Chapter 20: Mistaken Identity

224 15 0
                                    

Mars' POV

"Mars, magkita tayo dito sa mall" text ni Xavier. Agad naman akong nagpalit at pumunta sa mall.

"Mars" sabi ni Xavier ar kumaway siya sa akin. Tumakbo ako agad sa kanya at niyakap ko siya.

"Bakit?" tanong ni Xavier.

"Wala, mamimiss lang kita" sabi ko.

Sorry Xavier, hindi pa ito yung tamang oras para sabihin sa iyo ang totoo.

"Halika na" sabi niya.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko.

"Ito na ang huling araw na masosolo natin ang isa't isa" sabi niya at pinisil niya yung ilong ko.

Niyakap ko naman yung braso niya. Maghapon kami dito sa mall at kung ano-ano pang ang ginawa namin.

Binilahan na niya pala ako ng susuotin ko bukas sa Engagement Party ni Freya at bumuli na rin siya ng susuotin niya. Bumili na rin kami ng regalo.

"Labas naman tayo dito sa mall" sabi ko at pumunta kami sa park.

Madaming nagtitinda ng street foods dito. Bumili kami ng kwek-kwek at naupo kami sa bench.

"Namiss ko ito at mamimiss ko rin ang araw na tayong dalawa lang magkasama na parang may sarili tayong mundo" sabi ni Xavier.

"Ako rin" sabi ko.

*ring*

Phone ko yun.

"Hello?" tanong ko.

"Nasaan ka?" tanong niya.

"Basta" sabi ko.

"Sabihin mo na, Mars" sabi niya.

"Basta" sabi ko.

"Alam kong galit ka sa akin at alam kong nasaktan kita pero huwag namang ganyan" sabi niya at pinatay ko na yung phone ko.

"Sino yun?" tanong ni Xavier.

"Wala" sabi ko.

Mark's POV

"Ughh!" sigaw ko at ginulo ko yung mesa sa office ko kaya nahulog lahat ng gamit doon.

"Sir, okay ka lang" sabi ng secretary ko.

"Umalis ka dito!" sigaw ko.

Mark's Secretary's POV

Pumunta ako sa office ng lolo ni Sir Mark.

"Sir" sabi ko at kumatok ako sa office ng lolo ni Sir Mark.

"Bakit?" tanong ng lolo ni Sir Mark.

"Nagwawala po si Sir Mark" sabi ko at agad siyang pumunta sa office ni Sir Mark.

Pagpasok namin nakita namin na sobrang gulo ng office ni Sir Mark at duguan ang kamay niya.

"Mark" sabi ng lolo ni Sir Mark at nilapitan niya si Sir Mark.

"Bakit?" tanong ng lolo ni Sir Mark.

"Wala po" sabi ni Sir Mark.

"Pakilinis nalang itong office ko" sabi ni Sir Mark sa akin.

"Opo" sabi ko at umalis na si Sir Mark.

Mark's POV

Umuwi nalang ako dahil kailangan ko pang gamutin itong kamay ko.

Alam niyo ba na sinuntok ko yung pader ng office ko. Ang tanga ko, ang bobo ko.

Pumunta ako sa view sa kuwarto ko at uminom ako ng alak.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now