Chapter 23

120 4 0
                                    

GWENDOLEN'S P.O.V.

Nandito kami ngayon sa hospital at hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ate please calm down", mahinahong sabi ni Dash

"Paano ako kakalma!? Nag-aagaw buhay yung tao Dash! Kalma!?", sigaw ko

Ilang tao na ang nawala sa buhay ko. Ilang tao na ang namatay. Ayokong may dumagdag pa don. Ayokong may mamatay pa.

"I'm sorry, it's all my fault. I'm just... so stupid", sabi ni Dash

Napatingin ako sa kanya at nakita kong napayuko siya at ginulo ang buhok niya.

Sinubukan kong kumalma at umupo sa tabi niya.

"Ano ba kasing nangyari!? Anong ginagawa niyo don? Why are you with Quade?", sunod-sunod na tanong ko

Natulala siya at hindi ako sinagot. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata at sa wari ko'y naiiyak siya pero pinipigilan lang niya.

"You must have been shocked. I'm sorry", mahinahong sabi ko

Lumapit ako para yakapin siya at tuluyan na siyang umiyak sa mga bisig ko.

I was just shocked too kaya hindi ko alam kung anong irereact. Nakalimutan kong pati kapatid ko ay maaaring sobrang nagulat din lalo na't siya ang kasama ni Quade.

"Doc", sambit ni Sage

Lahat kami ay napatayo nung lumabas ang doctor.

"Who is the guardian of the patient?", tanong ng doctor

"I am his manager. How is he?", sagot ni Sage

"For now, he's okay. He's saved from death", sabi ng doctor

Lahat kami ay nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ng doctor. Thank God, he's safe.

"For now he needs to rest to fully recover", sabi ng doctor

"Thank you doc", sabi ni Sage

Tumango at ngumiti abg doctor bago tuluyang umalis.

"Sage, I'm really really sorry. I swear, this won't happen again", sabi ni Dashiell

Ngumiti si Sage at tinapik ang balikat ni Dashiell.

"It's an accident Dash, don't worry. Stop blaming yourself too", sagot ni Sage

Hindi na nagsalita pa ulit si Dash at napabuntong-hininga na lang saka napayuko. He must have been startled.

"Sage!"

"Tita Dae?"

Napalingon kami sa babaeng patakbo ngayon at naguguluhan ako sa nangyayari. Anong ginagawa ni Miss Dae dito?

"Miss Dae, I'm sorry for the sudden call. The doctor said he's okay and he just needs to rest", pagpapaliwanag ni Sage sa sitwasyon

"Ate Quancey?"

Nabaling ang atensyon ko sa tumawag sakin at nakita ko si Alkina. Kaagad ko naman siyang nginitian at nagbaba ako para yakapin siya.

"What happened to my kuya? Is he sick? Why is he here at the hospital?", tanong niya

Nginitian ko siya at inayos ang buhok niya saka ko hinawakan ang mga kamay niya.

"Your kuya Quade is okay now. You can see him later", sagot ko

Wish of a Broken Heart (Completed)Where stories live. Discover now