Chapter 24: Sweet Memories

236 12 0
                                    

Mars' POV

Pagkatapos kong, I mean naming, magpaalam kay Xavier. Umuwi na kami. Ang sakit pa rin ng ulo ko hanggang ngayon.

"Uwi na tayo" sabi ni Mark.

"Malamang! Hindi ka pa nga naligo diba?!" sigaw ko.

"Ang init ng ulo mo ngayon ah" sabi ni Mark.

"Hindi ko nga rin alam eh" sabi ko. Pagdating namin sa bahay nila Mark, agad akong pumunta sa kuwarto niya at agad naman akong nahiga. Nakadapa pa nga ako na nakahiga eh. Pagkatapos ng ilang minuto, naramdaman kong umupo si Mark sa tabi ko.

"Tapos ka nang maligo at magpalit?" tanong ko.

"Oo" sabi niya.

"Wala kang balak ngayon?" tanong niya.

"Gusto ko munang matulog" sabi ko.

"Kapag may kailangan ka----" hindi niya naituloy ang sinabi niya dahil nagsalita na ako.

"Nandiyan ka lang sa sofa ng kuwarto mo" sabi ko at narinig ko siyang tumawa. Narinig ko rin ang sound ng TV pero natulog na lang ako.

Mark's POV

Memorize na ni Mars ang line ko. Pumunta ako kay Mars at nakita kong tulog na siya na nakadapa. Kaya inayos ko yung higa niya saka ko siya kinumutan. Pagtalikod narinig kong nagsalita si Mars.

"M-M......" sabi niya kaya humarap ako sa kanya at lumapit ako.

"M-Mark?" may katuloy pala, akala ko tinatawag niya ako sa nickname ko kay M's at MA. Bumalik na ako sa sofa at nanood na ako.

Mars' POV

Paggising ko, tinignan ko yung clock kung anong oras na. 9:00PM na pala, gabi na. Hindi pa ako kumakain o ano. Umupo ako. Nakita kong nakatulog si Mark si tabi ko kaya ginising ko siya.

"Mark?" sabi ko.

"Bakit?" tanong niya at umupo siya.

"Nagugutom ako" sabi ko.

"Okay ka na ba?" tanong niya.

"Konti na lang yung sakit ng ulo ko" sabi ko at tumayo na siya. Pagbalik niya sa kuwarto may dala na siyang pagkain. Binigay niya sa akin yung pagkain at agad ko namang kinain. Kinuha na niya yung pinagkainan ko at lumabas na naman siya ng kuwarto. Pumunta naman ako sa banyo para mag-shower at magpalit. Paglabas ko ng banyo, nakita kong tulog na si Mark kaya tumabi ako sa kanya at natulog na rin.

Paggising ko ng umaga, tumingin na naman ako sa orasan. 5:00AM pa lang at tulog pa si Mark pero may pasok ako ngayon. Pumunta ako sa banyo para maligo at magpalit. Paglabas ko ng banyo, tulog pa si Mark. Bumaba ako papunta sa kusina at hindi ko nakita si Auntie-Maid. Kaya ako na ang nagluto.

"Ang aga mo namang magluto, Auntie-Maid" sabi ni Mark habang pababa ng hagdan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Halatang gulat naman siya.

"Mars, anong ginagawa mo?" tanong ni Mark at agad siyang lumapit sa akin.

"May pasok kasi ako ngayon tapos tulog pa yata si Auntie-Maid kaya ako na ang nagluto" sabi ko at naupo siya sa upuan sa kusina.

Pagkatapos kong magluto, hinanda ko na yung pagkain at habang kumakain kami ni Mark, dumating naman yung tatlong Step-Sis ni Mark at nakikain na rin.

"Kuya, who is the chief today?" tanong ni Tiffany.

"Yeah, who?" tanong ni Andreina.

"Bakit?" tanong ni Mark.

"Ang sarap ng luto niya, sana siya na lang yung palaging magluto ng pagkain natin" sabay sabi nilang tatlo, ang tatlong Step-Sis ni Mark. Nagtinginan kami ni Mark at nagtawanan.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now