Chapter 30: Curious

214 10 0
                                    

Mark's POV

"Kumain ka na nga" sabi niya at binigay sa akin yung pagkain. Marunong din palang magpakilig ang babaeng ito.

What the----?! Magpakilig?! Ughh! Hindi ako kinikilig! Never! Mark Villareal ito, nagpapakilig, hindi kinikilig.

"Inumin mo ito pagkatapos mong kumain para mawala yang hang-over mo" sabi ko at tinuro ko sa kanya yung iinumin niya.

"Opo" sabi niya at tumawa naman ako kasi parang bata kasi ang cute niya.

"Ang cute mo" sabi ko at pinisil ko yung pisngi niya.

"Cute lang?" tanong niya at nag-pout siya.

"Siyempre...." sabi ko at nag-pout ulit siya.

"Siyempre hindi lang yun, cute ka na, maganda ka pa" sabi ko at ginulo ko yung buhok niya.

Tumayo na ako at pumunta sa banyo para maligo at magpalit.

Lumabas na ako ng banyo at nakita kong nanonood si Mars.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Hindi ako, tayo" sabi ko.

"Just answer me" sabi niya.

"Mag-mall tayo" sabi ko.

"Okay" sabi niya at agad siyang pumunta sa banyo.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay lumabas na siya sa banyo.

"Tara na" sabi niya at tumango ako.

Sa sobrang excited niya, hinila niya ako palabas ng bahay at sumakay kami sa kotse ko.

May nakita naman akong isang kotse sa tabi ng kotse ko.

"Kanino yan?" tanong ko sabay turo sa kotse.

"Akin yan" sabi niya at napatango naman ako.

"Bilisan mo kaya, naiinip na ako" tignan mo nga excited talaga.

"Eto na po" sabi ko at pinaandar ko yung kotse ko.

"Libutin muna natin itong city bago tayo pumunta sa mall" sabi niya.

"Sayang gas" sabi ko at pinalo niya ako.

"Sige na" sabi niya.

"Sayang nga sa gas" sabi ko at bubuksan na niya sana yung pinto ng kotse pero pinigilan ko siya.

"Oo na" sabi ko.

"Yeheyy! Sabi na nga ba eh, hindi mo ako matitiis" sabi niya at hinalikan niya ako sa pisngi.

"Geh, tara na" tss, itong babaeng ito hindi ko matiis. Hindi ko man alam sa akin.

"Woah, ang ganda nun oh" sabi niya sabay turo sa nakita niya pero patuloy pa rin ako sa pag-drive ko.

"Stop muna tayo, love. Bili lang ako streetfood" sabi niya at hininto ko muna yung kotse. Bumili at kumain kami ng streetfoods.

"Ikot pa tayo" sabi niya at umikot pa kami dito sa city.

Mars' POV

Ang ganda-ganda talaga ng bayan namin oh. Busog na ako, kame-meryenda lang namin kanina ng mga streetfoods. 9:30AM palang pala. May nakita akong magandang park.

"Hey, can we stop there?" tanong ko kay Mark sabay turo ko sa park at tumingin naman siya dun.

"No" sabi niya.

"Please" sabi ko.

"No, Mars" sabi niya.

"Please" ulit ko na naman.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now