Chapter 6

1K 20 0
                                    

"Ano nang nangyare sainyo?!" Kinikilig na tanong ng mga babae sa akin habang naghihintay ako kay Risk na bumibili ng lunch namin.

"Wala. Pumunta kami sa park tapos sa mall...nag-arcade kami. Binayaran nya ng manager para masolo namin saglit ang lugar." Nakangiti kong sabi.

"WAHHHHH!!!" Tili ng isa.

"Girl, hinay-hinay ah? Papaalala ko lang sayo na once a cassanova, always a cassanova. Once a fvckboi, always a fvckboi. Iba pa rin ang likaw ng bituka ng mga yan. Baka minsan, kapag nakuha na nya ang viginity mo eh layasan ka. At baka yun lang din ang habol sayo." Paalala ni Jella.

"Uy grabe ka naman Jella. Inabot sila ng ilang buwan oh! Kung yun ang habol sakaniya, bakit hindi pa nya makuha-kuha?" Tanong naman ni Kris. Sya yung kinikilig kilig.

"Malay mo, sumusubok si Risk ng panibago. Gusto nya yung pa-hard to get? Tapos kapag nakuha, iiwan or mananatili. Pero halata naman nating mahal ka talaga ni Risk eh." Ani Jella.

"Salamat sa concern ha? Nagtataka ako kung bakit hindi tayo nagiging close." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Kasi palagi kayong magkadikit ni Pierre. Teka nga....bakit magsimula nang maging kayo ni Risk parang strangers na lang kayo ni Pierre?" Pansin ni Kris.

"Hindi ko alam eh. Hindi na nga kami madalas nagkikita."

"Gusto mo kami naman ang best friends mo? Kasi matagal ka na talaga naming gustong kaibiganin kaso nahihiya kami kay Poging Pierre eh." Ani Jella. Nakakatuwa naman at may mga gustong kumaibigan sa akin.

"Sure ladies." Si Risk ang sumagot para sakin. Nandyan na pala sya dala ang tray ng pagkain namin at tumabi sakin tsaka hinalikan sa pisngi. Halata mong nagpipigil ng kilig yung dalawa..

"Yes!" Masayang sabi nila dahil sa sinagot ni Risk.

"Thanks Risk!"

"Bella, yung favorite band mo palang December Ave. may concert dito. Libreng concert lang sa gym. Anniversary kasi ng St. Matthew's University." Aya ni Jella..

"We'll be there." Nakangiti kong sabi sabay tingin kay Risk.

"Yes." Sang-ayon nya.

"Ang sweet nyo talagang tignan!" Kinikilig na sabi ni Kris.

"Hehe..." nahihiya na ako....

"My, dalian natin marami nang tao dun malamang!" Nag-aalboroto na ako sa bagal ni Risk sa pagprepare. Daig pa ang babae! Mabuti na lang at sa school yun. December Avenue at mga solo singers ang guest nila doon. Ang yaman ng school para don ah!

"Just a sec Pretty." Naka-super ripped jeans sya as in sa tuhod wakwak na wakwak. Tapos white printed short sleeves polo. Mahilig talaga sya sa mga short sleeves polo.

Ako naman naka-faded jeans and crop top at tanging cellphone lang ang bibitbitin namin.

"Does your parents know about this?" Tanong nya habang naglalakad na kami pasakay sa kotse nya.

"Yep. Alam din naman nila na ihahatid mo ako pauwi once na matapos yung show." Nakangiting sagot ko sakanya.

"I'll do that."

"My! Nagi-start na!" Excited kong sabi habang hinihila sya. Lahat ng atensyon ng mga taong nasa likod ay nasa amin dahil sa presensya ni Risk.

"Chill, makikita mo pa rin naman sila." Chill nyang sabi.

"Kamusta mga taga-St. Matthew's!!" Sigaw ni Kuya Zel ang vocalist ng december ave.

"WOOOO!!!" sigaw ng marami kasama na ako doon. Dahil nahuli kami, nasa pinakalikod kami at buti na lang nandito sila Milo.

Back To You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon