Chapter 6

203 15 0
                                    

SIOBHAN'S P.O.V.

"Nasan sila Gwen? Tawagin niyo na para sabay sabay na tayo kumain", sabi ni Kreo

Napairap ako at biglang napainom ng kape dahil don. Paano namin tatawagin yung taong wala naman na dito?

"Lucien texted me a while back. Nauna na silang umalis ni Gwen. Kailangan daw ng pahinga ni Gwen, hindi stress", sagot ni Orion

Napayuko naman ng bahagya si Kneesah nung marinig iyon. Well she should feel embarassed, she's the reason after all.

"Hindi ko alam kung bakit ganito. This outing is for Gwen, pero siya pa ang naperwisyo at napilitang umalis", sabi ni Karel

Isa rin 'tong matabil ang dila minsan eh. Hindi mapigilan kahit anong pigil.

"Sana ikaw na lang ang umalis kung may hiya ka pang natitira para sa sarili mo", nakangiting sabi ni Lirae kay Kneesah

Yung ngiting pang-bwisit ba. Saka siya umirap at tuluyan ng umalis.

"Stop blaming her", sabi ni Ridge

Napatawa ako.

"Bakit? Sino ba ang dapat sisihin dito? Kami? Eh 'yang magaling mong girlfriend ang nagsimula ng lahat!", sigaw ko

"Stop it, will you?", seryosong sabi ni Wallace

Napairap na lang ako. Ang tagal tagal naming nagtimping lahat. Kahit gusto naming maghiganti sa ginawa nila kay Gwen!

"Matagal na 'yon! Pwede bang kalimutan niyo na lang!? Why do you keep on digging up the past!?", sigaw ni Ridge

"Madali para sayong sabihin 'yan Ridge, kasi hindi mo nararamdaman yung nararamdaman namin. You know what I regret the most? It's the fact that I comforted you first when the thing I should've done was to ask Gwendolen what actually happened. I should've asked her first before you. Kasi ngayon, pinapakita mong nagkamali kami ng taong pinaniwalaan noon", sabi ko

Hindi nakasagot si Ridge at nanatiling nakatitig sakin.

Ako na ang unang nag-iwas ng tingin at tumayo na para lumayo sa kanila. Nakaka-suffocate na magsama-sama kami sa iisang lugar lang. Naghahalo-halo yung mga emosyong dapat hindi maghalo.

"Siob, tara dito!", tawag sakin ni Lirae

Ngumiti ako at nagpunta sa kanya. Hindi ko namalayang sumunod pala sakin ang ibang babae, well of course except sa girlfriend ni Ridge.

"It would have been nice if Gwen is here too", sabi ni Kreo

Napatango na lang ako at pinagmasdan ang dagat. Gwen would've love this, she's so into the perfect view of the beach.

"Siob, magiging ganito kaya tayo ngayon kung...."

Napatingin ako kay Karel pero nakatitig lang siya sa dagat. Ni hindi niya magawang kumurap at nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

"Magiging ganito kaya kagulo ang lahat kung sana noon... kung sana, tinanong natin si Gwen sa kung anong totoong nangyari", sabi ni Karel

Maging ako ay natigilan sa naging tanong ni Karel. Mismong ako, hindi alam kung ano ba ang isasagot.

"Gwen must have been so scared way back then. No one was there for her. She must have been so much hurt that no one believed in her, even us. We failed to be her best friend way back then", sabi ni Lirae

Napapikit ako at napahiga sa buhangin. Itinakip ko ang braso ko sa mga mata ko para subukang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"In the first place, we are her best of friends. How come we didn't believe in her? How come we didn't trust her? How come we didn't ask her what really happened?", sabi ni Kreo

Wish of a Broken Heart (Completed)Where stories live. Discover now