GWEN'S P.O.V
Here I am sitting beside Lucien. He's so busy doing business works since he's here in the Philippines. Minsan, nakokonsensya na din ako dahil pakiramdam ko nagiging pabigat ako, but he always make me feel na he can manage. He has time for works and he has time for me.
"Cien", pagtawag ko sa kanya
Saglit naman niyang itinigil ang tinatype niya at tumingin sakin saka niya ko nginitian.
"Uh", hindi mapakaling sabi ko
Hinawakan niya ang buhok ko at hinaplos iyon.
"What is it?", tanong niya
Hindi na ko sumagot, bagkus ay ipinakita ko sa kanya ang text sa cellphone ko.
Nung mabasa niya ang text ay napabuntong hininga siya at napapikit saka siya sumandal sa couch.
"Kung ayaw mo, okay lang naman sakin. I'm just telling you", sabi ko
Nagmulat siya ng mata at hinila ako paupo sa tabi niya. Sa lapag kasi ako nakaupo kanina habang siya ay nasa couch.
"It's not that I don't want you to go Gwen. I'm just worried. Baka kung ano na naman ang mangyari at makasama sayo", sabi ni Lucien
I smiled and held his hand so tight. Giving him assurance that nothing bad will happen to me.
"I will be okay", nakangiting sabi ko
Saglit niya kong tinitigan saka siya unti-unting tumango.
"Call me if something bad happens, alright?", sabi ni Lucien
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Hinigit niya ko lalo palapit sa kanya at niyakap, saka niya ko hinalikan sa noo.
Lucien is my home. He makes me feel that I am always at home. A home that makes me feel so safe.
-
"Did I make you wait?"
Bumaling ako sa likuran ko at nakita ko si Ridge na nag-aayos pa ng damit.
"Nah, I just got here", sagot ko
He was asking to meet me at iyon ang nasa text kanina.
Hindi ko rin alam kung bakit, pero sabi niya ay importante kaya naman kaagad akong nagpunta. Iniisip ko kasing baka dahil 'to sa kaso ng parents ko kaya ako pumayag makipagkita.
"Let's talk somewhere else. Not here", sabi ni Ridge habang napapalinga sa paligid
Napataas ako ng kilay.
Is it that private at ayaw niyang sa public place kami mag-usap? Natatakot ba siyang magwala ako dito in case malaman ko ang lahat?
"Please, Gwen. Wala naman akong masamang balak sayo. Just please, not here", pakiusap niya
Napabuntong hininga ako at napatango. Tumayo na ko at sumunod sa kanya.
Pagkalabas namin ng restaurant, pinaghintay niya ko dahil kinuha pa niya sa parking lot ang sasakyan niya.
"The heck?", mahinang bulong ko sa sarili ko
Bumusina ang isang kotse na nasa harapan ko na ngayon. Napatulala ako hanggang sa biglang ibinaba ni Ridge ang bintana ng sasakyan kaya napaiwas ako ng tingin.
"Get in", sabi niya
Napaubo ako saglit saka ako sumakay sa kotse niya.
Pagkasakay ko ay kaagad kong inayos ang seatbelt ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/188133780-288-k584151.jpg)
YOU ARE READING
Wish of a Broken Heart (Completed)
RomancePaano kung ang gusto mo lang naman ay magmahal at makaranas ng tunay na pagmamahal, pero sa huli palagi kang iniiwang luhaan at sugatan? Paano kung sa kagustuhan mong mahanap ang tunay na pagmamahal, maging rebound ka lang? Isang pusong sugatan, tai...