Chapter 15: I'm So Thankful To Have You

266 15 0
                                    

Mars' POV

Pagkaalis nila Xavier, Freya, at Maggie. Nakita kong nakatingin si Mark sa akin.

"Ano?" tanong ko pero ngumiti lang siya.

"Mabait din pala si Xavier" sabi ni Mark.

"Mabait naman talaga siya" sabi ko.

"Bibili lang ako ng pagkain" sabi niya at lumabas na siya ng kuwarto ako naman, as usual nanonood ng cartoons.

Barbie Dreamhouse ang pinapanood ko ngayon.

Biglang may pumasok na babae at parang may itutusok sa Dextross ko. Bigla namang pumasok si Mark.

"Sino ka?" sabi niya at hinawakan niya yung braso ng babae. Tumingin naman yung babae sa kanya.

"Cassandra? Anong ginagawa mo dito?!" galit na sabi ni Mark.

"Mahal na mahal kita Mark" sabi naman ng babae.

"Lubayan mo na kami, Cassandra. Hindi na kita mahal kasi hindi naman kita minahal" sabi ni Mark at tinulak niya palabas yung babae.

"Guard! Huwag na huwag niyong papapasukin ang babaeng yan sa kuwatong ito. Mamamatay tao yan" sabi ni Mark sa mga guard.

"Hindi! Hindi yun totoo" sabi naman ng babae.

"Sa prisinto na lang po kayo magpaliwanag" sabi ng guard at parang may kasama silang pulis. Ang bilis naman. Malakas talaga si Mark.

"Mars, huwag kang mag-alala. Hinding hindi ka sasaktan ng babaeng 'yon" sabi ni Mark at niyakap niya ako.

"It's good to have you" sabi ko at napangiti si Mark.

"Ang bilis mong bumili" sabi ko.

"Hindi pa ako nakabili, nakita ko kasing may pumasok sa kuwarto mo eh kaya bumalik ako" sabi niya. Nakita kong kinuha niya yung phone niya at may tinawagan.

"Hello?" tanong niya.

"Bakit anak?" tanong ng katawag niya.

"Auntie-Maid pumunta ka nga dito sa hospital at pumunta ka sa kuwarto namin, PR8KM third floor" sabi ni Mark.

"Oo sige, papunta na ako" sabi ni Auntie-Maid. Si Auntie-Maid pala yun kahit hindi ko kilala.

"Hindi ka na sana nag-abala pa ng ibang tao" sabi ko.

"Hindi ako nakakaabala kay Auntie-Maid tinuturing ko siyang parang Mom ko" sabi ni Mark at nilaro-laro niya yung buhok ko.

"Saan ba Mom mo?" tanong ko.

"Wala na siya" sabi niya. Sa likod pala ng masasayang ngiti ni Mark ay mga masasakit at malulungkot na alaala. Hinalikan ko siya sa labi pero smack lang. Ngumiti naman siya.

"Ikaw saan Mom mo?" tanong niya.

"Nasa ibang bansa nagtratrabaho" sabi ko. Makalipas ang ilang minuto may kumatok sa pinto at binuksan naman ito ni Mark.

"Anong kailangan mo anak?" tanong ng isang matanda, hindi naman masyadong matanda mga fourty-five pataas ang edad.

"Ilang taon na po kayo?" tanong ko.

"Fourty-eight anak" sabi naman ng matanda.

"Ay oo nga pala. Mars, si Auntie-Maid" sabi ni Mark na nakatingin sa akin at tinuro yung sinasabi niyang Auntie-Maid.

"Auntie-Maid, si Mars, girlfriend ko" sabi ni Mark at nakatingin siya sa Auntie-Maid na sinabi niya at tinuro niya ako. Ngumiti naman kami sa isa't isa.

"Auntie-Maid, bumili ka nga pala ng pagkain para sa atin" sabi ni Mark.

"Oo pero huwag na akong kumain, kumain na ako kayo na lang" sabi ni Auntie-Maid at umalis na siya. Pagdating niya may dala na siyang pagkain at kumain na kami ni Mars.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now