Chapter 27

128 3 0
                                    

GWENDOLEN'S P.O.V.

Pagkarating namin sa airport kaagad na sinuot sakin ni Quade ang hawak niyang shades na kagaya ng sa kanya.

Saktong pagsuot ko ay ang kaagad na pag-flash ng mga camera ng mga reporters.

"Quade Sullivan, is it true that you chose your own leading lady?"

"Quancey Sy, is it true that you haven't gone to the auditions?"

"Is it true that you're in a secret relationship?"

"Is it true that you have a past relationship?"

Napatigil ako sa paglalakad nung marinig ko ang tanong na 'yon. I mean, ganito ba talaga ang mga reporters? Galing mag-ungkat ng nakaraan ah?

"You don't need to answer their questions. Just ignore them", sambit ni Quade

Hinila niya ko palapit sa kanya at hinawakan niya ang bewang ko.

"I'm sorry, but we're tired from the flight. We'll answer your questions some other time", sambit ni Quade

Matapos niyang sabihin iyon ay dumami pa ang tanong ng mga reporters pero hindi na niya sinagot pa at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakaantabay naman samin ang mga staffs, kaya ayos lang kahit papaano.

"When we arrive there, you can have a little rest then we'll immediately have a meeting. Okay?", bilin ng director

"Aye aye captain!", sabay sabay nilang sagot at napatawa

Napailing na lang ako at napatawa.

"Let's go ate!", masayang sambit ni Dash saka niya ko hinila

Nauna na siyang pumasok sa sasakyan at hila-hila niya ko. Pero bago pa man din ako makapasok sa sasakyan ay may humila na sa kabilang kamay ko.

"You'll come with me", seryosong sabi ni Quade

"Oh, okay okay. Bye guys! Enjoy!", pang-aasar ni Dashiell

Itinulak pa niya ko kaya muntik akong matumba pero kaagad akong naalalayan ni Quade.

"Sus, magmomoment pa kayo dito. Dami-dami niyo ng pictures oh! Pinapaasa niyo masyado mga fans niyo!", sabi ni Dashiell

Napairap na lang ako at kaagad na lumayo kay Quade. Ang akward din kasi.

Mukhang nakahalat naman siya kaya iginaya niya ko sa nakahandang kotse sa likod ng sasakyan nila Dashiell.

"Aaahhhh! We love you Quade and Quancey!"

"Sana kayo na lang in real life!"

"QG couple! QG couple! QG couple!"

Napailing na lang ako at napatawa sa sinisigaw ng ibang fans dito.

Ganito ba talaga kapag artista ka na? Pakiramdam ko tuloy masyadong umaasa ang mga fans namin ni Quade. What if we fail as a loveteam?

"You can sleep for a bit. I'll just wake you up when we get there", sambit ni Quade

Napatango ako at ngumiti. Pinagbuksan niya ko ng pinto at pumasok naman kaagad ako. Kaagad rin naman siyang umikot para pumasok at nagsimulang mag-drive.

At kagaya ng sinabi niya, umayos ako para makatulog saglit. And when I wake up, I hope everything goes right.

"We're okay mom. Alkina's with Dashiell"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sakin ang puting kisame.

Wish of a Broken Heart (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن