Chapter 33

112 3 0
                                    

GWENDOLEN'S P.O.V.

Wala akong lakas ng loob magpunta sa hospital. Gusto ko man, may pumipigil sakin.

Mahal ko si Lucien, but is that enough for me to say?

How can I choose to be happy knowing that I am hurting someone else? What if my happiness means breaking someone else's heart?

"Ate, wala daw tayong shooting ngayon", sabi ni Dashiell

"Ha? Eh bakit hindi ako nasabihan? Grabe! Ang aga ko nagising at nagpalit para hindi ma-late sa shooting", sabi ko

Wala talagang nagsabi sakin kahit sino. Ako lang ang hindi na-update ganon?

"I talked to tito Malcolm. We're going out today. You'll gonna spend your whole time with me"

Napatingin kami ni Dashiell sa nagsalita at nakita namin si Quade na nakaporma na parang makikipag-date.

"Wow, pinaghandaan masyado. Gwapo mo naman pre. Gwapo mo naman para mabasted", sabi ni Dashiell saka siya tumawa

Napailing-iling pa siya habang hawak-hawak ang tiyan niya sa sobrang kakatawa. Ni hindi ko nga alam kung nay nakakatawa ba eh.

Lumapit siya kay Quade at may ibinulong. Ibinaling sakin ni Quade ang tingin niya at ngayon ay napapaisip ako kung anong ibinulong ng kapatid ko sa kanya.

"Let's go? Nakaayos ka naman na. I'm sorry to tell you, but you have to stick with me the whole day whether you like it or not. I'll be waiting downstairs", sabi ni Quade

Saka na siya naunang lumabas at naiwan si Dashiell sa may pintuan na nakatalikod sakin.

Hindi siya lumingon sakin at nanatiling nakatalikod. Pero nakita ko ang konting paglingon niya sakin.

"You really are lucky, ate. A man who's willing to trade the world for your happiness. A man who had been so deeply and madly in love with you. A man that every girl would wish to have in the entire universe is right in front of you, but you chose to close your eyes", sabi ni Dashiell

"Dash", pagtawag ko sa kanya

Pero hindi siya sumagot at tuluyang lumabas ng kwarto.

Naiwan akong tulala at paulit-ulit sa isip ko yung sinabi ni Dashiell.

Sa kabila ng pagiging swerte ko dahil may lalaking nagmamahal sakin, ganun din ang pagiging malas ko dahil wala na kong ibang naidulot kundi sugat sa puso.

"Come down, Quade's waiting for you... as always", sabi ni Dashiell habang nakadungaw sa may pinto

Tumayo ako at kinuha ang sling bag ko, saka na ko bumaba.

Kakausapin ko sana si Dashiell pero bigla niya kong tinalikuran at naglakad palayo. How hurt is he to act this way?

Alam kong si Quade ang gusto ni Dashiell para sakin. Pero anong magagawa ko? Kahit anong gawin ko, iisang tao lang ang laman ng puso ko.

Oo nga't nakakasama at nakakausap ko palagi si Quade, pero hindi ibig sabihin non ay manunumbalik na yung kung anong naramdaman ko sa kanya noon. Higit pa man, ayokong pilitin ang sarili kong mahalin siya dahil lang ayokong nasasaktan siya. Ayokong pilitin ang sarili kong mahulog sa kanya, dahil lang sa alam kong mahal niya ko. Dahil ang pag-ibig, kusang nararamdaman at kahit kailan, hindi pinipilit.

"Quancey, let's go?", sabi ni Quade

Napatango ako at sumakay na sa kotse. Kaagad kong inayos ang seatbelt ko at itinutok na ang tingin ko sa daan.

Wish of a Broken Heart (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt