Chapter 32

115 3 0
                                    

LUNE'S P.O.V.

Mahirap para sakin. Yung kahit anong pilit ko sa sarili kong iligtas silang dalawa dahil ayokong may mawala, alam kong sa kalagitnaan ng operasyon, isa lang ang kailangan kong isalba.

I love them both, sobra. I care for them because they have been not just brothers to me, but they also have been like a father.

Ang masakit don, sa tuwing sasabihin ni kuya Ridge na kung isa lang ang masasalba, piliin ko si kuya Lucien. It's as if he wants me to let him die. At kapag nangyari 'yon, para ko na rin siyang pinatay. Habang-buhay kong sisisihin ang sarili ko kapag nagkataon.

"Doc, yung phone niyo po kanina pa nagriring", sabi ng kasama kong nurse

Napatingin ako sa phone ko at nakita ang pangalan ng kaibigan ko sa screen.

Kaagad kong sinagot at inilayo ko ng kaunti ang phone sa tenga ko dahil sobrang ingay. Nasa club na naman ba 'to?

"Lune", sabi niya

"Archie, kung magyayaya ka mag-club, wala akong oras ngayon. Busy ako kaya next time na lang—"

"Yung kuya mo nandito, lasing na lasing", pagputol niya sa sinasabi ko

Kaagad akong napatayo nung marinig ko 'yon.

"Sa lagi nating pinupuntahan. Bilisan mo, kanina pa siya nagwawala dito", sabi ni Archie

"Sige, papunta na ko. Salamat Archie", sagot ko

Kaagad kong pinatay ang tawag at nagmadaling tumakbo papuntang parking lot.

Ano na naman bang problema at nagpapakalunod na naman siya sa alak?

Mabuti na lang pala at malapit lang dito sa hospital yung club na 'yon.

Pagdating ko ng club, nandun sa labas si Archie at mukhang hinihintay ako.

Kaagad akong bumaba ng kotse at nagmamadaling tumakbo papunta kay Archie.

"Tara", sabi niya

Saka niya ko kinaladkad papasok ng club at pagpasok ko pa lang, si kuya Ridge na ang unang nahagilap ng mga mata ko.

He's so wasted. Ilang bote ng iba't-ibang klase ng alak ang nasa table sa harapan niya.

"Kanina pa siya dito. I thought he's just here to have fun, pero mukhang hindi", sabi ni Archie

Napapikit ako at sinubukang pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Naiyukom ko ang mga kamao ko at napabuntong-hininga ng malalim.

"Sige na, puntahan mo na siya", sabi ni Archie

Tumango ako at naglakad papunta kay kuya Ridge. Naupo ako sa harapan niya at napatingin siya sakin. Nginitian niya ko tapos tumawa siya ng malakas.

"Oh, my little sister. Are you here to pick me up?", natatawang sabi niya

Hindi ko siya sinagot at tinitigan lang. Napalabi siya tapos uminom ulit ng alak.

"Kuya, tama na 'yan. Halika na, umuwi na tayo", sabi ko sa kanya

Akmang tatayo ako para puntahan siya pero sinenyasan niya kong maupo kaya hindi ko na itinuloy.

"Alam mo ba, nagkita kami kagabi. She told me, she won't ever come back to me. She won't love me anymore. She wouldn't even give me glance", sabi ni kuya Ridge

Napapikit ako at napayuko. Nangyari na 'to dati, isang beses. Sa club na 'to din. Ganitong-ganito 'yon.

"I asked for her forgiveness, but she won't ever forgive me. Do I really deserve to die like this?", nakangiting sabi ni kuya

Wish of a Broken Heart (Completed)Where stories live. Discover now