Chapter 37: Awkward

201 10 0
                                    

Mars' POV

Sabado ngayon at pumunta kami nila Mom, Dad, and Venus sa condo namin ni Mark.

"Ang linis naman ng condo mo" sabi ni Mom at umikot sila ni Dad sa condo ko.

"Mars, halika ka nga dito" sabi ni Mom.

Okay! May nakita ba siyang mysterious? Sana wala naman.

"Bakit po?" tanong ko at pumunta ako sa banyo kasi nandun si Mom.

"Ba't may dalawang tuwalya dito sa banyo mo? May dalawang tsinelas pa" sabi ni Mom.

"Kasi.....kasi po...." sabi ko.

"Mom, pumupunta kasi ako dito paminsan minsan kasi nami-miss ko si Mars" hay! Salamat, Venus. You save me again.

"Mars, pumunta ka dito" sabi ni Dad at pumunta ako sa kusina.

"Bakit po?" tanong ko.

"Kailan pa naging malinis ka sa kusina?" tanong ni Dad sabay taas kilay.

"Umm..." sabi ko.

"Diba nga Dad? Gustong maging independent ni Mars kaya ayan, malinis ang kusina niya" ang timing talaga ni Venus.

"Mars, ba't may sapatos ng lalaki dito sa lagyanan ng sapatos mo" sabi ni Mom.

Oh no! Ano ngayon ang sasabihin ko. Pumunta ako sa tabi ni Mom.

"Umm...Mom...." sabi ko.

"Mom, kasi----" hindi na naituloy ni Venus ang magsalita dahil sumigaw si Mom.

"Shut up, Venus! Kanina ka pa! Hindi naman ikaw ang kinakausap ah! I know you two were lying!" sigaw ni Mom at naupo kaming apat sa sofa.

"Tell us the truth, Mars" kalmadong sabi ni Dad.

"May boyfriend ako" sabi ko.

"We know, si Xavier yan" sabi ni Mom.

"No, Mom, may bago" sabi ko.

"Papuntahin mo siya dito" sabi ni Dad at tinawagan ko si Mark.

"Pumunta ka sa condo natin" walang gana kong sabihin.

"Bakit? Diba magagalit sila sayo?" tanong niya.

"Nabuking nila ako" sabi ko.

"Okay" sabi niya at ilang minuto pa ang nakalipas ay may kumatok na sa pinto. Binuksan naman ito ni Dad.

"Oh, namali yata kayo ng kuwarto, Mr.Villareal" sabi ni Dad.

"Dad, he's my boyfriend" sabi ko.

"Eh bakit hindi ka niya kilala kagabi?!" sigaw ni Dad.

"Dad, I know na magagalit kayo, so..." sabi ko.

"Ba't naman kami magagalit?" Huh? Anong sinabi ni Dad?

"Dad" sabi ko sabay yakap kay Dad at umupo naman kaming lahat sa sofa sa living room.

Kumuha naman ako ng makakin namin.

"May nangyari na ba sa inyo ng anak ko?" tanong ni Dad kay Mark kaya nailabas ni Mark ang juice na nasa bunganga niya.

"Leo, ba't mo naman tinanong iyon? Siyempre mahihiya sila" sabi ni Mom kay Dad.

Ang gago! Ba't nagba-blush si Mark?

"Itigil mo nga yan" sabi ko kay Mark sabay bato sa kanya yung unan na nasa likod ko.

"Kailangan niyo ba ng privacy? Sige, alis muna kami" sabi ni Venus at pumunta silang lahat sa kusina.

Okay! Ang tanga! This is the first time na ang awkward ng atmosphere namin ni Mark.

"Umm...so, what now?" sabay naming sabi at ang natahimik na naman kami.

Why so awkward? Dad! Kasalanan mo ito! Ba't mo kasi tinanong yun?

Venus' POV

"Leo, ano kaba? Ba't mo tinanong iyon?" tanong ni Mom kay Dad.

"Jesse, tinatanong ko lang naman" sabi ni Dad.

"Tignan mo sila ngayon" sabi ni Mom.

"Ba't kasi hindi nila sagutin?" sabi ni Dad.

"Siyempre, nakakahiya naman sa atin yun" sabi ni Mom.

"Anong nakakahiya dun?" sabi ni Dad.

"Privacy na nila yun" sabi ni Mom.

"Dad, Mom, stop it" sabi ko.

"May alam ka ba?" sabay na tanong nina Mom and Dad.

"Wala" sabi ko at pinuntahan namin silang dalawa.

Mark's POV

Why so awkward? Nakakainis naman ito.

"Umm...sige po, mauna na po ako" I can't take the awkwardness.

"Mananghalian ka na dito, anak" sabi ng Mommy ni Mars.

"Huwag na po" sabi ko.

"Mahal mo ba ang anak ko?" tanong ng Dad niya.

Mahal ko ba si Mars?

"Umm...Mark, mananghalian ka na dito" sabi ni Mars at tumango ako.

Nagluluto ang Mom and Dad nila Mars and Venus habang kaming tatlo naman, nanonood ng TV sa living room.

Venus' POV

Ba't ang tahimik? Tanging tunog lang ng TV ang naririnig. Oh m! Nabibingi na ako sa katahimikan.

"Hey, ba't ba ang tahimik niyo?" tanong ko at humarap ako sa kanila.

Tignan mo ang mga gagong ito! Tulog pala. Kumuha ako ng dalawang takip ng kaldero at pumwesto na ako sa harapan nila.

In one...

Two...

Three...

Pinagtama ko yung dalawang takip ng kaldero na nagbunga ng malakas na tunog sabay sumigaw ako ng, "Sunog!".

"Ay puta/gago!" sigaw nila Mark at Mars.

"Ano ba, Venus?!" sabay nilang sigaw.

"Kanina ko pa kayo kinakausap, tulog pala kayo" sabi ko sabay pamewang pa.

Nagtinginan naman silang dalawa at nagtawanan. Bigla namang may kumatok sa pinto at binuksan ko.

"Sean, oh! Ang bad nila sakin" sabi ko sabay yakap kay Sean. Hinalikan lang ni Sean ang noo ko at naupo kami sa tabi nila Mark at Mars.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now