Chapter 14

996 18 0
                                    

Kakatapos lang naming mag-lunch habang si Vaughn nanonood ng kids videos sa ipad at halata mong inaantok na. Energetic pa naman buong umaga. Kailangan nyang ma-full charge para mamaya.

"Yung anak mo patulugin mo na. Kawawang babagsak-bagsaka ng mata oh. Halata mong gusto pang manood pero antok na." Halata ring naaaliw si Kris kay Vaughn. Gustuhin din man nyang magkaanak pero wala pa syang partner at wala pang sapat na pera pampamilya.

"Sige." Tumango pa ako.

"Labas na kami. Maraming customers. Puro teens. At ang daming naaaliw sa mga binake mong cakes kahapon. Lalo na yung chocolate cake with a twist."-Jella.

"Sige, gagawa ulit kami ni Vaughn bukas." Sabi ko habang binubuhat na si Vaughn at pinapahiga sa braso ko para patulugin na.

Hinehele ko pa ang baby ko eh.

"Sakto lang ang liit nya sa age nya. Ang cute pati." Ani Jella habang titig na titig kay Vaughn na nakayakap saken kahit hindi ako abot.

"Sige na...magtrabaho na kayo." Malumanay at mahina kong sabi para hindi maistorbo si Baby.

"Okay. Bye." Pabulong nilang sabi bago lumabas ng office. Pumasok naman ako sa mini room ng office ko. Pinasadya din ito ni Pierre kung sakaling mapagod ako may pagpahingahan ako.

Dahan-dahan kong binaba si Vaughn doon nang makatulog na sya. Ganyan sya. Basta kapag pagod na at antok na antok na, bagsak. Pero matagal ang charge nyan.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at ng opisina ko. Mag-oobserve ako ngayon.

Maayos naman lahat...maraming customers. Pero kailangan ko nang bumalik kay Vaughn baka kasi magising yun nang wala ako. Sanay pa naman sa akin yun. Syempre nanay ako eh. Pati na rin naman kay Pierre. Jolly ang baby ko parang ama nya at si Pierre.

Sinuklay ko ang maiksing buhok nya na napupunta sa noo nya. Ang puti ng anak ko....mana sa amin. Mestizong-mestizo. Nang makaramdam din ako ng antok dahil sa lamig at dahil na rin sa tahimik, tinabihan ko si Vaughn at balak kong umidlip.

Nagising nalang ako nan maramdaman kong may humahalik-halik sa akin sa noo at sa pisngi. Ang liliit pa ng mga kamay na nasa pisngi ko. Napangiti ako sa bumungad sa akin.

"Good afternoon Mommy!" Masayang saad ni Vaughn. Ang sweet talaga ng baby ko!

"Good afternoon baby. Fully charged?" Humiga sya sa balikat ko kaya malaya ko syang niyakap ng mahigpit. Amg liit ng katawan nya kaya sarap panggigilan.

"Yes Mommy! And I'm also excited!" Naramdaman ko rin ang maliit nyang braso sa tyan ko. Ang lamig ng braso nya.

"Nilalamig ang baby ko." Paglalambing ko kaya lalo ko syang niyakap. Sabay pa kaming napatingin sa pinto nang bumukas iyon.

"DADDY!" Tatayo na sana si Vaughn para hagkanin si Pierre pero mabilis na lumapit sa akin si Pierre at tsaka nya kami niyakap.

"Sali ako!" Aniya kaya niyakap nya kami pareho. Sa haba ng mga kamay nya at sa laki nya kayang-kaya nya kami.

"Daddy!!" Masaya si Vaughn sa pagdating ni Pierre.

"Hey buddy! Hey Princess." Hinalikan nya pa kami sa noo. Sabay naman din kaming humalik sakanya sa pisngi.

"Kagigising nyo lang noh?" Tanong ni Pierre saken.

"Ako kagigising ko lang. Nagising ako sa mga halik ni Vaughn eh." Nakangiting pahayag ko.

"Oh....sabi nila Kris. Pumasok sila dito tapos nakita nilang gising na anak mo pero ikaw tulog pa. Sabi pa ni Vaughn sa kanila na wag daw maingay baka magising ka eh." Tuwang-tuwang anya.

"Ang sweet mo naman anak!" Hinalik-halikan ko sya sa mukha na ikinahagikgik nya.

"Wala bang ganyan si Daddy?" Nakapout pa na sabi ni Pierre sa akin. Pinanlakihan ko sya ng mata pero sa huli hinalikan ko sya sa noo, tungki ng ilong at sa labi. Saglit na halik. Wala namang malisya hehe...

"Tara na Vaughn." Nakangiting sabi nya kay Vaughn at binuhat iyon. Kaya walang jowa eh. Nagmumukhang pamilyado. Buti at nandyan nga si Wendy....haysst!

Nauna na silang lumabas ng kwarto habang ako pumasok pa sa mini cr dito. Nagsuot na din ng sapatos at kinuha ang mga gamit bago lumabas ng kwarto.

Nakita ko yung dalawa na naglalaro sa ipad ni Vaughn. Kung sanang si Risk yan?

Napabuntong hininga na lang ako sa naisip. Napalakas ata kaya napabaling sila sa akin.

"Mommy let's go!" Tumayo na sila sa couch kaya lumapit na ako sakanila at sabay kaming lumabas ng office. Pinagtitinginan na kami ng mga customers. Nakangiti ang iba na parang ewan.

"Daddy before we go, I want you to taste our cake!" Masayang sabi ni Vaughn habang tinuturo ang cake na mabenta sa lahat.

"Yes anak...wait lang ha. You go find your seats first." Tinuro ako ni Pierre kay Vaughn kaya lumapit siya saken. Kumindat naman si Pierre saken at tumalikod para bumili ng sinabing cake ni Vaughn.

Hinawakan ko naman sa kamay si Vaughn habang kinuha ang table na pangdalawahan. Yun na lang ang vacant at pwede kong kalungin si Vaughn.

"Mommy....Daddy looks tired. Let's just go home after this?" Baling nya saken kaya yumuko ako para tignan sya. Nakakalong na sya saken.

In fairness, may namana syang ugali ni Pierre. Ang bait na nga, ang sweet na nga, ang gwapo pa ng baby ko!

"Are you sure about that? But your Daddy wants to take you there." Sambit ko.

"Mom, we have many days. Daddy looks tired."

"Okay fine. But tell that to him too."

"Yes Mommy!" Hinalikan nya pa ako sa labi ng saglit.

Ilang minuto lang ang tinagal ni Pierre. Pagkabalik nya...

"Daddy, let's not go to the amusement park today." Bossy ngunit maliit na boses na sabi ni Vaughn kay Pierre.

Ngumisi sya pero nakakunot ang noo dahil sa pagtataka.

"Why?"

"You're tired. We have many days." Pagdadahilan nya.

"But I'm okay. Because I'm with you."

"Still no Daddy. Let's eat our cake then go home." Nagcross arms pa sya habang kalong ko.

Natawa ng bahagya si Pierre sabay tingin sakin.

"Is this your idea?" Tanong nya saken. Umiling ako.

"Nope. Alam mo namang observant si Vaughn eh. Marunong bumasa ng nararamdaman yan kaya expect mo nang kaya ka din nyang basahin. Ugali mo rin yan Pierre. Tama naman si Vaughn, maraming araw na pwedeng magpunta doon. Dapat hindi ka rin pagod." Seryosong sabi ko sakanya. Sumimangot sya.

"But you know how much I wanted to bring you both to that park." Parang batang reklamo nya.

"Pierre....maraming araw. Magpahinga ka na lang. Paglulutuan ko pa kayo mamaya. Saka, isa pa, bibisita ang Mommy mo."

"Mommy naten. Mommy at Daddy na nga pinapatawag sayo eh." Pagtatama nya.

"Okay fine." Tinuon ko na lang ulit ang atensiyon ko sa anak ko na masayang kinakain ang inorder na cake.

"Baby, careful on the sweets okay?" Pagkausap ko sa anak.

"Yes Mommy." Tumango-tango pa sya.

"Kayo nag-bake nito?" Tanong naman ni Pierre.

"Yes Daddy!" Si Vaughn naman ang sumagot.

"Masarap sya ah." Nakangiting komento nya.

"Thank you Daddy!" Sya na naman ang sumagot kaya pinanggigilan ko sya sa pisngi.







































Back To You [Completed]Where stories live. Discover now