Chapter 28

110 4 0
                                    

RIDGE'S P.O.V.

It's been a week at walang palya ang balita tungkol sa kanya. She is now a well-knowned artist and there are even rumors that she and Quade are in a secret relationship.

I feel bad. I feel hurt for myself, but I even feel more hurt for my brother.

I am willing to let go. I am willing to give way for my brother. But Quade happened. What happened?

"Kuya, umuwi ka muna. Kagabi ka pa nandito. May bahay tayo. Hindi dito sa hospital ang bahay mo", sambit ni Lune

Ngumiti lang ako at tumingin ulit sa kapatid kong hanggang ngayon ay hindi pa din nagigising.

Sinasabi nilang maliit na lang ang chance na magising pa siya, pero pinanghahawakan ko yung maliit na chance na 'yon.

"Get some rest too. Mamaya ikaw naman ang ma-hospital sa kakapuyat mo", panenermon niya

"Lune, what if he's just waiting for her?", biglang tanong ko

Paano kung kaya kumakapit pa si Lucien ay para sa pagbabalik ni Gwen? Paano kung si Gwen lang pala ang hinihintay niya? What if he gets better when she visits?

"Kuya please. Hayaan na natin si ate Gwen. 'Wag na nating guluhin yung buhay niya", sambit ni Lune

Napasabunot ako sa buhok ko at napapikit.

Pakiramdam ko mababaliw ako anumang oras.

Kapag hindi gumising si Lucien, lahat isisisi ko sa sarili ko. Habang buhay kong magsisisi at magagalit sa sarili ko.

"What if lang naman Lune. I'm so desperate right now. I'm willing to do everything just so he would wake up", sambit ko

Napabuntong-hininga si Lune at naupo sa tabi ko.

"Then what do you want to do?", tanong niya saka niya ibinaling ang tingin niya sakin

Tinignan ko siya ng seryoso at pakiramdam ko naman, handa siyang tulungan ako.

"Subukan mong makipagkita sa kanya. Siguro naman, hindi ka niya aayawan", sabi ko

"Bakit ako?", tanong ni Lune

"Dahil kung meron man satin ang hindi niya kahit kailanman pagtataniman ng sama ng loob, ikaw 'yon", sagot ko

Simula pagkabata ni Lune minahal na siya ni Gwen na parang sarili niyang kapatid. Kaya sigurado akong kung galit man siya samin ni Lucien, kay Lune ay hindi.

Kung may natitira mang pag-asa na may kausapin siya samin, si Lune lang 'yon. At kailangan naming sumubok kaysa naman wala kaming gawin.

"I'll try kuya", sambit niya

Tumango ako at binigyan siya ng isang tipid na ngiti.

"Sige na, umuwi ka na muna. Magpahinga ka kahit saglit lang. Bumalik ka na lang ulit mamaya", sabi ni Lune

Tinapik niya ang balikat ko saka siya tumayo at tuluyan na siyang umalis. Naka-duty rin kasi siya ngayon at marami siyang inaasikasong pasyente.

Saglit ko pang sinulyapan si Lucien saka ako tuluyang tumayo at umalis ng hospital.

Deretso lang sa daan ang tingin ko habang nagmamaneho pero pakiramdam ko lumulutang ang utak ko ngayon.

"Fudge!"

Bigla akong napa-preno nung biglang may tumawid na bata. What the hell? Saan siya nanggaling?

Kaagad akong bumaba ng kotse para tignan siya pero laking pasasalamat ko nung makita kong hindi ko siya nabangga.

Wish of a Broken Heart (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя