Chapter 50: Meet Again

210 11 0
                                    

Mark's POV

Pagdating ko sa tambayan, agad akong naupo sa table na nakareserve para sa amin.pp

"Oh, nasaan naman yung ipinagmamalaki mong kaibigan mo?" tanong ko.

"Ma---Oh, yan na pala siya" sabi niya sabay turo sa isang babaeng naglalakad.

Pagtingin ko sa babae, agad nalang akong nagulat.

"Mark, meet my friend, Mars Ochoco" hindi ako makapasalita sa narinig ko.

It's her, we met again, I found her.

Bigla nalang akong napatayo at napayakap sa kanya.

"Mars, I missed you" sabi ko.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Mia at agad akong humiwalay sa yakap namin.

"Oo" sabi ko.

"Hindi" sabi niya at bigla akong napatingin sa kanya.

"Huh? Anong sinasabi mo?" tanong ko.

"Have we met before?" tanong niya at nagtaas pa siya ng kilay.

"Look, alam kong malaki ang kasalan ko pero it doesn't mean na kinakalimutan mo na ako" sabi ko.

"Oh please, I'm not joking, and what do you mean na kakalimutan? Eh hindi nga kita kilala diba?" sabi niya.

"Mars, what are you saying?" tanong ko.

"Okay, look, I don't know what you are saying and I don't know who you are" sabi niya.

"Oh come---" naputol ang sasabihin ko dahil umepal na naman si Mia.

"Okay, cut it up. Mars, this is Mark Villareal, the CEO of Villareal Corporation, one of the biggest company in our place" sabi ni Mia.

"So, ikaw pala yung sinasabi nilang Mr.Villareal" sabi niya.

"Okay, let's settle down and order now" sabi ni Mia at naupo kami saka siya nag-order kaya naiwan kami ni Mars dito.

Nakita kong palibot-libot lang ng tingin si Mars sa paligid.

"Ang daming pinagbago noh" sabi ko.

"What do you mean? Hindi ba ganito dati toh?" tanong niya.

"Anong sinasabi mo?" tanong ko.

"It's my first time here" sabi niya kaya napataas na lang ako ng kilay.

Anong bang problema ni Mars? Hindi niya ako maalala, hindi pa niya maalala ang lugar na ito. What the hell happened to her? Is she pretending?

"First time?" I asked.

"Yeah" sabi niya at tumingin siya sa akin. Nagkatinginan kami at nagtama ang mga paningin namin.

"It's you" sa wakas, sa wakas naalala na niya ako.

"Do you know me?" tanong ko.

"Yeah, you are---" paepal na Mia, panira.

"Nandito na ako!" sigaw niya.

"Tss. Epal" mahina kong sabi.

"What are you saying?" tanong ni Mia.

"Wala" sabi ko at nagsimula na kaming kumain.

Kahit kailan talaga napakaepal at napaka-wrong timing ni Mia, minsan nga nabubuwisit ako diyan sa babaeng ya eh, parang gusto kong katayin, joke!

After we eat, di ko na alam kung saan kami pupunta.

"Saan punta?" tanong ni Mia.

"Whatever you want" sabay naming sabi ni Mars.

"Wow, bait niyo naman sa akin" sabi ni Mia.

Tss. Epal.

"Sa Rab Cafe" sabi ni Mia.

"Ba't dun? Ayoko dun" sabay na naman naming sabi ni Mars.

"Ay, sungit pala" sabi niya.

"Okay, fine, let's go" sabi ni Mars after niyang magbuntong-hininga.

Tumingin lang siya sa labas ng bintana at tinitignan ko siya through sa rear-view mirror.

"Tingin mo?" tanong ni Mia.

"Assuming, ba't ikaw ba tinitignan? Tss" sabi ko.

"Crush mo si Mars noh" sabi niya.

"Hindi, kasi dati ko na siyang mahal " sabi ko pero mahina ang boses ko noong sinabi ko yung huling sinabi ko.

"Ano? Hindi dahil?" tanong niya.

"Wala! Chismosa! Tss" sabi ko.

Pagdating namin sa Rab Cafe, naupo agad kami sa stool bar.

"Yung matapang nga" sabi ni Mia.

"Ako rin" sabi ni Mars.

"May susundo sa inyo?" tanong ko.

"Oo, si Ruki" sabi ni Mia.

"At sino naman yung Ruki na yan?" tanong ko.

"Bakit? Selos ka?" tanong niya.

"Hindi ba pwedeng magtanong?" tanong ko.

"Fine, manliligaw ko" sabi niya.

"Eh ikaw?" tanong ko kay Mars.

"Wala" sabi niya.

Nakailang baso na rin sila ng mga matatapang na alak kaya lasing na itong dalawa.

Naalala ko tuloy noong una kaming nag-meet ni Mars sa party ng tita ni Vincent.

FLASHBACK

Shit! Ang dami nang nainom ang babaeng ito at mukhang di na niya alam ang ginagawa niya. Naupo siya sa lap ko at hinawakan niya yung pisngi ko saka niya ako hinalikan sa labi.

"Tama na yan, uwi na tayo" sabi ko at binaba ko yung hawak niya na baso.

"Mamaya" sabi niya na lasing na lasing.

"Huwag nang makulit, uwi na tayo" sabi ko and then she pout.

"Inom nalang tayo sa bahay" sabi ko.

"Promise?" tanong niya.

"Promise" sabi ko at pinisil ko yung pisngi niya. Binuhat ko siya at yumakap siya sa leeg ko. Sinakay ko siya sa kotse ko at inuwi ko siya sa bahay.

END OF FLASHBACK

Napangiti na lang ako at napa-iling.

Agad namang dumating si Ruki at kinuha niya si Mia.

"Sorry na late ako, madami kasi akong ginagawa eh, salamat sa pagbabatay ah" sabi ni Ruki na mukhang haggard pa at umalis na sila.
.
Sinakay ko si Mars sa kotse ko at dinala ko siya sa condo namin dati ni Mars.

Hiniga ko siya dun sa higaan at natulog na lang ako sa sofa.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon