarili ko na kung sino na lang ang nandiyan para sakin ay sila na lang ang pahahalagahan at mamahalin ko.

Wish of a Broken Heart (Completed)Where stories live. Discover now