Chapter 23: Good Bye, Xavier

232 12 0
                                    

Mark's POV

Ang tagal na namin dito sa party kaya sinilip ko muna si Mars kasi nagpaalam siya sa akin na iinom siya baka sobrang lasing na yun.

"Mark, lasing na lasing na si Mars" sabi ni Freya. Lasing na nga siya. Pumunta agad ako kay Mars at pinigilan ko na siyang uminom.

"Tama na yan" sabi ko.

"Layuan mo ako, gusto ko si Mark, layas che" sabi ni Mars na lasing na lasing.

"Si Mark ito" sabi ko.

"Hindi!" sigaw niya at hinalikan ko siya sa labi.

"Mark, uwi na tayo" sabi niya at binuhat ko siya at sinakay ko sa kotse. Pagdating namin sa bahay, agad ko siyang pinunta sa kuwarto ko at hiniga siya higaan ko. Nakahiga siya at ako naman nakaupo sa tabi niya.

"Hoy, ikaw. Kahit hindi kita kilala sasabihin ko sayo ang sikreto ko pero huwag na huwag mong ikakalat ah" sabi ni Mars at hinawakan niya yung kamay ko.

"Oo" maki-ride muna ako sa kanya. Pero kanina sabi niya ako si Mark, pero ngayon hindi na niya ako kilala? Ano ba talaga?

"Alam mo ba na may tao akong mahal na mahal ko ng sobra, at yun ay si Mark Villareal. Pero wala siyang ibang ginawa kundi hanapin at mahalin lang si M's. Puro si M's na lang, nasasaktan na ako pero kailangan ko siyang tulungan ang taong mahal niya dahil masaya ako kapag nakikita ko siyang masaya kahit nasasaktan na ako. Katulad niya yung taong mahal ko noon pero may mahal nang iba si kwan yun, si kwan, ah basta nakalimutan ko na bata pa kasi ako noon eh. Pero alam mo kung bakit mahal ko si Mark Villareal, kasi mabait yan hindi niya ako kayang saktan pero kapag nagwawala yan kaya niya akong saktan. Naawa nga ako sa kanya dahil wala siyang kakampi sa pamilya niya. Kung kilala mo siya sabihin mo na huwag na niyang hanapin si M's kasi nandito naman ako eh nagmamahal sa kanya" sabi niya.

"Sorry Mars, sorry talaga" sabi ko.

"Ang init! Mark! Palitan mo na itong damit ko! Ang init!" sigaw niya. Ngayon Mark na naman, kanina hindi niya lang akong kilala. Ano ba talaga, Mars? Nabobobo na ako sayo eh. Talaga itong babaeng ito pagkatapos mag-drama parang baliw na. Tinanggal ko yung damit niya at pinalitan ko ng iba. Nahiga na ako sa tabi niya.

"Sana mahalin ako ni Mark" sabi niya bago siya natulog. Itong Mars na ito talaga. Ngayon hindi na naman niya ako kilala ganun. Ano ako? Dalawang tao? Pero seryoso ba siya sa mga sinasabi niya? Madaling araw na pero narinig kong nagsalita si Mars.

"M's?" sabi niya. M's? Kilala niya ba si M's? Impossible yun, bakit tinatago niya sa akin na kilala niya si M's?

"Mars?" tanong ko at bigla siyang umupo.

"Bakit?" tanong ko.

"May nagsasabi sa panaginip ko ang pangalan ni M's" sabi niya.

"Hindi mo ba siya kilala? Dati?" tanong ko.

"Wala naman akong maalalang may kilala akong M's, pero gabi gabi nalang napapanaginipan kong may nagsasabi ng pangalan ni M's" sabi niya. Hindi kaya si Mars ay si M's? Impossible naman yun. Kung siya nga, bakit hindi niya ako maalala? Kailangan ko pang imbestigahan si Mars pati yung kambal niya.

"Pwede ba nating kausapin yung kambal mo?" tanong ko.

"Hindi ko alam" sabi niya.

"Basta kung pwede, sabihan mo ako ha?" sabi ko at tumango siya.

"Ang sakit ng ulo ko parang mabibitak" sabi niya habang minamassage niya yung noo niya.

"Matulog ka na lang muna" sabi ko at pinahiga ko siya sa kama.

"Sobrang sakit and I feel like parang nasusuka" sabi niya at inalalayan ko siya papuntang banyo. Pahdating namin sa banyo, agad siyang nagsuka sa may toilet bowl. Inalalayan ko siyang tumayo at flinush ko na yung toilet. Inalalayan ko siyang humiga sa kama. Lumabas muna ako saglit para kumuha ng pagkain at tubig.

"Ako na jan, anak" sabi ni Auntie-Maid.

"Kaya ko na po" sabi ko.

"Bakit?" tanong ni Auntie-Maid.

"Nahihilo at nagsusuka po si Mars" sabi ko.

"Buntis nga" sabi ni Auntie-Maid.

"Imposibble po yun" sabi ko.

"Ipa-check mo na lang siya" sabi ni Auntie-Maid at tumango ako. Buntis? Kung buntis si Mars, hindi na niya maitutuloy ang pag-aaral niya. Kung buntis man siya, paano si M's?

"Auntie-Maid, bumili ka nga po ng pang Pregnancy Test" sabi ko at tumango si Auntie-Maid, binigyan ko naman si Auntie-Maid ng pera saka ako umakyat sa kuwarto ko.

"Mars, kumain ka muna" sabi ko.

"Ayoko" sabi niya.

"Kung gutom ka or may kailangan ka, nandito lang ako sa sofa dito sa kuwarto ko naka-upo" sabi ko and she slowly nodded. Naupo ako sa sofa at nanood na lang muna. Habang nanonood ako may kumatok sa pinto. Binuksan ko naman ito.

"Eto na, anak" sabi ni Auntie-Maid at kinuha ko yung dala niya. Pagka-alis niya, sinara ko na yung pinto.

"Mars gamitin mo ito oh, sundan mo na lang yung instruction jan" sabi ko at umupo siya. Mukhang hinang-hina siya.

"Ano yan?" tanong niya.

"Pregnancy Test" sabi ko at kinuha niya yun.

"Hindi ako buntis diba? Para saan ito?" tanong niya ang her tears fall again.

"Try mo para malaman natin" sabi ko at pumasok na siya sa banyo. Paglabas niya, nanginginig siya at binigay niya sa akin yun. One line lang ang nakalagay, ano kayang ibig sabihin nun?

"Auntie-Maid!" sigaw ko at dali-dali namang pumunta si Auntie-Maid sa kuwarto ko.

"Ano yun, anak?" tanong ni Auntie-Maid at pinakita ko sa kanya yun.

"Negative, anak. Hindi siya buntis" sabi ni Auntie-Maid at lumabas na siya ng kuwarto ko. Umiiyak si Mars na yumakap sa akin.

"Humiga ka muna" sabi ko.

"Hindi! May pupuntahan pa pala ako!" sabi niya at agad siyang pumunta sa banyo. Paglabas niya ng banyo, nakaligo at nakapalit na siya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Samahan mo ako sa Airport, ngayon na pala alis ni Xavier" sabi niya at agad naman akong nagpalit. Hindi pa ako naligo. Agad kaming pumunta sa Airport. Pagdating namin sa Airport, nandun pa si Xavier, buti nga. Kasi alam niyo ba ang nangyari kanina sa kotse?

FLASHBACK

"Mark, bilisan mo baka hindi na natin siya maabutan!" sigaw ni Mars sa sobra ang iyak.

"Oo na" sabi ko.

"Bilis!" sigaw niya na umiiyak.

"Hindi ako si Flash" sabi ko.

"Bilisan mo" sabi niya at nahulog na ang mga luha niya.

END OF FLASHBACK

"Xavier?" sigaw ni Mars at ngumiti si Xavier na nakatingin kay Mars. Tumakbo ng mabilis si Mars at agad niyang niyakap si Xavier. Lumapit naman ako.

"Sorry Xavier, sorry. Late ako, muntik ko na kasing makalimutan. Sorry. Kapag nandun ka na huwag mo akong kakalimutan ha? Dahil ako, hinding-hindi kita makakalimutan. Good Bye, Xavier" sabi ni Mars at hinalikan niya yung cheeks ni Xavier.

"Oo" sabi ni Xavier at biglang nag-announce yung announcer sa Airport. Yung in-announce ay yung flight ni Xavier. Aalis na sana si Xavier nang biglang hinalikan ni Mars si Xavier sa labi niya. Nang maghiwalay na ang labi nila, nagpaalam na si Xavier at umalis na siya.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon