Chapter 15

999 16 0
                                    

"Lola! Lolo!" Agad syang tumakbo kila Mama Claire pagpasok.

"Ang apo ko!" Masayang sabi ni Mama sabay buhat kay Vaughn at kinupit pa.

"How's my apo?" Tanong naman ni Papa Philip.

"Very fine Lolo!"

"That's good. How are you anak?" Baling naman nya saken.

"I'm very fine Tito." Nakipagbeso ako sakanila.

"Where have you been people?" Nakapang-alis pa kasi kami at wala pang balak magpalit.

"Office Lola! Daddy went there too and he tasted our cake." Sambit nya sa lola.

"Bakit si Lola walang cake?" Tanong nya. Nakaupo na sila sa couch at magkaharap silang dalawa. Nakaupo si Vaughn sa lap ng lola.

"Aww! Don't worry lola, we will make another cake like that!"

"Okay apo!" Hindi nga nya kilala ang tunay nyang lolo at lola sa kabilang side, kuntento pa rin sya sa nasa harapan nya ngayon.

"Mabait ka ba kay Mommy mo at Daddy mo?" Tanong naman ni Papa sakanya.

"Yes naman po! I always help Mommy bake!"

"Good boy apo."

"Lola, Lolo, visit us there tomorrow so that we can give you cake!"

"Alright apo we will!"

"Yehey!"



"Good night Mommy....I'm so excited that tomorrow Lola and Lolo will go to our shop." Ani Vaughn habang nakahiga na at handa nang matulog. Bumabagsak na rin ang mga mata nya.

"Good Night baby, sweet dreams." Malambing kong sabi at hinalikan sya sa noo at sa pisngi.

"I love you Baby."

"I love you too Mommy." Tumingin sya sa gilid ko. Wala man si Risk sa akin pero swerte akong nandito ang anak ko.

"I love you Daddy...goodnight." napatingin ako sa likod kung saan naroon si Pierre sa pinto ng kwarto namin nakasandal habang nakasilip.

"I love you too Bud...good night." Lumapit sya sakanya at hinalikan rin sa noo.

Pagkatapos ko syang mapatulog, lumabas muna kami sa kwarto at pumunta sa balcony ng buong condo. May nakahanda nang kape namin.

"Ang swerte mo talaga sa anak mo." Ani Pierre saken pagkaupo namin.

"Wala man sa akin ang mga mahal ko sa buhay, nandyan naman kayo nila Mama at Papa at si Vaughn. Hindi lang naman ako ang swerte sakanya. Pati kaya kayo."

"Oo ah! Kamukhang-kamukha nya ang tatay nya." Ngayon lang nya sinabi yan.

"Kaya hindi imposobleng makilala sya ng mga nakakakilala kay Risk?" Patuloy ko sa balak nyang sasabihin.

"Yeah." Natatawang anya.

"Walang kaso saken yun. Hindi ko ikinakahiya yun."

"Kahit ako. Hindi ko kinakahiya na mukha akong pamilyado. Ang perfect nyong tignan kaya proud ako na meron kayo. Okay lang kahit isipin nila yun dahil ang ganda mo kaya at ang gwapo ni Vaughn."

"Thank you ah." Natatawang sabi ko naman.

"Nakakainis lang si Wendy. Kahit nasa ibang bansa nakuha pang mangulit!" Reklamo nya na ikinatawa ko lalo.

"Bakit hindi mo iblock?" Natahimik sya sa sinabi ko.

"Tignan mo! Pakipot ka pa sakanya halata namang gusto mo sya. Ayaw mo rin iblock eh." Naiiling kong sabi sakanya.

Back To You [Completed]Where stories live. Discover now