Chapter 7: The Meeting And The Deal

337 15 0
                                    

Mark's POV

Bumalik na ako sa office ko pagkatapos kong kumain.

Tinapos ko muna ang mga papeles ko at um-attend ng meeting.

Pagkatapos ng meeting, umuwi na ako ng bahay para makapagpahinga muna.

Pagod na pagod na ako, may pa-party pa pala ang pinsan ni Vincent bukas.

Ano ba yan! Hindi naman ba ako nawawalan ng gagawin.

Bukas party, sa susunod na araw gusto na agad makilala ni lolo ang GF ko eh wala pa nga.

Nagshower muna ako at nagpalit bago ako natulog para makapagpahinga muna ako saglit.

Mars' POV

Bumalik na  ako kaagad sa kuwarto, nagshower, nagpalit, at natulog na ako.

Paggising ko ay naghilamos na ako at nagtoothbrush.

Pagkatapos non ay nanood muna ako, mamayang gabi pa naman daw ang party.

Biglang may kumatok sa pinto ko.

"Mars, kumain ka na muna" parang pamilyar ang boses na yun sakin ah, si Xavier na naman, damn it!

"Ano na naman ba kailangan mo?" sigaw ko.

"Kain ka muna ng breakfast" sabi niya.

"Ayoko, umalis ka na" sigaw ko.

"Sige na, Mars" sabi niya.

"Sabing ayaw eh" sigaw ko.

"Mars----" napahinto siya sa sinabi niya dahil sinabayan ko siya, "Sabing umalis ka na eh".

"Mars naman" sabi niya.

"Ano ba? Wala ka bang tenga? Nagbibingihan ka lang? O wala ka talagang utak?" sigaw ko at biglang nabuksan yung kuwarto ko at pumasok siya na may dalang pagkain.

"Mars, pagod na ako" sabi niya.

"Bakit? Sinabi ko bang magpagod ka sakin?" tanong ko na galit.

"Mars, huwag na kasing matigas yang ulo mo" sabi niya sakin at hinalikan niya ako sa noo. Bigla nalang akong na mental block.

"Mars, naririnig mo ba ako?" tanong niya at bigla nalang akong napatingin sa kanya.

"Ah? Ano?" tanong ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Wala, kumain ka na nga" sabi niya at kumain na ako habang nanonood ng TV.

Pagkatapos kong kumain ay dinala ni Xavier ang pinagkainan ko sa kusina.

Naligo na ako at nagpalit.

Bumalik si Xavier sa kuwarto ko at tinabihan niya ako na manonood.

"Mars?" tanong ni Xavier.

"Hmm?" sabi ko.

"Sabay na tayong pumunta sa party mamaya" sabi niya sakin.

"Bakit? Imbitado ka ba?" tanong ko at tumango siya.

"Bahala ka" sabi ko at nanood nalang.

"Sige, Mars. Aalis na ako" sabi niya at lalabas na sana siya ng kuwarto ko pero pinigilan ko siya.

"Xavier?" sigaw at ko at bigla siyang napangiti na humarap sakin.

"Pakisara yung pinto" sabi ko at biglang may pagka-inis sa mukha niya at sinara niya na yung pinto ng kuwarto ko at umalis na siya.

Ang umasa, tanga! Bigla nalang akong natawa. He looked really pissed, akala ba niya mag-go-good bye ako sa kanya, duh! Never! Pero infairness, ang haba ng pasensiya ni Xavier ngayon sakin at nagkukunwaring mabait pa. Bakit? Aasa ba ako? Hindi, magmumukhang tanga lang ako.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now