Chapter 25

977 14 0
                                    

Pagkapasok namin sinalubong agad kami ng dalawa.

"Bella!!!"

"Baby Vaughn!!!"

Pinugpog ng halik ang mukha ni Vaughn ng mga ninang na ikinatawa ko.

"Ackkk!!! Tita Jella!!" Natatawang sabi na ng anak ko dahil kinukupit na siya ng mga ito.

"Aww sorry our baby Vaughn, namiss namin kayo!" Sabi naman ni Kris at sya naman ang unang nakipagbeso saken.

"Ako rin." Sagot ko. Napatingin naman sya sa likod ko at napalitan ang mga ngiti nila ng seryosong mukha pagkakita kay Risk.

"Ang sabi, panandalian, bakit kasama mo pa ito?" Inis na bulong saken ni Kris.

"I can't say no to my son Kris." Sabi ko sakaniya. Sinenyasan ko si Risk na kuhanin na si Vaughn kay Jella at kumuha na ng seat. Agad naman syang sumunod.

"Bella naman!" Inis na sabi naman ng isa.

"Jella you know me. Kapag anak ko iba na ang usapan." Sabi ko pa.

"Paano sarili mo?"-Kris.

"I don't care Kris. Mas importante saken ang kasihayan ng anak ko."

"Peste kasing Risk yan eh! Bumalik-balik pa kasi yan eh!" Galib na bulong na ni Kris.

"Nangyare na...tama na." Awat ko.

"Hangga't walang napapatunayan yang pesteng Risk na yan sainyo at sa amin hinding-hindi ako magiging okay sakaniya." Seryosong sabi ni Kris ngunit may diin.

"Oo na po. Doon na kami ha? Magtrabaho na kayo." Sabi ko sakaniya. Pagkatango nila umalis na ako.

Nakita kong nasa pang-limang taong table sya. Dadalawa lang naman kami tapos high chair kay Vaughn.

"Bakit dito?" Tanong ko patungkol sa table na napili nya.

Nagkibit balikat lang sya dahilan para samaan ko sya ng tingin. Medyo natawa sya kaya isinara nya ang hawak na menu at tinignan ako.

"We have an important visitor." Nakangiting sabi nya. Tumango na lang ako sakaniya kahit hindi ko alam kung sino ang mga iyon. Tinignan ko si Vaughn na nakila Jella na pala.

"Anong oras ba darating yung 'important' visitor mo?" Tanong ko sakaniya habang nakatingin din sakaniya. Kakatapos lang namin umorder at hanggang ngayon hibdi pa binabalik ang anak ko saken.

"Hmm..." tumingin sya sa relo nya tapos bumaling ulit saken.

"By 30?" Patanong nyang sagot.

"Sino ba kasi yun?" Takang tanong ko.

"You'll find it out later." Aniya sabay ngisi at kindat sa akin. Inirapan ko sya at tumayo ako.

"Pupuntahan ko lang sila Jella, wait for us. 30 minutes pa yung food." Sabi ko sakaniya at nilayasan na sya. Nabubwisit ako sakaniya.

"Oh bakit mo siya iniwan don?" May halong awa ang tono ng boses na tanong ni Jella. Ito talagang babaeng ito talaga boto kay Risk kahit may malaking kasalanang nagawa! Tsk!

"Nakakainis yung pakindat-kindat nya at yung ngisi nya saken. Hindi na ako natutuwa! Nababadtrip ako!" Inis kong sabi.

"Kawawa sya oh, tignan mo." Nguso nya pa sa direksyon ni Risk. Nilingon ko sya.

Nakayuko na sya at paeang ang lungkot ng dating nya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Hayaan mo na....si Vaughn?" Pag-iiba ko.

"Na kay Kris sa office mo." Seryosong sabi ni Jella. Bumuntong hininga ako.

"Kung gusto mo si Risk iyong-iyo na sya Jella. Ayoko na ng lalake sa buhay ko." Mariin kong sabi sakaniya.

"Hindi kami talo ni Risk. Isa pa sayo sya. Kung ayaw mo sakaniya layuan mo. Nakikita ko naman sakaniya na sincere sya at desididong ipakita sayo na babawi sya." Sagot naman nya.

"Paano ko lalayuan? Ni hindi nga ako maka-hindi sa anak ko eh."

"Nagawa mo nang magsinungaling sa anak mo. Napaniwala mo naman diba? Siguro naman kaya mo ding gawin yan? O baka, ayaw mo lang din lumayo kay Risk? Wag kang maging matigas sakaniya."

"Jella. Alam mong nandon ka kasama ko nung mga panahong iniwan nya ako. Ako pa itong mali?" Sarcastic akong natawa sa sinabi ko. Umiling-iling pa ako bago pumunta sa office.

Nakita ko sila Kris at Vaughn sa kwarto, naglalaro sa ipad nya. Hinayaan ko lang sila doon since hindi naman nila ako nakita. Naupo lang ako sa sofa at humalukipkip.

Napatingin ako sa pinto dahil sa pagbukas non. Si Jella. Tumabi sya sa akin.

"Hindi ko sinasabing mali ka. Ang saken lang pagbigyan mo si Risk." Aniya.

"Pinagbibigyan ko na nga. Eto na nga oh? Nasa condo nya kami nakatira, ano pa ba?" Irita kong sagot.

"Pero hindi kailangan ang pagiging matigas mo. Bella, hindi lang dapat si Risk ang mag-aadjust sainyo. Mahihirapan syang ipakita sayo ang bawi nya kung hindi mo sasabayan."

"I'll try Jella...." mahina kong sabi at bumuntong hininga ulit.

"Naawa ako sainyo ni Risk. Alam ko ang istorya ni Risk sa tatlong taon nya sa kanila sa ibang bansa." Gulat akong napatingin sakaniya.

"A-Alam mo? P-Pero bakit mo inilihim sa akin?" Gulat ko pa ring tanong.

"Nalaman ko lang nung minsan....hindi ko agad nasabi dahil nalaman kong kay Risk kayo nakatira. Wala akong karapatang ikwento sayo ang nangyare sakanya kung hindi sya." Sagot nya.

Hindi na ako sumagot at pumasok na lang ako sa kwarto para kuhanin si Vaughn.

"HAHAHA! Tita Kris you lose!" Tumatawang sabi ni Vaughn kay Kris.

"Good job Vaughn!" Nakangiting sabi naman ni Kris sakaniya. Napatingin na sila sa akin kaya tumayo na si Kris at si Vaughn sa kama nakatayo.

"Let's go baby? Malapit na iserve yung inorder nating food." Sabi ko sakaniya at binuhat na sya pagkatango nya.

"Where is Daddy, Mommy?" Hanap nya sa ama.

"Outside."

"Let's go to him! He's alone!" Agad nyang sabi kaya lumabas na kami ng office at pumunta kay Risk na agad umayos ng upo nang makita kami.

"Daddy!" Masayang sabi ni Vaughn. Tumayo si Risk sa kinauupuan at kinuha na saken si Vaughn at sya na ang nakipaglaro dito.

"Hey little guy, where have you been? Daddy's looking for you." Nakangiting sabi ni Risk. Pinagmamasdan ko lang silang nag-uusap.

"With Tita Kris. We were playing at Mommy's office." Nakangiti ring sagot ni Vaughn.

"Why not play with me?"

"Because Tita Kris said she misses me so much!"

"Is that so?"

"Yup!"

"Okay then....I'll let your Tita Jella and Tita Kris visit you at our condo." Lumaki ang ngiti ni Vaughn sa sinabi ng ama nya.

"Really Daddy? Yehey! Thank you!" Masaya nyang sabi.

"No problem son." Kinilabutan ako nang marinig ko yung 'son' na word sakaniya lalo na at lumaki ang boses nya. Lalaking-lalaki.

Maya-maya lang dumating na ang inorder namin kasabay ng visitor ni Risk na hindi ko inaasahan. Napatayo ako sa kinauupuan ko at naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko sa mata. Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Risk.

Paano? Important visitor?

"Bella..."






























Back To You [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz