Chapter 10: Thinking

300 16 0
                                    

Mars' POV

"Nandiyan na siya" bulong sakin ni Freya at pumunta na siya sa upuan niya.

Tumabi naman sakin si Xavier at agad niya akong niyakap.

"Saan ka pumunta kahapon, Mars? Sobrang nag-aalala ako sayo" sabi niya at tinulak ko siya palayo sakin at tumingin ako sa bintana.

"Mars, sagutin mo naman ako" sabi niya at hinarap niya sa kanya yung mukha ko.

Niyakap ko siya at umiyak. Hinimas naman niya yung likod ko.

"Sorry, Xavier, sorry" mahinang sabi ko at patuloy parin siya sa paghimas sa likod ko.

"Bakit ka nagso-sorry?" mahinang tanong niya.

"Huwag kang magagalit ah?" sabi ko.

"Oo, Mars, hindi kita papagalitan" sabi niya at mas lalo pa akong naiyak.

"Pasensiya na kung hindi ako nagpakita sayo kahapon" sabi ko kasi hindi ko kaya na sabihin sa kanya, mahal ko pa siya.

I can't, hindi pa ito ang tamang panahon.

"Okay lang, Mars" sabi niya at ngumiti siya sakin.

Hinalikan niya ako sa noo. Pinunasan ko na ang luha ko at dumating na ang teacher namin kaya nagsimula na ang klase namin.

Habang nagkaklase kami, naiisip ko si Mark.

Ughh! Ano ba yan! Bakit naiisip ko ang lalaking iyon? Tangina, hindi ako makapag-concentrate sa lesson.

"Ms.Ochoco naririnig mo ba ako?!" galit na sigaw ng teacher namin.

Yumuko nalang ako.

"Go to my office, now!" galit na sabi ng teacher namin at umalis na siya. Pumunta naman ako sa office niya.

Xavier's POV

Hindi ko na lang tinanong ni Mars tungkol sa nangyari sa party kasi mukhang wala siyang alam dun.

Mark's POV

"Sir, meeting niyo na po" sabi ng secretary ko at pumunta na ako sa conference room.

Habang nagme-meeting kami, naaalala ko si Mars.

Huh? Bakit ko siya naaalala? Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa dini-discuss ng nag-di-discuss.

"Mr.Villareal, is that good?" tanong ng nag-di-duscuss.

"Huh? What?" tanong ko.

"Oh come on, Mark. Are you listening?" disappointed na sabi ni Jane sabay roll eyes at cross-arms.

"Okay, meeting is done" sabi agad ni Dad bago pa kami mag-away ni Jane.

Habang naglalakad ako sa hallway sinusundan ako ng secretary ko.

"Sir Mark!" sigaw ng secretary ko.

"Huh? Bakit?" tanong ko at nagbuntong-hininga siya.

"Tawag po kayo ng Daddy niyo" sabi niya at pumunta ako sa office ni Dad.

"Anong nangyayari sayo, Mark? Bakit wala ka sa sarili mo?" tanong ni Dad at nagkibit-balikat lang ako.

Nilagay ni Dad ang kamay niya sa mukha niya at sinenyasan niya ako na lumabas ng office niya.

Bumalik na ako sa office ko at naupo doon.

Hindi ko makalimutan ni Mars.

Mars' POV

Habang nagmemeryenda kami, may tumawag sa phone ko.

Hindi ko nalang tinignan at sinagot ko nalang.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now