Chapter 6: The invitation

396 14 0
                                    

Mars' POV

Paggising ko sa umaga. Pumunta agad ako sa banyo para mag-toothbrush at maghilamos. Naligo na rin ako at nagpalit.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Pagdating ko sa kusina, nakita kong nagluluto si Xavier. Tumingin siya sakin.

"Oh gising ka na pala" sabi niya at nilapitan niya ako sabay halik sa noo ko.

"Upo ka na diyan, I'm almost done" sabi niya at naupo ako.

Nagtataka ako sa mga ginagawa niya ngayon, sana huwag niya itong ipagpatuloy. Kung ito pinagpatuloy niya, baka hindi ko kayang mag-cheat sa kanya, baka hindi ko kayang magkaroon ng fake relationship para lang makapag-revenge sa kanya.

Inihanda na niya ang mga pagkain at naupo na rin siya, nagsimula na kaming kumain.

Pagkatapos namin kumain, tinabihan niya ako sa sofa.

"Isuot mo ito, may pupuntahan tayo" sabi niya at inabot sakin ang isang damit.

Pumunta ako sa banyo at sinuot ko ito.

Paglabas ko ng banyo, hinila niya ako at sinuot niya sakin ang isang simple pero eleganteng necklace. Inabutan niya rin ako ng sapatos na masusuot ko. Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na kami ng bahay.

Sumakay na kami ng kotse niya at pinunta niya ako sa isang magandang lugar na parang kagubatan na may view ng waterfalls at sa gitna nito ay may magandang parang bahay na walang diding at may magandang mesa sa gitna ng may dalawang upuan. Sa gitna ng mesa nakalagay ang pinakapaborito kong bulaklak ang pulang rosas. Napangiti ako sa nakita ko at hindi ko napigilang umiyak. Niyakap ko si Xavier.

"Oh, bakit ka umiiyak?" tanong niya.

"Para saan naman ito?" tanong ko rin.

"Para sayo, date natin ito" sabi niya at hinawkan niya ang kamay ko. Humiwalay ako sa pagkayakap sa kanya. Naglakad kami papunta sa parang bahay habang hawak niya ang kamay ko. Kumain kami doon.

Pagkatapos naming kumain, tumayo ako at tinitigan ang waterfalls. Nagulat nalang ako ng yakapin ako ni Xavier sa may bewang ko.

"Mars, mahal na mahal kita" sabi sakin ni Xavier at hindi ako umimik.

"Mars?" tanong ni Xavier.

"Hmm?" sabi ko.

"Mahal mo ba ako?" tanong niya sakin at tumahimik lang ako.

Mahal ko ba talaga si Xavier? O may mahal na akong iba?

Kinuha ko na ang bag ko at umalis na ako. Tumakbo ako, kasi ayaw kong sabihin na may iba na akong gusto kasi kailangan ko pang maghiganti sa kanya bago niya malaman. Pumunta ako sa mall at nakita ko si Maggie.

"Uy, Mars" sigaw niya at kumaway-kaway ang kamay niya.

"Maggie" sabi ko at lumapit ako sa kanya.

"Uy, bukas daw may pa-party yung Tita ni Freya, pa-party daw kasi ng pinsan niya imbatado ka daw. Oh, eto kunin mo invitation sa party, hindi ka makakapasok sa party kung wala yan, magsuot ka ng magandang damit, ha? Saka aalis na rin ako pagkatapos ng party kasi may gagawin daw ako sa ibang bansa sabi ni Ma'am, parang contest ganun, babalik naman ako" sabi niya.

"Okay, thank you Maggie" sabi ko at niyakap ko siya.

"Okay, alis na ako, bye" sabi niya.

"Bye" sabi ko naman at nagkawayan kami sa isa't isa habang papalayo kami sa isa't isa.

Mark's POV

Paggising ko, maaga pa naman. Kaya dali-dali akong naligo at nagpalit at kumain na rin.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now