Chapter 35

123 5 0
                                    

DASHIELL'S P.O.V.

A month of peaceful life, natapos din ang movie na ginagawa namin nila ate Gwen. Sabi nga ni tito Malcolm, ito ang unang project na hinawakan niyang natapos ng ganito kabilis. He's amazed and so do I.

Isang buwan ang lumipas at nalaman ko lahat lahat ng nangyayari. Naging mailap din ako kay ate Gwen dahil hindi ko alam kung paano ko haharap sa kanya.

Oo, aaminin kong nagkamali ako. Mali ako sa part na pinagbawalan ko siya at inayawan ko si Lucien, pero hindi niya ko masisisi. I saw her struggle because of him. In fact, hindi lang dahil sa kanya kundi dahil sa buong pamilya niya.

Isang buwan at walang palya sa pagdalaw si ate Gwen sa kanya sa hospital. Minsan nga ay doon na siya natutulog kakabantay kay Lucien.

The good thing is, the operation was successful. Ligtas silang dalawa ni Ridge and I must say that Lune did a great job for that. Pero matapos ang operasyon ay naging stable ang lagay ni Lucien ngunit na-coma na naman siya. While Ridge is still recovering since it's his first surgery and it was fatal for him too.

Ewan ko ba. Sa kabila ng lahat ng mga maling nagawa ng pamilya nila, lalo na sina Ridge at Lucien, hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Hindi ko maintindihan kung bakit kumakapit pa din sila sa buhay. Hindi ko naman sinasabing sana mamatay na lang sila pero, despite of the sins they've done, do they really deserve to live?

"Dash"

Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko ang paparating na si Quade.

Tinanguan ko lang siya at ganun din naman ang ginawa niya saka siya naupo sa tabi ko. Inabutan niya ko ng in-can coke at kinuha ko naman 'yon.

"Are you still mad at Quancey?", tanong niya

Isa rin 'to. Hindi ko rin maintindihan kung paano niya nagawang magparaya ng ganun-ganun lang. Hindi ko alam kung paano niya nagawang pakawalan ang babaeng mahal niya na hindi man lang niya sinubukang ipaglaban. He tried, but he didn't gave his best. He tried, but gave up that easily because he really thought that he lost in the first place. I doubt that part. He could've won, if only he pursued her more.

"Hindi ako galit. I'm just disappointed", sagot ko

Nakakadismaya. Bakit sa dinami-dami ng taong mamahalin niya, bakit yung taong nanakit pa sa kanya? Madami siyang pwedeng pagpilian, pero bakit mas pinili pa rin niya yung taong minsan na siyang niloko? Madami naman diyang iba, pero bakit siya nagpapakatanga sa iisang tao? Higit sa lahat, may iba na handang gawin lahat para sa kanya pero mas pinili niya pa rin yung lalaking minsang nang-iwan sa kanya.

Ganun ba talaga? Ganun ba talaga kapag nagmamagal ka? Na dapat ba kapag nagmahal ka, required na magpakatanga?

"Just respect her decisions Dash. You can never change her mind. No one could", sabi ni Quade

Hindi rin sa pagiging bias, pero hindi ba't mas nararapat naman talaga si Quade para sa kanya? Quade's the best, but she settled for less.

"Not even me", sabi ko at ngumisi

Binuksan ko na ang hawak kong inumin at uminom. Sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon, mapapainom na lang din talaga ako eh.

I really thought they'll end up together. That way, I would be happy. I would finally feel at ease. Na sa wakas, mapupunta na sa tamang tao yung kapatid ko. Kung sana ay si Quade ang pinili niya, sana ay mapapanatag na ko. Kaso hindi eh. Sa pang-ilang pagkakataon, mas pinili niya pa rin ang lalakeng 'yon.

"Mahal nga ba niya si Lucien o pinili lang niya kasi naaawa siya?", tanong ko kay Quade

Napalingon ako sa kanya nung bigla siyang tumawa sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napailing siya at tinapik ang balikat ko.

Wish of a Broken Heart (Completed)Where stories live. Discover now