Chapter 17

1K 18 1
                                    

"Mommy how about this?" Itinaas ni Vaughn ang isang nakahanger na damit nya. Nagpe-prepare kami ngayon para sa lunch na sinasabi ni Pierre kahapon.

"That's a nice pick, baby." Short sleeves polo na white na printed at khaki shorts. Parang Daddy nya, parehas sila ng taste.

"Thank you Mommy! How about you?" Tinignan naman nya ang tatlong uri ng dress na nasa hanger din na nakasabit sa pinto ng cabinet.

"Want to choose the dress for me?" Suhestiyon ko na ikinangiti nya ng malapad.

"Really Mommy?"

"Hmm-hm!" Bumaling ulit sya sa tatlong damit at napahawak sa baba nya at nagiisip ng nababagay saken.

"That one Mommy!" Tinuro nya yung isang sleeveless dress na dirty white na color. Above the knee din sya na may konting design sa dress.

"Thank you too baby! Sige na, papaliguan na kita." Binuhat ko na sya kasabay ng pagkuha ko ng towel nya. Nilagay ko na din sya sa bath tub na may warm water na at sabon.

Pagkatapos ko syang bihisan, pinagpanood ko muna sya ng kids videos doon sa phone ko. Naka-charge kasi ipad nya. Sumunod na ako ng ligo.

Habang naglalagay ako ng lotion sa legs, may biglang kumatok na sa kwarto namin.

"Come in Daddy!" Alam na alam ni Vaughn na si Pierre iyon. Sakto, tapos na akong magbihis, lotion na lang.

"Hey guys, you ready?" Nakasilip sya sa pinto.

"I'm almost done. Anak, yung phone ni Mommy balik mo sa pouch ha? Yung ipad mo dalhin natin." Sabi ko sakanya.

"Yes Mommy!" Masunurin ang bebe ko.

"Ikaw, Pierre? Ready?" Tumayo na ako sa upuan ko at sinuot ang keds ko na sneakers.

"Yeah." Niluwagan nya ang pagkakabukas ng pinto para ipakita ang suot nya. Naka-dark blue coat sya at black shirt sa loob at jeans at shoes.

"Wow Daddy, you're so handsome too! Just like me." Ani Vaughn na nakatitig na naman sa salamin para titigan ang mga mata nya.

"I know buddy. Pero mas gwapo ka." Kumindat pa sya kay Vaughn.



"Welcome Sir Pierre. Your seat is over here." Sinalubong agad kami ng waitress ng resto.

"Thank you." Seryoso ang mukha ni Pierre habang buhat si Vaughn. Ako naman hawak ko ang pouch ko at ang bag ni Vaughn.

Habang buhat nya si Vaughn pinanghila nya ako ng upuan. Tapos pinaupo rin nya si Vaughn si isa pang bakanteng upuan.

"May naorder na ako kanina, kaya mabilis lang maseserve yon dito. Mushroom soup lang kay Vaughn and lagyan na lang natin ng rice mamaya." Ani Pierre.

"Sige...okay yon. Favorite naman ni Vaughn ang ganung soup eh. Right baby?"

"Opo!" Busy pa sya sa paglalaro ng spoon and fork dito sa mesa.




Pagkaserve ng pagkain kumain na agad si Pierre habang ako inaasikaso ko muna kakainan ni Vaughn. Pilit na kinukuha saken ni Pierre yung ginagawa ko pero panay tanggi ko.

"Thank you Mommy. It's your turn to eat!"

"Yes anak, pero...cr muna ako ah?" Bumaling din ako kay Pierre para magpaalam.

"Sige." Ngumiti din sya saken.

Dumiretso agad ako ng cr para maghugas ng kamay at magbawas ng tubig hehe. Paglabas ko ng cr natigilan ako sa paglalakad nang may mahagip ang mga mata ko na hinding-hindi ko gusto pang makita.

Back To You [Completed]Where stories live. Discover now