Chapter 22: Freya and Vincent's Engagement Party

235 13 0
                                    

Mark's POV

Paano niya nalaman yung nangyari kahapon? Heto kami ngayon nakatayo habang hawak niya ang kamay ko.

"Kain na tayo" sabi ko.

"Sorry talaga" sabi niya at niyakap niya ako.

"Halika----" hindi ko naituloy ang sinabi ko dahil hinalikan niya ako sa labi. Nang maghiwalay na ang labi namin, hinawakan niya ang kamay ko at pumunta na kami sa kusina para kumain.

Habang kumakain kami, biglang dumating si Jane, Andreina, Tiffany.

"Yaya" sabi ni Jane, yeah yaya ang tawag ni Jane, Andreina, at Tiffany kay Auntie-Maid. Sa totoo lang, kami lang ni Mars ang kay Auntie-Maid ng Auntie-Maid.

"Bakit, mga anak?" tanong ni Auntie-Maid.

"Don't call us anak, so kadiri" sabi ni Andreina.

"And also hindi mo kami anak" sabi ni Tiffany.

Mga walang galang. Pinalo ko ng malakas yung table saka ako tumayo. Nagtinginan lahat sila sa akin.

"Mga walang galang, nagmamalasakit na nga yung tao kayo pa yung may ganang pagsalitaan siya ng ganyan! Ha! Diyan ba kayo masaya! Bakit? Kaya niyo ba ang sarili niyo kung wala siya? Masyado kasi kayong OA at sensitive! Hindi niyo kasi naranasang alagaan kayo ni Auntie-Maid!" panenermon kong sigaw sa kanila. Nakayuko lang naman silang tatlo at si Mars pinapakalma ako.

"Alam mo, kaya hindi sila naalagaan ng putanginang yaya na yan kasi may nanay sila, eh ikaw. Diba wala, wala kang ina" sabi ng Step-Mom ko at lumapit ako sa kanya.

"At least dati mahal ng Mom ko si Dad, eh ikaw, minahal mo lang si Dad dahil sa pera" sabi ko at sinapak ako ng Step-Mom ko.

"Oh diba, tama ako" sabi ko at biglang dumating si Dad.

"Mark! Wala kang karapatan na sumbatan ang Mom mo ng ganyan" sabi ni Dad.

"Mom? Dad, nagjo-joke ka ba?" sabi ko at nag-fake laugh ako.

"Hindi ako nakikipaglokohan, Mark" sabi ni Dad.

Mars' POV

"I'm serious Dad, ni minsan hindi niya ako tinuring na anak. Naaalala mo pa ba, Dad. Noong iniwan mo ako sa kanya dahil may trabaho ka at na-hospital si Auntie-Maid? Noong bata ako? Alam mo ba ang ginawa niya sa akin? Buong araw niya akong binilag sa init na hindi man lang ako kumain at nang gabi na, kinulong niya ako sa bodega, hindi na naman niya ako pinakain. Naaalala ko pa yung sinabi niya noon sa akin na, huwag daw akong mag-aalala dahil hindi daw niya aawagan si Mom ng asawa dahil hindi ka daw niya mahal, pera, pera lang daw ang habol niya sa iyo. Pero noong nalaman niya na sa akin mapupunta lahat ng kayamanan mo, halos patayin na niya ako buti at dumating si lolo, kung hindi dumating si lolo noon siguro wala nang Mark Villareal na nagsasalita sa harapan niyo ngayon. Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko Dad, noong nagsumbong ako sayo, imbes na maniwala ka sa akin, hindi, mas naniwala ka sa kanya at pinagalitan mo pa ako na huwag kong sisiraan ang Step-Mom ko. Hindi niyo alam kung gaano kasakit" sabi ni Mark at naupo ako sa upuan.

"Until that day comes na nakilala ko ang isang babae na nagpasaya sa akin at nagturo sa akin na magmahal ulit, and that girl is M's. Pero wala eh, kawawa siya dahil palagi na lang siyang sinasaktan nila Jane, Andreina, Tiffany, at Cassandra kapag kasama ko siya. Until I made a deal with Cassandra para hindi nila saktan si M's, but, but after that deal, I lose her. But please Dad, please, kahit ngayon lang maniwala ka sa akin" sabi ni Mark and then his tears fall. Tinabihan ko naman siya at niyakap niya ako.

"Mark, I'm sorry" sabi ng Dad ni Mark.

"Dad, your sorry is too late" sabi ni Mark at pinunasan niya yung luha niya at saka siya tumayo.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now