Chapter 34: No, I Will Take Care Of You

222 11 0
                                    

Mars' POV

Pagkatapos kumain ni Mark, nanood muna siya at ako naman nag-shower at nagpalit na kasi hapon na.

"Kain na tayo" sabi ko kay Mark at pinatay niya yung TV saka kami pumunta sa kusina.

Habang kumakain kami, biglang dumating yung tatlong step-sis ni Mark.

"Yaya, plato nga" sabi ni Jane at kumuha naman si Auntie-Maid ng tatlong plato.

"Salamat po, Auntie-Maid" sabi ni Tiffany at napanga kaming lahat. Napatingin kami kay Mark kasi naubo-ubo siya.

"Okay ka lang, love?" tanong ko at hinimas-himas ko yung likod niya saka ko siya pinainom ng tubig.

"Okay lang" sabi ni Mark. Pagkatapos naming kumain, agad kaming pumunta sa kuwarto ni Mark.

Humiga na kami pero hindi pa rin natutulog si Mark.

"Mark, matulog ka na, para makapagpahinga ka" sabi ko pero hindi pa rin siya natutulog.

"Mark?" sabi ko at niyakap niya ako.

"Matutulog na" sabi niya at pinikit na niya yung mga mata niya.

"Good" sabi ko at hinalikan ko yung noo niya.

Paggising ko sa umaga, nakita kong nakaupo si Mark sa tabi ko.

"Ba't ang aga mo?" tanong ko.

"Okay na ako" sabi niya.

"Ba't mo sinasabi yan?" tanong ko at hahawakan ko na sana yung noo niya pero hinawakan niya yung kamay ko.

"Pumasok ka na, kaya ko ito" sabi niya.

"No, I will take care of you" sabi ko at umupo ako sa tabi siya saka ko hinalikan yung pisngi niya.

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng tinapay at gatas saka ko dinala sa kuwarto ni Mark.

"Kain ka na" sabi ko.

"How about you?" tanong niya.

"Okay lang, mauna ka na" sabi ko at ginulo niya yung buhok ko saka niya hinalikan yung noo ko.

Habang kumakain siya, naligo at nagpalit na ako.

"Mark, maligo ka na. Yung may katamtamang init ang pagligo mo ah" sabi ko at pumunta na siya sa banyo.

Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na siya sa banyo.

"Feeling better?" tanong ko.

"Much better" sabi niya at umupo siya sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya.

"Naglalaro" sabi ko at patuloy pa rin ako sa paglalaro ng phone ko.

"Manood na lang tayo" sabi niya at inagaw niya yung phone ko.

"Ikaw na lang kasi" sabi ko pero pilit ko pa ring inaagaw yung phone ko. Inaagaw ko pa rin, hanggang sa nandun na ako sa ibabaw niya.

Nagkatinginan pa kaming dalawa.

"Sige na nga, manonood na tayo" sabi ko at tumayo na ako.

I opened the TV and I get the remote tapos umupo na ako sa tabi ni Mark.

Nanood kami ng movie hanggang sa nakatulog si Mark.

Kinumutan ko siya at pinatay ko na yung TV.

Sumandal ako sa dibdib ni Mark at naka-akbay siya sa akin na tulog kaya natulog na rin ako.

Auntie-Maid's POV

Naglilinis ako ngayon sa buong bahay. Hanggang sa lilinisin ko na ang kuwarto ni Mark.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto at dahan dahan din akong pumasok.

Nakita ko si Mark at Mars na tulog. Nakaupo silang dalawa habang nakaakbay si Mark kay Mars at nakasandal naman si Mars sa dibdib ni Mark.

Ang sweet sweet talaga ng dalawang ito.

Hindi ko naramdaman na lumuluha na pala ako kasi naaalala ko na naman yung taong mahal ko dati, wala na siya ngayon dahil may mahal na siyang iba at may pamilya na siya.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at hinalikan ko yung mga noo nila.

Naglinis na ako ng kuwarto ni Mark at pagkatapos kong maglinis, lumabas na ako ng kuwarto ni Mark.

Mars' POV

Kagigising ko lang at nakatingin ako kay Mark. Babangon na sana ako pero nagsalita si Mark.

"M's, I'm sorry. Please, don't leave" sabi niya at unti-unti akong bumangon.

Hinaplos ko yung buhok niya at hinalikan ko yung noo niya.

"Huwag kang mag-alala, nandito lang ako" sabi ko at lumabas na ako ng kuwarto.

Pumunta ako sa kusina dahil nagugutom ako at nakita kong mag-isang nakaupo si Tiffany sa kusina kaya tinabihan ko siya.

"Tif, what's wrong?" tanong ko kasi parang malungkot siya at bigla niya akong niyakap.

"I'm sorry, Mars. Pasesnsiya na kung naging masama ako noon sayo. I'm sorry for being rude. I'm sorry for everything" sabi niya at naramdaman kong umiiyak siya.

Parang....nagbago na si Tiffany.

"I accept your apology" sabi ko at humiwalay na siya sa yakap namin at tumingin siya sa akin.

"Mabait ka talaga, Mars. Kaya pala nagustuhan ka ni Xavier" huh? Anong ibig sabihin ni Tiffany?

"What do you mean?" tanong ko.

"You know, I like Xavier, yung ex mo" just what?! Gusto ni Tiffany si Xavier?

"Okay lang yan" sabi ko.

"The truth is, mabait talaga ako. Hindi naman sa pilingera pero noong bata kami nina Ate Jane at Ate Andreina, mabait ako. Kaya lang naman ako nagkaganito kasi sabi nila noon, kapag mabait daw ako, hindi raw nila ako tatanggapin. Ang sama talaga nila, kaya wala na lang ako nagawa kundi maging kagaya nila" grabe naman ang step-mom at step-sis ni Mark.

"Ilabas mo na kaya yung tunay na ikaw" sabi ko.

"Baka wala akong maging friend, kasi yung tunay na ako, sobrang bait at pang-nerd ang kasuotan, with matching glasses pa na walang grado" sabi niya.

"Ang tunay na kaibigan, tatanggapin ka kung ano ka man" sabi ko sabay lagay ko sa balikat niya yung kamay ko. Niyakap niya naman ako.

"Thank you, Mars, kita na lang ulit tayo mamaya or maybe.....bukas" sabi niya at umakyat na siya sa hagdan.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora