Chapter 1

371 19 0
                                    

GWENDOLEN'S P.O.V.

"Any reservations po ma'am?", tanong ng babaeng bumungad sakin

"Uh, yes. I am here to attend my friend's wedding", nakangiting sagot ko

"Name ma'am?", tanong niya

Saka niya binuksan ang hawak niyang notebook.

"Quancey Gwendolen Sy", sagot ko

Saglit siyang naghanap sa notebook, saka siya tumungo at ngumiti sakin.

"This way ma'am", sagot niya

Saka niya itinuro ang daan at nauna na siyang maglakad. Sumunod lang ako hanggang sa makarating kami kung saan ang reception. I'm so late.

"Dito na po ma'am. Have a nice evening", sabi nung babae saka siya ngumiti at umalis na

I haven't open the door yet I feel so nervous. Am I really here? Am I really ready to face them all?

"Aish, Gwen ang tagal na non. They're all okay, dapat ganon ka din!", bulong ko sa sarili ko

Huminga ako ng malalim at saglit na pumikit. Kaya ko 'to.

"Ah teka! I think I need to go to the restroom", sabi ko sa sarili ko

Saka ako kaagad na tumalikod at hinanap ang restroom.

Kaagad ko namang nahanap at pumasok.

Humarap ako sa salamin at inilabas ang lipstick ko at pulbo. This will do right? Hindi ko naman kailangang masyadong magpaganda.

"Kaya mo 'to Gwen, kaya mo 'to. Ikaw pa ba?", nakangiting sabi ko sa sarili ko

Lumabas na ko ng restroom at dumeretso sa venue ng reception.

Sandali ko pang tinitigan ang pinto saka ako naglakad palapit doon.

"Aren't you going in?"

Napatigil ang kamay ko sa paghawak sa door knob nung marinig ko ang boses na 'yon.

Napapikit ako ng mariin at nananalanging sana hindi siya 'yon at nagkakamali lang ako.

"You're late too, aren't you?"

Napatingin ako sa lalaking naglakad papunta sa harapan ko.

Bakit sa dinami-dami ng pwede kong makasabay, ikaw pa?

"Yes, a little late. I needed to use the restroom, that's why", nakangiti at kalmadong sagot ko

Tumango lang siya at binuksan na ang pinto.

"Come on, let's go in", seryosong sabi niya

Ngumiti na lang ako at tumango saka na ko nagsimulang maglakad.

At kagaya ng inaasahan ko, naging center of attraction na naman kami nang wala sa oras.

"Omg, after so many years, sila pa rin pala ang magkakatuluyan"

"Pero ang alam ko ay may girlfriend si Ridge sa ibang bansa at model"

"Pero bakit sila magkasama?"

"Don't tell me, rebound na naman si Gwen? Or kabit? Hahahahaha"

Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa mga bulongan ng iba dito.

Kung bakit kasi sa dinami-dami ng makakasabay ko papasok, si Ridge pa! Bakit siya!?

"The bride and the groom's right there", sabi ni Ridge saka niya itinuro sa harap

Wish of a Broken Heart (Completed)Where stories live. Discover now