Chapter 37

977 15 0
                                    

"Good night everyone!" Masayang sabi ko sa lahat bago kami bumalik na sa kaniya-kaniyang cottage. Kinuha na namin si Vaughn kila Mommy.

Mahimbing na ang tulog sa balikat ko pagkatapos niyang dumedi sa akin.

"Hindi ka ba nabibigatan?" Alalang tanong ni Risk na kanina pa kami inaaalalayan.

"I'm fine my.." ngiti ko sakaniya.

"Okay..."


























"Yung mga damit niya kumpleto na ba?" Tanong ko kay Risk na nag-aayos pa rin ng mga damit ni Vaughn sa maleta. Bukas na ang flight namin to New York and this is Vaughn's first time to go abroad.

"Pretty, okay na, chill ka lang nga." Nanlalambing niya ako nilapitan at niyakap mula sa likuran.

"Kinakabahan kasi ako my, hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa parents mo.." mahinang sabi ko.

"Daddy! My toys, I want to bring my toys!" Singit ni Vaughn na nakaupo sa mga damit niya na nasa loob ng maleta.

Cute-cute ng baby namin.

"Yes anak, wait lang okay?" Nginitian niya ito.

Ang sarap sa pandinig ng 'anak' kapag sinasabi niya 'yon.

"Pretty, ang ganda mo kaya wag kang magsasabi na wala kang mukhang maihaharap kila Mommy." Malambing niyang baling sa akin.

Hinalikan niya ang ulo ko, papunta sa pisngi ko at sa tungki ng ilong ko.

"Mommy look! A butterfly!" Masayang sabi ni Vaughn na nakatingin sa sliding door papunta sa balcony.

"Daddy samahan mo naman si Vaughn.." hinawakan ko siya sa kamay at pinaharap sa akin.

"Yung anak mo mahilig mag-wonder, and I want his father to be by his side while wondering." Malambing kong sabi rin sakaniya.

"Anak natin. At gusto ko tayong dalawa ang kasama niya sa pag-wonder." He kissed my forehead after being sweet.











"M-Mommy.." naiiyak na tawag ni Vaughn pagkaupo namin sa loob ng plane.

He's afraid of heights.

Namumula na ang mga mata niya at parang gusto na niyang umiyak.

"Shh...don't cry anak." Pagpapatahan ko.

"Sabi sayo hindi sanay si Vaughn." Natatawang sabi ko kay Risk na nakahawak sa hita ko.

"Matututo rin siya..."





Pagkababa namin ng plane ay biglang nangatog ang tuhod ko. Mabuti na lang at hawak na ni Risk si Vaughn na tulog buong trip.

Bumungad sa amin ang malamig na hampas ng hangin dito sa New York. May sumundo sa amin at napag-alaman kong driver ng Daddy ni Risk.

"Wag ka nang kabahan.." hindi ko alam kung mapapagaan ng loob ko ang sinasabi niya dahil sa ngisi niya na animo'y nang-aasar.

"Kinakabahan kasi ako. Nahihiya ako na haharap ako sa kanila. Na ang papakasalan mo ay disgrasyada." Mahina kong sabi.

Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Pero napalitan din iyon ng ngisi.

"Wala namang problema 'yon. Ako naman ang naka-disgrasya sayo." Ngisi niya.

Napangiti na lang din ako at pinatong ang ulo ko sa balikat niya. Bale magkabilaang balikat niya ay may nakapatong na ulo ko at ni Vaughn.



"We're here." Hinawakan pa ni Risk ang pisngi ko.

Gising na si Vaughn at ako kagigising lang.

Napatingin ako sa bintana at nakita ko ang mag-asawa sa pinto na naghihintay sa pagdating namin.

Naunang bumaba si Risk at pinagbuksan kami ng pinto sa kabila dahil mas madaling lumabas doon.

Nakahawak ang kamay ni Vaughn sa akin habang titig na titig siya sa lolo at lola niya na himdi na makahintay kaya sila na ang lumapit.

Nginitian ako ng ginang at agad na niyakap ng mahigpit.

"Thank you..." at naramdaman kong may tumulong luha sa balikat ko.

"Ma, are you okay?" Nakangising tanong ni Risk sa nanay.

"Yes anak...of course. Hi Bella, you're so pretty.. thank you.." mahina niyang sabi.

"P-Para saan po?" I don't know why she's thanking me.

"Welcome Bella.." sabi naman ng Daddy ni Risk at mabilis akong niyakap saka napatingin kay Vaughn. They have the same eye color. Mag-aama.

"Vaughn, say hi to your Lolo and Lola.." malambing kong sabi sa anak na tulalang-tulala sa Lolo niya dahil sa pagkaparehong mata.

"Lolo? Lola?" At bigla siyang ngumiti nang tumango sila.

Agad siyang niyakap ng mga ito.

Naramdaman ko ang pag-akbay ng fianće ko.

"See? I told you. Wag kang kakabahan." Hinalikan na naman niya ako sa ulo bago kami pumasok sa bahay nila.

Pero biglang nawala sa paningin ko si Vaughn at ang Daddy ni Risk.

"Risk, si Vaughn?" Alalang tanong ko.

"Nakay Daddy 'yon. Nasa garden sila, don't worry too much." Nanlalambing na naman siyang humawak sa bewang ko.

"Risk, doon ka muna sa anak mo at sa Daddy mo, I want to bond with your fianće." Ngumisi si Mommy niya.

"Mom! I don't want to be away from her!" Yamot na sabi niya.

"RISK ALI JAVIER." Nagbabanta na tawag niya kay Risk na ikinatawa ko.

"Okay." Mabilis niya akong ninakawan ng halik na ikinagulat ko. Hahampasin ko sana siya kaya lang agad din siyang nakaalis.

Pagkaalis naman noya ay niyakap din ako kaagad ni Tita Rian.

"Thank you.." hindi ko talaga maintindihan bakit siya nagpapasalamat sa akin.

"P-Para saan po?" Nauutal kong tanong.

"Thank you for coming back to my son's life. Thank you for letting him. Thank you for changing into a better man. I know he's not serious about girls before you came into his life but when you came, everythinf changed. And I saw how he work hard just to get his father's company. And also, thank you for carrying your son in 9 months at hindi mo pinabayaan." Aniya na nagpaluha sa akin.

"I'm so sorry Tita. Sorry kung ang lamig ko sainyo noong nakaraang unang pagkikita natin...I just don't know how to face you because I'm hurt before." Nagpunas ako ng luha.

"No worried Hija, I didn't mind. And Vaughn is handsome, just like his father and you..but I'm not saying that you are handsome ah." Aniya pa.

"Hehe.." nahihiya na ako sa papuri.










"Mommy! Oh hi Lola!" Pumasok na silang tatlong mag-aama.

"Apo, why don't you come to Lola ha?"

And that's all. They went bonding the whole week. They are spoiling him but I understand.

And now we're flying back to the Philippines.















































Back To You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon