Chapter 38: Let's End This

215 11 0
                                    

Mark's POV

Bakit nandito si Sean? Paano niya nalamang nandito si Venus?

"Sean, ba't nandito ka?" tanong ko.

"Tinawagan ako ni Venus kaninang umaga" sabi niya.

"Oh, lunch is ready, kain na tayo" sabi ng Mommy nina Mars at Venus at pumunta kaming lahat sa kusina.

Pagkatapos naming kumain, naupo muna kami sa sofa nang biglang may kumatok sa pinto at binuksan ko.

"Sorry, pero kailangan niyo nang umalis dito kasi sisirain na ito" sabi ng Landlady.

"Sige po" sabi ko at tumango siya saka ko sinara yung pinto.

"Mag-empake na tayo at aalis na tayo dito" sabi ko kay Mars.

"Saan ka na ngayon titira, Mars?" tanong ng Mom ni Mars at Venus.

"Actually, nakatira po ako sa bahay nila Mark" sabi ni Mars sabay yuko.

"Sige" sabi ng Mom.

Nag-empake na kami ng mga gamit namin at dinala ko na sa bahay namin.

Nandito kami ngayon sa mall.

"Mauna na po ako, may meeting pa po kasi ako eh" sabi ko.

"Sige" sabi ng Dad nila at umalis na ako.

Naka-upo akp ngayon sa office ko habang hinihintay ang oras ng meeting ko.

Nakita ko naman yung picture ni Mars noong Birth Day niya, nasa lamesa ko at naka-frame pa.

"Alam kong nasasaktan kita kasi alam mong si M's ang mahal ko" parang baliw na naman ako, kinakausap ko yung picture ni Mars.

"But, I'm being honest today, I think I love you. Hindi pa ako sure kasi I think lang, pero parang parehas kasi yung nararamdaman ko kay M's at nararamdaman ko sayo. Parang pakiramdam ko, iisa lang kayo. Pero sana, ikaw na lang si M's" sabi ko at hinalikan ko yung picture niya.

"Mahal kita, Mark" nag-e-echo sa tenga ko yung sinabi ni Mars noong Engagement Party nina Freya at Vincent.

"Mahal kita, Mark"

"Mahal kita, Mark"

"Mahal kita, Mark"

The hell! Tumigil ka nga! Ughh!

"Sir? Sir?" narinig kong tanong ng secretary ko.

"Sorry, ano yun?" tanong ko.

"Three minutes late na po kayo sa meeting niyo" sabi niya.

"Ay sorry" sabi ko at kinuha ko na yung mga gamit ko at pumunta na ako sa conference room.

"Sorry, I'm late" sabi ko at naupo na kami.

Pagkatapos ng meeting ko, bumalik na ako sa office ko.

"Mark" sabi ni Dad at pumasok siya sa office ko.

"May project sa ibang bansa, gusto mo bang gawin?" sabi ni Dad.

"For?" tanong ko.

"For 10 million" sabi niya.

"Fine, kailan?" tanong ko.

"Sa tuesday" sabi niya at tumango ako. Tinawagan ko naman si Mars.

"Mars, pumunta ka sa office ko ngayon na" sabi ko at binabaan ko na siya.

Mars' POV

"Mars, pumunta ka sa office ko ngayon na" tignan mo nga naman eto oh, binabaan ba naman ako agad.

"Mom, Dad, Venus, Sean, mauna na ako, may pupuntahan lang ako" sabi ko at tumango silang lahat saka na ako pumunta kay Mark.

"What do you want?" tanong ko.

"Good bye" he said out of blue.

Patangahan lang ba?

"Huh?" tanong ko at lumapit siya sa akin saka niya hinawakan yung pisngi ko.

"May project ako sa ibang bansa, sa tuesday. Alam kong ayaw mo ng LDR pero..." sabi niya at tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Wala naman tayong relationship" sabi ko at naupo ulit siya sa upuan niya.

"Mag-usap ulit tayo bukas, matulog ka muna kasama ang family mo. Magkita na lang tayo sa monday, 8:00AM, sa tambayan namin, sa lugar kung saan niligawan ni Art si Dianne" sabi niya.

Labo neto? Anong bang problema?

"Labo mo" sabi ko.

"Sige na, sa monday na lang ulit" sabi niya.

So ganung lang? Pwede naman sa text, diba?

Umuwi na ako sa bahay namin nila Venus.

Mark's POV

Tinawagan ko si Art.

"Art, help me" sabi ko.

"For what?" tanong niya.

Mars' POV

Ba't ang labo ni Mark ngayon? And isa pa, ang cold niya sa akin kanina? What does he mean? Gusto na ba niyang itigil ito? Why? Ang labo niya! Sobrang labo! Hindi ko siya maintindihan. Ba't parang ang hirap niyang abutin ngayon? Is there a problem? May nagawa ba akong mali? Bakit? Nag-text ako sa kanya.

"Love, anong problema?" I asked.

"Love, what's wrong?" I asked again.

"May nagawa ba akong ayaw mo? Tell me!" I said.

"Hoy! Sumagot ka naman!" I said again pero ilang minuto na ang nakalipas, wala pa siyang reply.

So I tried to call him pero hindi niya sinasagot. I cried pero mahina lang.

Why? What happened?

Nag-shower na ako at natulog na ko.

Madaling araw, narinig kong may nag-message sa phone ko.

"Baka si Mark" bulong ko at kinuha ko yung phone ko.

"Mars, I'm sorry but let's end this pero, let's meet on monday" he said na lang bigla bigla.

What?

I cried.

"Why?" I asked.

"Basta" he said.

"Mark, I want an answer, I won't go on monday" sabi ko.

"Please, Mars, let's meet on monday, para mai-explain ko sayo ang lahat" he texted.

"Okay" sabi ko.

Mark's POV

Pakiramdam ko umiiyak si Mars and alam kong iiyak ka ulit bukas. I'm sorry but I'm sure na magte-thank you ka sa akin bukas.

Mars' POV

Sunday ngayon and nandito lang ako sa kuwarto ko nakakulong, hinihintay kong lumipas ang oras hanggang maging bukas.

Dinadalhan ako ng pagkain ng yaya namin dito at hindi ako lumabas kahit anong mangyari kasi hihintayin ko ang bukas.

Dahil gusto ko nang nalaman kung ano abg problema ni Mark at bakit siya nagkakaganun.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now