Chapter 30

961 18 4
                                    

"Bella, I'm asking you?" natauhan ako sa pagtawag ulit ni Mommy saken.

Hindi ko kasi alam eh...nangingitian ko naman na sya pero parang...may mabigat parin sa dibdib ko? Yun yung feeling. Yung feeling pa na, gusto mo syang patawarin pero talagang may mabigat pa? Nahihirapan rin ako eh.

Nabigla pa ako sa paghawak ni Mommy sa kamay kong nasa mesa. Tinugon ko naman ang pagkahawak nya sa kamay ko.

"Anak, tell me...mag-open up ka lang sa akin....just like before." malambing na sabi ni Mommy.

Napayuko ako.

"I really don't know Mommy...nangingitian ko sya, kinakausap, nakakatabi na sa pagtulog, pero parang may mabigat? Yung gusto ko na syang patawarin pero bakit parang ang bigat sa dibdib? Hindi naman sya nagmamadaling hingin ang kapatawaran ko, pero ako itong pilit na gusto syang patawarin, pero feeling ko hindi pa yun yung tamang oras?" mahina kong sabi.

Napahigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"Alam mo ba kung anong bigat yan?" tinaas muna ni Mommy ang ulo ko para matignan sya at tsaka nya itinuro ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

"Bakit po?" clueless kong sabi.

"Dahil hindi ka naga-out sakaniya. You should tell him what you feel and what you felt. You should talk to him." mahina nyang sabi.

"I don't know how... wala akong makuhang tiyempo. At bakit ko po sya kakausapin ng ganon? Ako pa talaga unang mag-aaproach? Sya itong nang-iwan." 

"Dapat hindi mo ipipairal ang pride anak. Dahil hindi kayo magkakaayos kung pride lang. Do you know his side?"

"Opo."

"Buong storya nya? Yung mga nangyayare sakaniya kung bakit sya hindi agad bumalik? Kung bakit ka niya iniwan? Totoo ba ang mga dahilan nya kung nagsabi man sya sayo?" sunod-sunod na tanong niya.

"H-Hindi po.." 

"Mukhang kailangan nyo nga ng masinsinang usapan. By the way, kaya pala kami nandito ng Daddy mo ay dahil una, hinatid namin ang pasalubong, pangalawa, gusto namin kayong bisitahin at pangatlo, ipapaalam ko lang sayo kung pwede naming iuwi si Vaughn? Wala na kaming baby ng Daddy mo eh. At gusto naming makilala pa ang apo namin. Ayos lang pa?" napangiti naman ako kay Mommy.

"Oo naman po!" walang pag-aalinlangang sagot ko dahil kapag talaga nagdala ka ng baby sa bahay namin, talagang alagang-alaga ka nila. Hindi ka magugutom o mangangayayat. Bubusugin ka nila ng kasiyahan, pagmamahal at ng mga pagkain doon.

"Wow! Sige..."

"Hanggang kailan nyo po ba gusto Mom?" 

"Kung sanang 2 weeks?" patanong nyang sagot

"Ay...oo naman po Mom! Mag-eenjoy si Vaughn doon lalo na sa favorite kong pool. Pwede ba akong sumama? Ayokong maiwan dito..." sabi ko at binulong ko ang huling mga salita. 

Natawa naman si Mommy saken.

"Ang ganda na nga ng timing na ito anak eh. Makakapag-usap kayo ng masinsinan. At maga-out of town ulit kami kasama si Vaughn."

"Aww..Mommy.."

"Hindi. Wag matigas ang ulo. Hindi ka na bata anak, may anak ka na nga oh." 

"Oh well....sige na nga." 





"Vaughn, you want to sleep with Lola and Lolo sa bahay nila?" tanong ko pagkaupo pa lang nya sa lap ko. Nandito kaming  sa living room. May sariling mundo si Daddy at Risk sa balcony.

Back To You [Completed]Where stories live. Discover now