Chapter 18

150 9 0
                                    

GWENDOLEN'S P.O.V.

Sa sobrang stress ko, naisipan kong gumala muna mag-isa at makapag-isip isip saglit.

Hindi ko alam kung bakit bumabalik na naman ang mga taong matagal ko nang ibinaon sa nakaraan. Kung bakit ba paulit-ulit silang nanggugulo. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay.

"Ops, I'm sorry", sabi ng batang babaeng nakabangga ko

Ngumiti ako sa kanya. Hindi naman ako galit or what. Nagulat lang ako.

"It's okay little kid. Just don't run again so you won't bump into other people, alright?", sambit ko

Napansin kong medyo naiiyak siya kaya naman bumaba ako para magkapantay kaming dalawa.

"What's wrong?", tanong ko sa kanya

Pero namali yata ako ng tanong dahil tuluyan na siyang umiyak.

"My m-mommy. I couldn't find my m-mommy", umiiyak na sambit niya

Iginala ko ang tingin ko at mukhang wala namang naghahanap ng bata dito.

"Okay. I'll get you to the security's office and wait there. They will find your mom", sambit ko

Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya pero hinila niya ko pabalik kaya napatigil ako.

"No, I don't want to go there. I'm scared. Please don't leave me here", umiiyak na sambit niya

Naaawa ako sa kanya at hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman bumaba ulit ako at kinuha ang panyo ko para punasan ang mga luha niya.

"Okay, I'll come with you. We will go there and wait for your mom, okay?", nakangiting sabi ko sa kanya

Tumango naman siya ng dahan-dahan.

Hindi ko na siya pinaglakad pa at binuhat ko na lang tutal mukha naman siyang magaan.

Nagulat na lang ako nung bigla siyang yumakap sakin ng mahigpit.

Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Iniisip ko na, paano kaya kung nabuhay yung anak ko? Siguro ay magkasing-edad lang sila ng batang 'to. Siguro ganito rin kaganda ang anak ko.

"Uhm, excuse me. This kid is lost", sabi ko sa security guard pagkadating namin

Ibinaba ko na siya dahil medyo may kabigatan din siya at hindi ko na siya kayang kargahin.

"Oh, thank you for taking her here. We will find her parents soon", sabi ng security guard

Saka niya ibinaling ang tingin niya sa batang nahanap ko.

"What is your name, kid?", tanong ng security guard sa kanya

Pero hindi siya sumagot at tumingin siya sakin na parang humihingi ng tulong.

"Tell him your name so we could find your mommy", nakangiting sabi ko sa kanya

Ibinalik niya ang tingin niya sa security guard at tinitigan siya saglit bago tuluyang nagsalita.

"My name is Alkina, I am five years old", sabi niya

Sinenyasan ko ang security guard na kausapin muna yung bata dahil biglang tumawag si Dashiell.

"Ate nasaan ka?", tanong niya

"Shopping, why?", sagot ko

"Sa dati ba? Pupuntahan kita", sabi ni Dash

Kumunot naman ang noo ko dahil iba ang tono ng boses niya. May nangyari ba?

"Okay. Nandito ako sa security's office. May nawawala kasing bata at ako ang nakahanap", sabi ko

Wish of a Broken Heart (Completed)Where stories live. Discover now