Chapter 8: The Fake Relationship Start

337 18 0
                                    

Mars' POV

Pagkatapos kong nakita si Xavier ay hinila ko si Mark na maupo sa sofa at uminom ako.

Mark's POV

Shit! Ang dami nang nainom ang babaeng ito at mukhang di na niya alam ang ginagawa niya.

Naupo siya sa lap ko at hinawakan niya yung pisngi ko saka niya ako hinalikan sa labi.

"Tama na yan, uwi na tayo" sabi ko at binaba ko yung hawak niya na baso.

"Mamaya" sabi niya na lasing na lasing.

"Huwag nang makulit, uwi na tayo" sabi ko and then she pout.

"Inom nalang tayo sa bahay" sabi ko.

"Promise?" tanong niya.

"Promise" sabi ko at pinisil ko yung pisngi niya.

Binuhat ko siya at yumakap siya sa leeg ko.

Sinakay ko siya sa kotse ko at inuwi ko siya sa bahay.

Pagdating ko sa bahay nakatingin sakin si Dad.

"Sino yan?" tanong niya. Hindi nalang ako sumagot at inakyat ko nalang si Mars sa kuwarto.

Nilapag ko si Mars sa higaan ko at nag-shower muna ako at nagpalit.

Paglabas ko ng banyo ko ay naalala ko na naka-gown pa pala ang babaeng ito.

Bumaba ako at pinuntahan ko si Anutie-Maid. Nakasalubong naman niya ako.

"Bakit?" tanong ni Anutie-Maid.

"Paki palit at pakishower nga po yung babae sa taas" sabi ko at pumunta si Anutie-Maid sa taas

Nagpabili naman ako sa secretary ko ng bistida at mga panloob na suotin ng babae para may suotin si Mars.

Pagdating ng secretary ko kinuha ko na yung damit at binigay ko kay Anutie-Maid.

Paglabas ni Anutie-Maid pumasok na ako sa kuwarto ko at tumabi kay Mars habang natutulog. Natulog na din ako.

Mars' POV

Paggising ko nakita ko na nasa ibang bahay ako at napalitan na din yung gown ng bistida.

Nasaan ba ako?

Bumangon ako at wala akong nakitang tao.

Binuksan ko yung pinto at lumabas ng kuwarto.

Bumaba ako ng hagdan at may sumalubong sakin, malamang siya lang naman, si Mark.

"Gising ka na pala" sabi niya sakin at inalalayan ako pababa ng hagdan.

"Nasan ako?" tanong ko.

"Sa bahay namin" sabi niya.

"Anong oras na?" tanong ko.

"8:00AM" sabi niya at bigla kong naalala na may pasok pala kami ngayon.

Bigla nalang ako tumakbo sa taas, hinabol naman ako ni Mark.

Pagdating namin sa kuwarto hinawakan ni Mark ang kamay ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"May pasok pa ako, baka magalit yung teacher namin" sabi ko.

"Wait, what? Studyante ka palang" sabi niya na gulat.

"Oo" sabi ko naman sabay taas kilay.

"Wala ka daw pasok ngayon text ni Freya sayo, akala ko nga trabaho yung sinasabi niya eh, kaya pala school" sabi niya at tinignan ko yung phone ko.

Fake Love And Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon