Chapter 27

955 16 1
                                    

"Papasok ka na?" Tanong sa akin ni Risk nang makitang nagbibihis ako. Isang linggo na rin simula nang magkita kami nila Mommy.

Panay ang dalaw nila dito para kay Vaughn. Tuwang-tuwa sila. Nagkita na rin kami ni Ate Shara. May boyfriend na sa wakas!

Panay rin ang biro saken ni Ate na naunahan ko pa daw syang mabigyan ng apo sila Mommy.

"Yeah. Syempre kasama si Vaughn. Papasok ka din eh." Sabi ko habang kinukuha na ang bag ko.

"I know. Ihahatid ko na kayo." He offered.

"Wag na...I have my car." Pagtanggi ko.

"Let me." Pagpupumilit naman nya.

"Fine."

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng shop. Pababa na sana ako nang hawakan ako ni Risk sa braso.

"Ah...Bella wait..."

"Yeah?"

"My friends will come by tonight. Is it okay?" Paalam nya.

"Why asking me? It's your condo."

"Because I need your permission too. Remember? What's mine are yours too." Pagpapaalala nya saken na nagpasikdo sa aking puso.

"Ikaw bahala Risk." Yun na lang ang sinagot ko at napahawak sa kaliwang bahagi ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

"Alright. Then, I'll pick you up at 5?" He knows my closing time. Actually 24 hours ang shop ko. Ako lang ang umuuwi ng 5.

"Yeah. Let's go Vaughn?" Lumipat na ako sa back seat para kuhanin na sya.

"Bye Daddy!" Nakangiting sigaw ni Vaughn sa ama pagkalabas.

"Bye kid!" Balik sigaw naman ni Risk sakanya.

"Good Morning everyone!" Bibong sabi ng anak ko sa lahat ng tao sa loob ng shop. Maski customers kaya nakangiti silang kumakain ngayon.

"Vaughn, wear your apron na, I'll just bring our bags at my office okay?"

"Yes Mommy." Tuma-tangong sabi nya.

"Good boy baby." I tapped his head and left him with my staff.

Pagbalik ko, nag-aayos na si Vaughn ng candies and bread sa counter. Sya ang taga-ayos namin ng mga ganiyan.

Nakita ko naman si Jella na nakangisi habang si Kris nakasimangot. Ang pro-Risk(Jella) at anti-Risk(Kris).

"Hi Mommy! I'm done fixing the candies and stuffs." Nakangiting salubong nya saken.

"Very good baby. And because of that, you'll get my price."

"Wow! Really Mommy?! What is it?!" Excited nyang sabi.

"Later bago umuwi. You'll see. Careful because you might fall and hurt yourself." Nakatayo kasi sya sa stool para abot ang counter. Nakabantay naman sakaniya si Arianne isa sa mga staff ko.

"Alright Mommy! Mommy, you should bake more cakes now!"

"Yes baby. Arianne paki na lang ha?"

"Yes po Ma'am." Magalang niyang sabi. Nginitian ko sya bago umalis. Sinamahan ko sila Kris sa loob.

"Tinatanggap mo na si Risk?" Nakangising tanong ni Jella.

"Ano ba Jella! Tigilan mo kaka-Risk mo kung ayaw mong isupalpal ko sayo itong dough!" Inis na sabi naman ni Kris sakaniya.

"Haha! Grabe ka naman! Bakit ba ayaw mo kay Ri-" natigilan sya nang akmang isusubo sakaniya yung fresh dough. Natawa na lang ako sa kanila.

"Tumigil na kayo dyan. Magtrabaho na. Puro kayo banggit sa pangalang wala naman dito." Bawal ko sakanila.

Back To You [Completed]Where stories live. Discover now