Chapter 16: Paano Kaya Kung Ma-in Love Siya

255 14 0
                                    

Maggie's POV

Ano naman kaya ang gusto ng babaeng yun? Bakit magdadala kami ng extra na damit namin? Sasabihin ko na lang kay Xavier.

"Xav" sabi ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Magdala ka ng extra damit mo mamaya" sabi ko.

"Oo" sabi niya.

"May gagawin siguro kayo noh?" tanong ng gago kong mga kaklase.

"Minsan, mag-isip muna kayo bago kayo magsalita" sabi ko na naiinis.

Mars' POV

"Mark? Marami ka pang gagawin?" tanong ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Wala" sabi ko.

"Sabihin mo na" sabi niya.

"Wala nga" sabi ko. Umiling-iling si Mark.

"Sabihin mo na, Mars" sabi niya.

"Wala nga" sabi ko na naman.

"Ano ba! Mars! Kung sinabing sabihin mo sabihin mo!" sigaw ni Mark.

Okay, this is the first time na nasigawan ako ni Mark kaya hindi ko napigilang napaluha.

Lumapit naman sa akin si Mark at hiniwakan ang kamay ko. Tinanggal ko naman yung kamay ko sa pagkahawak niya.

"Mars, sorry, huwag ka nang umiyak please" sabi niya pero tuloy-tuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Nagulat nalang ako ng sipain ni Mark nang malakas yung mesa kaya nahulog yung ibang gamit. Mas lalo pa akong umiyak.

"Parang awa naman Mars oh" sabi ni Mark at biglang dumating sina Maggie at Xavier.

"Oh anong nangyari dito? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Maggie at lumapit sa akin.

"Pwede bang kayo muna ang magbantay sa akin para makapagpahinga si Mark, naaawa na kasi ako sa kanya eh pagod na pagod na siya" umiiyak na sabi ko.

"Bro, magpahinga ka muna kami muna bahala kay Mars" sabi ni Xavier at naupo si Mark sa sofa.

"Tandaan niyo ito, alagaan niyo siya ng mabuti. Huwag na huwag niyo siyang iiwan. Huwag na huwag kayong magpapapasok ng tao kung naka-mask siya except sa doctor o nurse. Huwag na huwag niyo siyang itatakas. Huwag na huwag niyo siyang papaiyakin. Huwag na huwag niyo siyang pinapagod. Huwag na huwag niyo siyang papalabasin. Huwag na huwag niyo siyang tatanggihan kung may kailangan siya except lang sa papalabasin niyo sa kuwartong ito. Huwag----" natigil si Mark sa sasabihin niya dahil nagsalita si Xavier.

"Over protective" sabi ni Xavier.

"Ako muna kasi" sabi ni Mark.

"Okay" sabi naman ni Xavier.

"Huwag na huwag mo siyang hahalikan sa lips habang tulog ako" sabi ni Mark.

"Ba't ko naman gagawin yun?" masungit na tanong ni Xavier at siniko siya ni Maggie.

"Opo masusunod po" sabi ni Maggie.

"Matulog ka na Mark" sabi ko at nahiga siya sa sofa.

Pagod na pagod talaga siya kasi pagpikit lang ng mga mata niya tulog na siya agad.

"Over protective naman, akala ko ba fake lang?" bulong ni Maggie.

Oo nga naman, pero bakit?

"Marinig ka ni Xavier" bulong ko para ma-change naman yung topic namin at bakit naman mai-in love sa akin ang isang Mark Villareal? Impossible na nang mangyari yun.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now