DASHIELL'S P.O.V.
Mula pag-uwi ni ate, hindi na siya mapakali. Kanina pa siya lakad ng lakad dito sa harapan ko at nakakahilo na siya.
"Ano bang problema mo ate? Kanina ka pa ah. Nakakahilo ka na!", singhal ko sa kanya
Napasabunot siya sa ulo niya at bigla akong tinapunan ng isang masamang tingin.
Oh bakit ako!? Ano na naman ginawa ko?!
"Kasalanan mo 'to eh! Ikaw kasi!", sigaw niya sakin
Saka niya kinuha ang unan sa gilid ko at bigla akong pinaghahampas ng malakas.
"Ano ba ate! Tama na! Masakit kaya!", sigaw ko habang sinasangga ang bawat hampas niya
"Kasalanan mo 'to lahat!", sigaw niya
Hanggang sa tumigil na siya sa paghampas sakin at naupo siya sa lapag. Sinipa-sipa niya pa ang paa ko kaya agad ko namang itinaas iyon para hindi na niya masipa. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin niya sakin.
Ano bang pinagsasabi niya? Anong kasalanan ko? Anong ginawa ko?
"Breaking News : Quade Sullivan spotted at the mall with a girl and a kid"
Napatingin ako kaagad sa TV at ganon din si ate.
"Bwiset talaga!", sigaw ni ate
Saka siya padabog na umalis at umakyat papunta sa kwarto niya.
Habang ako ay tulala sa TV at tinitignan ang news about kay Quade. Nakita ko na rin sa internet ang iba tungkol dito pero -
"Ate!?", gulat na sigaw ko
What the hell!? Siya yung kasama ni Quade sa mall!? Paano sila nagkasama don!?
Teka - bata? Siya kaya yung sinasabi sakin ni ate kanina? Pero paanong magkakasama sila ni Quade?
"Ate Gwen!", malakas na sigaw ko
Kaagad naman siyang bumaba at kumaripas pa sa pagtakbo papunta sakin.
"Bakit!? Anong nangyari!? Okay ka lang ba!? May masakit ba sayo!?", sigaw niya sakin
Tinitigan ko siya saglit at alalang alala ang itsura niya, pero hindi ko na iyon pinansin pa at itinuro ko kaagad ang TV.
Hindi niya tinignan iyon pero nag-iba kaagad ang timpla niya at binatukan niya ko ng malakas.
"Oo na! Magpapaliwanag ako okay!? Unexpected 'yan! Yung batang nahanap ko kapatid ni Quade at hindi ko alam!", sigaw niya
Natatawa ako sa kanya ngayon sa totoo lang. The way she reacts when it comes to Quade is a lot different. I don't know why, but I want to find out.
"Eh bakit ka galit ate? Nagtatanong lang naman ako ah", pang-aasar ko sa kanya
Padabog siyang umupo sa tabi ko at itinutok niya ang atensyon niya sa TV.
"Hindi ganon 'yon. I'm just... I'm just... I don't know", sabi niya
Saka siya napabuntong-hininga at napapikit.
Siguro nai-stress na naman 'to dahil sa nangyari.
"Ano bang problema ate? Bakit ba ganyan ang reaksyon mo lagi kapag si Quade ang usapan?", tanong ko
I see madness in her eyes whenever I talk about Quade, but not as much as when I talk about those two jerks.
"I just don't want to see Quade... for now", sabi ni ate
YOU ARE READING
Wish of a Broken Heart (Completed)
RomancePaano kung ang gusto mo lang naman ay magmahal at makaranas ng tunay na pagmamahal, pero sa huli palagi kang iniiwang luhaan at sugatan? Paano kung sa kagustuhan mong mahanap ang tunay na pagmamahal, maging rebound ka lang? Isang pusong sugatan, tai...