Chapter 39

952 15 3
                                    

"Ang ganda Risk!" Masayang sabi ko.

Yung pinunta namin sa mall kahapon ay yung jersey! Nagpagawa pa siya ng jersey na isa pa kaya kaming tatlo ay pare-parehong may Javier ang jersey, maski ang gwapo naming anak.

Sa dating school namin maglalaro ang mga boys, maraming nakakakilala sa amin doon, lalo na ako at si Risk, lalo na dahil sa pictures namin with kuya Zel, yung vocalist ng December Avenue.

At balita ko rin na manonood ang mga kabatch mates namin.

Ibinalita rin kahapon sa amin ng secretary niya na isa nang tunay na Javier si Vaughn. Ako na lang ang hindi pa dahil hindi pa kami naikakasal.

JAVIER 28

Since birthday 'yon ni Vaughn kaya kaming tatlo ay JAVIER 28. 28 din naman si Risk, August nga lang, February si Vaughn eh.

Pagkarating namin sa parking ng school ay nakilala kaagad kami ng guard at medyo gulat pa nang makita ang buhat na bata ni Risk ngunit walang bahid ng pangjajudge.

"Daddy milk!" Cute na sabi ni Vaughn.

"Wait anak."

"Goodmorning Mr. Javier, Ms. Sanders..." ani Mang Pitong.

"Goodmorning Mang Pitong! Grabe ang tagal niyo na rito ah?" Ani Risk na trying hard parin sa pagtagalog.

"Oo nga eh...anak niyo? Napakagwapong bata..." hinawakan pa nito ang ulo ni Vaughn. Proud naman na tumango-tango si Risk.

Nagmano pa si Vaughn para magbigay ng galang sa matatanda.

"Goodmorning Mister." Bati naman ng anak namin.

"Goodmorning po Mang Pitong..." nahihiyang bati ko naman.

"Napakagalang ng anak niyo..." puri pa nito.

Inabutan ko siya ng isang libo patago...

"Mang Pitong pang kape niyo po at pananghalian at kung may matira panghapunan...ito po pa po..." dinagdagan ko pa ito ng isang libo pa.

"Nako nakakahiya po..." anito.

"Nako hindi po...wag po kayong mag-alala." Nakangiting sabi ko.

Wala naman siyang binubuhay na pamilya dahil mag-isa lamang siya sa buhay niya ngayon. Wala siyang asawa't mga anak.

"Maraming salamat po..."

Habang naglalakad sa hall, napapangiti na lang ako sa magaganda naming ala-ala ni Risk at ng kaibigan kong si Pierre at saka ang barkada nila.

"Mommy is this your school?" Tanong sa akin ni Vaughn habang kagat-kagat ang chupon ng bote at buhat ng kaniyang daddy.

Libreng-libre ang kamay ko habang si Risk may bitbit na gym bag tapos kinuha pa sa akin si Vaughn. Nasa gym na rin kasi niya mga extras ni Vaughn eh.

"Yes baby..." nakangiting sagot ko habang hawak-hawak ang kamay niya.

"Pretty, sa kamay ko na lang ikaw humawak.." he said and pouted.

Back To You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon