Chapter 24

985 16 0
                                    

"Good Morning Bella!!" Yan agad ang bungad sa akin ni Risk pagkamulat ng mga mata ko pero agad ding napapikit ng mata dahil nasilaw ako sa tama ng araw sa akin.

"Oops! Sorry Pretty..." sinarado nya agad yung kurtina. Hindi ko tinataganggal yung comforter na gamit namin sa katawan ko dahil naka-nighties lang ako. Walang bra pero syempre may underwear.

"G-Good Morning..." mahinang sabi ko at dahan-dahang tumayo at pumasok sa cr para maghilamos at magtoothbrush.

Bumalik din ako sa kama at nagkumot dahil ramdam ko parin ang lamig.

"You're still pretty...Pretty. Breakfast? Vaughn's eating at the dining already." Nakangiting sabi sa akin ni Risk habang nakaupo sa paanan ko na wala na namang shirt.

"Hmm...yep...I'll be there. Bantayan mo na." Sabi ko. Pagkalabas nya,  ako naman ang tumayo na tsaka hinablot ang robe na sa tingin ko kay Risk. Diko makita ROBE KO!!!!

Pagkalabas ko ng kwarto nakita kong sarap na sarap si Vaughn sa kinakain nya habang nakaupo sa high-chair. Nag-angat sya ng tingin at biglang ngumiti pagkakita saken.

"Morning Mommy!!! Breakfast!" Nakangiting aya nya saken. Medyo marungis ang gilid ng mga labi niya pero ang cute.

Hinalikan ko sya sa noo at binati rin. Nasa kusina pa si Risk parang may kinakalikot or nagluluto parin.

"Risk?" Tawag ko sakaniya.

"Yeah?"

"Ginagawa mo? Kumain ka na ba?" Tanong ko sakaniya at tumigil ako sa tapat ng island ng kitchen.

"Coffee for us. Hindi pa ako kumakain kasi hinihintay pa kita." Hindi nya pa ako hinaharap dahil masyado syang busy sa paggawa ng kape.

"Okay...Hintayin na lang kita don." Turo ko sa dining at kay Vaughn.

"Yeah...I'm almost done." Aniya. Tumango lang ako kahit di niya ako nakikita at umalis na at tumabi kay Vaughn.

"Hey Baby how's your cerelac? Sarap na sarap ka ah?" Nakangiting tanong ko sakaniya. Nilingon niya ulit ako.

"Yes Mommy! Daddy made this for me with smashed apple in it." Bibong sabi nya at bumaling ulit sa ipad nya at nanoood ulit.

"Wow....okay baby.....eat well." Naramdaman ko na ang pagtabi sa akin ni Risk kaya naglagay na ako ng kanin at ulam sa plato ko.

"You okay Bella?" Rinig kong tanong ni Risk kaya binalingan ko sya.

"Yeah...bakit naman hindi?" Kunot noong tanong ko.

"Wala naman.....natanong ko lang..." inabot nya saken ang mug ko.

"Thanks."

"Welcome...." tumango na lang ulit ako at akmang susubo na nang magsalita si Risk.

"Oh...and by the way....you going to your shop today?" He asked.

"Nope. Dito na lang muna kami ni Vaughn kung okay lang sayo....or baka kila Pierre na lang kami..." sabi ko sakaniya habang pinagpapatuloy ang pagkain.

"Of course it's okay. My PS4 is still here...both of you can play. May tabaho pa nyan ako, maybe I can't bond with you two today...maybe tonight?"

"Okay..." yun lang at wala na ulit nagsalita.

Napatingin ako sa balcony ng kwarto ni Risk nang marinig ko syang parang may kausap sa telepono. Ang sabi nya kaninang umaga may trabaho sya pero ano pa ang ginagawa nya dito?

Dito sya magtatrabaho? Maghapon na syang nandyan hindi ko lang kinakausap kasi....wala! Hindi pa ako okay sakanya remember?

Napatulog ko na muna si Vaughn buti na lang hindi matigas ang ulo ng anak ko. Kasalukuyan kasi akong nagaayos ng susuotin ko nang damit para makaligo na.

Pagkatapos maligo hindi pa rin sya tapos sa telepono nya at nakatawa pa sya. Tss! Sino naman kaya yun? Panibagong babae?

Tsk! Pakielam ko ba?!

Naka-t shirt lang ako at shorts na pambahay tutal nasa bahay lang naman kami. Nakita ko sa peripheral ko na tapos na syang makipag-usap at alam kong tumayo na sya at naglakad palapit saken.

Nagpapatuyo ako ng buhok gamit ang tuwalya ko nang kuhanin nya ito at sya mismo ang nagpapatuyo.

Naalala ko noon...sya ang nagpapatuyo at nag-aayos ng buhok ko. We were so much inlove with each other back then....but then, here we are, broken.

Magkatinginan kami gamit ang whole body mirror nya. Nakatalikod lang naman ako sakaniya.

"Akala ko may trabaho ka? Maghapon kang nandyan sa balcony may kausap." Usal ko sakaniya habang seryosong nakatingin.

"Ah. That. That's work. Ayokong umalis at iwan kayo ulit. Kaya dito na ako nagtrabaho." Sagot naman nya.

"Oh. Paano mo nakakaya yun ng walang sekretarya?"

"I have my secretary. He's giving me the full reports through call and I know that Nate's genius." Confident na sabi nya.

"He? Lalaki?"

"Yeah...why?"

"Wala lang.....Madalas kasi mga babae ang secretary diba?"

"Mmm...pero saken lalaki."

"Why?"

"Kasi ayoko ng babae." Simpleng sagot niya.

"Why?" Hindi ako kuntento sa sagot nya.

"Masasayang lang ang oras ko sa kanila kung tutulala lang sila sa gwapong nilalang na katulad ko. Kung magpapacute lang sila wala kami o silang matatapos." Pagbibiro nya.

"Ang yabang. Porket gwapo." Pabulong kong sabi.

"Okay." Yun na lang ang nasabi ko ulit.

"Done!" Aniya matapos makuntento sa pagpapatuyo ng buhok ko.

"Thanks. Pupuntahan ko lang anak ko." Malamig kong pahayag at kinuha sakaniya ang ginamit na tuwalya at isinampay muna sa cr bago puntahan ang anak ko na mahimbing pa rin ang tulog.

Napatitig ako sa kabuuan ng mukha nya habang dahan-dahang hinahagod ang likod.

"Kamukhang-kamukha mo talaga ang Ama mo kahit tulog....sana hindi ka magaya sakaniya nya..." mahina kong sabi.

"Kung sakaling iwan ka man nya, nandito lang si Mommy na hindi ka iiwan....I love you Vaugh." Bulong ko pa at nahiga sa tabi nya't niyakap sya.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako...

Nagising na lang ako dahil sa pagyugyog ng bahagya ng anak ko. Oo anak ko dahil maliliit ang mga palad eh.

"Mommy, wake up..." pabulong at malambing na sabi nya. Nakangiti akong tumingin sakaniya. Nagulat pa ako dahil nakapang-alis sya.

"Where are you going anak?" Tanong ko at umupo na sa kama.

"Daddy said we will eat on a restaurant." Ngiting sabi nya.

"Restaurant?"

"At our shop Mommy!" Ah..

"Okay....wait I'll change." Buhat-buhat ko sya habang pumapasok sa kwarto ni Risk. Naka-simpleng shirt lang din sya at shorts kaya nag-hoodie na lang ako at shirts din na pares ng sakanila. Side stripes kasi mga designs ng shorts nila na black sakto may ganon ako dahil para pares kami ni Vaugh. Hindi ko ineexpect na meron rin si Risk. Mas maiksi lang sa akin yung hindi mahahalata dahil sa oversized hoodie.

"You're so pretty Mommy!" Puro ng anak ko paglabas ko ng cr.

"Thanks anak...tara na?" Nilahad ko ang mga kamay ko sakaniya para buhatin na sya.

Nagpabuhat naman sya.

"Bakit sa shop pa namin ni Vaughn and dinner natin?" Baling ko kay Risk habang nasa elevator na kami.

"I want to see your success."

"Success ba tawag doon? Hindi yun ang pinangarap ko. Pero since yun ang nakalaan para sa akin natuto akong makuntento at tumanggap." Mapait kong sabi habang nakatingin na ng diretso sa harap.

"I'm sorry...I know it's my fault." Malungkot niyang sabi.

"What's done is done, Risk." Walang buhay kong tugon.












Back To You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon