Chapter 35

993 13 0
                                    

Kanina pa kami sa ganung posisyon pero siya panay ang silip sa cellphone niya at parang may inaabangan pa.

"Work?" Kunot-noong tanong ko sa lalaking kayakap ko.

"Nope.." sagot niya at may pahalik pa siya sa noo ko.






"Pretty, mamaya may pa-bonfire sila sa kabilang banda ng cottage, punta tayo ha?" Aya niya habang sinusuotan ako ng ibang damit.

Akala ko biglaan lang niyang naisip pero yun pala handa ang loko. May dala ba namang maleta namin at damit namin.

"Bakit ito?" Tanong ko nang puting dress ang isuot niya sa akin. Pero syempre bago niya ako bihisan naligo ulit kami. Buti na lang may heater sila at bath tub.

"Bakit hindi?" Baling niyang tanong at ninakawan na naman ako ng sandaling halik sa labi.

Nawiwili na siya.

"Bonfire ang pupuntahan natin hindi party!" Natatawang saad ko sakaniya.

"Ah basta. Alam mo naman na ako ang nagsusuot sayo ng damit mo at ako rin ang namimili ng susuotin mo kaya magtiwala ka okay?" He wants me to trust him.

And for the nth time, hinalikan na naman niya ako sa labi.

"Kita pa yung kiss mark ko." Nakangusong sabi ko at narinig ko ang namiss kong halakhak niya.

"Meron din ako." Aniya habang nagsusuot na ng pantalon at plain dark blue shirt lang ang pang-itaas niya.

"Gabi naman 'yon kaya walang makakakita." Nakangising sabi niya.

"Nagugutom na ako my.." alas-otso na kasi at hindi pa kami nagdidinner.

"Kaya nga 'yan ang pinasuot ko sayo kasi kakain tayo somewhere." Inaayos na niya ang buhok niya.

Tapos na niya akong bihisan at suotan ng sapatos kaya pinapanood ko na lang siya sa ginagawa niyang pag-aayos sa sarili.

"Quit staring. Baka hindi na tayo makalabas ng cottage na'to." Pilyong sabi niya at humarap na sakin.

Tumayo ako at nilapitan siya...

Parang ayoko na lang din lumabas..pero nagugutom talaga ako! Wala pa kaming kain ng lunch!

Hinalikan ko siya sa labi niya bago kinuha ang kamay niya at lumabas na kami ng cottage.

And his somewhere brought us to our favorite pancake house. Sayang wala si Vaughn, favorite naming tatlo 'yon eh!

Nakarami ako ng kain ng pancakes dahil sa sarap ng blueberry syrup nila dito.

Jusko! Kung magkakaanak ulit kami ni Risk, itong blueberry syrup naman ang paglilihian ko! Pinaglihi ko kasi si Vaughn sa pancake kaya kahit medyo payat siya ay fluffy pa rin siya.

"Hinay-hinay Pretty, hindi tayo mauubusan. Pwede pa naman tayong bumalik bukas dito." Natatawang sabi sa akin ni Risk at kumain na din.

At yung milk na inorder ni Risk sa amin ay hindi lang basta gatas. May something doon at sobrang sarap pero sabi ni Risk isang order lang doon pagkatapos ay tubig na lang dahil masyado na raw yung matatamis.



Naglibot-libot muna kami at hinintay ang 10pm dahil yun ang oras ng bonfire. Saktong 9pm palang kaya mas pinili ni Risk na maglakad-lakad kami para bumaba na ang kinain namin.









I badly wants his surname... pero ayokong ipressure si Risk kung hindi pa siya handa sa kasal. I will wait for him to say that. Baka kasi kapag prinessure ko siya, takbuhan niya kami, which is malayo nang mangyari dahil ako lang itong nag-aassume na naman.

"What's on your pretty mind Pretty?" Malabing niyang tanong.

"Wala lang..." ayoko nang sabihin baka nga ma-pressure diba?

"Hijo! Hija!" Tawag ng matandang nagtitinda sa amin.

Napatingin kami sakaniya at sa maliit niyang tindahan ng mga souvenirs.

"Po?" Nakangiting sabi ko.

"Halikayo! Bilhin niyo na itong couple bracelet oh? Bagay sainyo ito..." nakangiting sabi rin niya.

"Sige po! Meron pa po kayo na dalawang ganiyan? Yung pang-bata po sana pero parehong kulay din po." Lumaki ang ngiti ko dahil si Vaughn kaagad ang nasa isipan ko.

"Ay oo, teka sandali." May kinakalkal pa siya doon sa bag niya at nang makita na niya 'yon ay pinakita na niya sa akin.

Magkaparehong-magkapareho pero ang size lang naman ang hindi dahil mas maliit ang dalawa.

"Totoong klase ng bato ito at hindi biro, ingatan niyo rin 'yan dahil mahalaga ang mga bracelet na 'yan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Totoong klase ng bato ito at hindi biro, ingatan niyo rin 'yan dahil mahalaga ang mga bracelet na 'yan. Maswerte kayo dahil sainyo ko ibinigay ang natitirang apat. Kay gandang dalaga at binata, kaya lang aanhin niyo ang dalawa pa?" Curious na tanong niya.

"Para po sa anak namin." Hindi ko ikakahiya na sa murang edad ko na ito ay may anak kami ni Risk. Handa akong pakinggan ang panghuhusga nila.

Nanlaki ang mga mata niya sa nalaman.

"Hindi ba't nagdadalaga't nagbibinata pa lamang kayo? Pero ganun pa man at ipagpala kayo ng Diyos. Paka-iingatan niyo ang isa't-isa at aalagaan." Napakabait naman ng matanda. Akala ko huhusgahan din niya kami pero hindi.

"Ito na po ang bayad." Inabutan ko siya ng isang libo.

"Wala akong panukli para sa ganiyang kalaking halaga magandang dilag." Sabi pa niya.

"Naku hindi po. Para pa sainyo ang sukli. Maraming salamat po at kami po ay tutuloy na rin." Nakangiti sabi ko.



Kinuha ni Risk sa akin ang puting bracelet at inuot niya sa kanang kamay ko kaya ako naman din ang nagsuot ng itim sakaniya.

"Para kay Vaughn yung isa." Sabi ko.

"Para kanino yung isa?" Takang tanong niya pero nagkibit-balikat lang ako.

Actually, para sa future daughter or son namin 'yon.



10pm na kaya naglalakad na kami pabalik pero si Risk tumigil pa muna kaya tumigil din ako.

May nilabas siyang malaking panyo at tinupi 'yon.

"Para saan na naman 'yan?" Natatawa kong tanong dahil isusuot na niya sa akin ang blindfold niya.

"Basta! You trust me right?" Bulong niya sa tenga ko nang matakpan na niya ang mga mata ko.

Inalalayan na niya akong maglakad at naramdaman ko na pataas ang nilalakaran namin.

Sobrang lamig pero parang natatalo na 'yon ng init ng katawan niya at Sa tingin ko ay malapit na kami sa mismong bonfire at sobrang tahimik pero may naririnig ako ngisian.

Alam ko namang maraming tao ang makakahalubilo namin dito. Iba't ibang turista.

"Are you ready?" Tanong pa ulit niya.

"Risk ito kapag kalokohan ah!" Nasabi ko na lang dahil bigla akong kinabahan na ewan! Sobrang lakas ng pagtatambol ng tibok ng puso ko!

"Nope...in 3...2...1!" And when he said 1 tinanggal na rin niya ang blindfold kaya bigla akong napatakip sa bibig at naiyak.
























Back To You [Completed]Where stories live. Discover now