Chapter 33: Mark Is Sick

224 10 0
                                    

Mark's POV

Nasa-office ko ako ngayon, nakaupo lang sa upuan ko.

Para wala akong gana kasi parang masama ang pakiramdam ko.

Baka pagod lang yan, kailangan lang siguro ng konting tulog.

"Sir, meeting niyo na po" sabi ng secretary ko at pumunta na ako sa conference room.

Habang nagme-meeting kami, naka-tunganga lang ako sa loptop ko.

"Umm...Mr.Villareal?" narinig kong tanong ng isa sa mga kasama namin kaya bumalik ako sa katinuhan ko.

"Uh w-what?" tanong ko and nag-sigh yung secreatry ko.

"Okay lang po ba sa inyo yung mga sinabi ko?" Naku wala akong naintindihan sa mga sinabi niya kasi hindi ako nakikinig, paano na yan? Anong sasabihin ko?

"Mr.Villareal?" tanong niya ulit at napalunok na ako. Tinawag ko naman yung secretary ko.

"Wala akong naintindihan kanina sa sinabi niya, ipaliwag mo nga, hindi kasi ako nakikinig" bulong ko sa secretary ko at pabulong niyang in-explain yung mga sinabi niya.

"Okay lang yung mga sinabi niyo" sabi ko at nagpalakpakan naman yung mga ibang kasama namin.

"Dismissed" sabi ko at tumayo na ako. Pumunta na ako sa office ko at naupo ulit.

"Sir, gusto niyo po ba munang umuwi?" tanong ng secretary ko.

"Huwag muna" sabi ko.

"Bakit po?" tanong niya.

"Wala si Mars sa bahay eh, nasa school" sabi ko.

Ba't ko pala hinahanap si Mars?

Mark's Secretary's POV

Lumabas na ako sa office ni Sir Mark at tinawagan ko naman si Ma'am Mars.

"Bakit?" tanong ni Ma'am Mars.

"Ma'am, nasaan po kayo?" tanong ko.

"Nasa school, bakit?" tanong niya.

"Si Sir Mark po kasi, parang masama ang pakiramdam niya eh, eh kayo po ang gusto niyang kasama" sabi ko.

"Sige, mag-e-excuse na lang ako" sabi niya at pinatay niya yung phone.

Mars' POV

"Umm....Mags, sabihin mong excuse ako ah, may kailangan kasi akong asikasuhin" sabi ko.

"Okay" sabi ni Maggie at agad kong kinuha yung gamit ko. Lumabas na ako ng school at nagpara ng taxi.

"Manong, Villareal Corp. po" sabi ko at pumunta na kami sa building ni Mark. Nagbayad na ako sa taxi at pumunta sa office ni Mark.

"Mark?" sabi sabay bukas sa pinto ng office ni Mark.

Pumasok na ako sa officeni Mark at nakita ko siyang tulog sa sofa niya. Nilapitan ko siya at kinumot ko sa kanya yung jacket niya. Tinawag ko naman yung secretary niya.

"Umm....ibili mo nga siya ng soup then gamot na rin" sabi ko at tumango naman yung secretary niya.

Kumuha ako ng maligamgam na tubig. Bigla namang gumising si Mark at umupo.

"Anong ginagawa mo dito? Diba may pasok ka pa? Hayaan mo na ako, ayokong maka-istorbo sayo" sabi niya.

"No, Mark. Hindi ka nakaka-istorbo sa akin dahil babantayan din kita kagaya ng ginawa mo sa akin noon, kaya huwag kag mag-alala kasi hindi ko pababayaan ang taong mahal ko" sabi ko at pinainom ko siya ng tubig.

"Gusto mo umuwi?" tanong ko at tumango siya.

Sinabi ko naman sa secretary niya idala niya sa bahay nila Mark yung pinabili ko at umuwi na kami sa bahay nila Mark.

Nagpalit muna ako at inayos ko yung mga gamit ko. Pinahiga ko siya sa higaan niya at umupo ako sa tabi niya. Nakatingin siya sa akin habang hinahaplos ko ang buhok niya.

"Mars, ganun mo ba talaga ako kamahal?" tanong niya.

"Oo naman" sabi ko.

"Kahit hindi ko kayang suklian or higitan?" tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"I think, hindi ko kayang palitan si M's at mahal ko pa rin siya" sabi niya. Ouch! Sakit naman nun. Hinalikan ko yung noo niya.

"Okay lang, magpahinga ka muna" sabi ko.

Mark's POV

Nang magkunwari akong natulog, narinig ko siyang lumabas ng kuwarto.

Nagdahan-dahan akong sinundan siya at nakita ko siyang umiiyak sa hagdan, mahina lang ang pag-iyak niya pero kitang-kita mo sa ginagawa niya.

"Mars?" sabi ko at humarap siya sa akin. Pinunas niya yung luha niya saka tumayo.

"Ba't ka nandito? May kailangan ka ba? Mahpahinga ka lang doon" sabi niya at niyakap ko siya kaya umiyak ulit siya.

"Sorry, Mars, sorry" sabi ko. Tinulak niya ako at pinunasan niya yung luha niya.

"May kailangan ka ba? Wait lang may kukunin lang ako" sabi niya at aalis na sana siya pero hinila ko yung kamay niya saka ko hinalikan yung labi niya.

Andreina's POV

Lumabas ako ng room ko dahil nagugutom ako.

Nakita ko si Mark at Mars na magkahalik sa hallway sa tapat ng room ni Mark.

Ughh! Nakakainis kung pwede lang sana. Pumasok ako sa room ko at binuksan ko konti yung door ko para masilip ko sila.

Hinawakan ni Mark yung pisngi ni Mars at parang may sinabi si Mark kaya napatango si Mars.

"Hoy! Sisilip silip pa! Ano bang sinisilip mo?" sabi ni Tiffany kaya kinurot ko siya.

"Huwag ka ngang maingay" sabi ko at tumingin siya sa way kung saan ako nakatingin.

"Selos ka noh?" sabi niya sabay siko sa akin.

"Bakit ba? Ikaw nagselos ka na ba?" tanong ko.

"Oo nagselos na ako" sabi niya.

"May crush or gusto ka ba?" tanong ko.

"Yeah, ofcourse" sabi niya.

"Sino?" tanong ko.

"Schoolmate namin siya dati, pero ngayon pumunta na siya ibang bansa. Siya si Xavier Abella" sabi niya.

Mars' POV

"Siya si Xavier Abella" narinig kong sabi ng isang babae kaya tumingin ako sa isang direksiyon at nakita ko si Andreina at Tiffany na magkasama. Lumapit ako sa kanila at sumunod naman sa akin si Mark.

"Kilala niyo si Xavier?" tanong ko.

"Oo, bakit? Kilala mo ba siya?" mataray na sabi ni Tiffany.

"Ex ko lang naman siya" sabi ko at napanganga silang dalawa.

"Halika na, babe, naghihintay yung secretary ko sa labas" sabi ni Mark.

Tiffany's POV

"Ay, oo nga pala, yung pinabili ko" sabi ni Mars at umalis na sila ni Mark.

What the fuck hell shit! Ex ni Mars yung crush ko. So, if si Mars yung ex niya, does that mean simple, beautiful, and kind women ang gusto ni Xavier na babae. Well, magbabago ako para sa kanya. Magpapakabait at magpapakasimple ako para sa kanya. Starting today, mawawala na ang Tiffany ngayon at babalik na ang Tiffany noon, for Xavier.

Mars' POV

Kinuha namin ni Mark yung pinabili ko sa secretary niya.

"Thank you" sabi ko sa secretary niya at umalis na siya.

Pumunta kami sa kuwarto ni Mark at pinakain ko sa kanya yung soup.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now