Chapter 11

1K 14 1
                                    

"Bakit hindi na lang si Wendy, Pierre? Magmamahal ka na nga lang doon pa sa may sabit."

"Bro, may sabit man o wala, mahal ko si Bella. Yes, I like Wendy but not as much as I love Bella. Nandyan pa naman si Wendy kapag unti-unting naglaho ang nararamdaman ko sakanya. Pero hinding-hindi ko pabababayaan si Bella kahit na si Wendy ang mahal ko. Mahal ko si Bella bilang isang babae at kaibigan. Dalawa ang pinanghahawakan ko." Mahabang sabi ni Pierre na ikinatahimik ng lahat kaya pumasok na ako ng tuluyan.

Ngumiti ako ng mapait sakanila habang gulat sila.

"Kanina ka pa dyan, Bella?" Gulat na tanong ni Henry.

"Hihintayin na lang kita sa labas Pierre. Paguusapan natin ang pag-alis ko. May sabit ako, nakakahiya sa paningin ng iba." May halong pagdiin ang pananalita ko habang binalingan si Henry.

Hindi ko na hinintay pang sumagot si Pierre at lumabas na ako. Unti-unting tumulo ang mga kanina ko pang pinipigilang luha.

"Friend...anong nangyare?" Agad akong dinaluhan nila Kris.

"I'm fine....naalala ko lang si Risk." Pagsisinungaling ko. Pero half meant yun. Kung sanang nandito sya hindi ako mahuhusgahang may sabit.

"Bella!" Sigaw ni Pierre mula sa likuran namin. Hindi ko sya hinarap at nanatiling nakatalikod sakanya.

"I'm sorry about Henry...sinapak ko na sya." Naramdam ko ang paghawak nya sa balikat ko.

"Pierre, Henry's right. May sabit ako at ikaw, ang tino-tino mo." Dun ko lang sya hinarap.

"No...Bella....wag mong iisipin yan. Sila Henry at tayo lang naman ang may alam na buntis ka...walang manghuhusga sa atin. Iisipin nila na sa atin yan...let me Bella...let me, please. I wanted to take care of your baby so much." Aniya sabay yakap sa akin ng mahigpit kaya hindi ko sya mayakap pabalik.

"Don't cry Bella...you're hurting me again." Namamaos na ang kaniyang boses. At dahil ayaw kong masaktan si Pierre tumigil na ako sa pag-iyak kahit masakit parin.

"Sama kayo sa shopping namin nila Tita Claire, Kris, Jella?" Aya ko sakanila. Nandito kami sa condo ni Pierre.

"Sure! Kasama si Pierre?"-Kris.

"Hmm...oo daw. Sya daw taga-bitbit." Biro ko.

"Gwapo naman ng taga-bitbit nyo." Tawa ni Jella.

"Girls! Picturan ko kayo. Happy 1st month baby!" Nagpose kami kasabay ng pag-click ng DSLR camera nya.

Nakalimang shots kami. Iba-ibang pose. Yung iba si Jella at Kris nakaturo sa tyan ko habang turo ko rin at gulat pose pa. Kasama na dun si Pierre. Meron yung kaming dalawa lang ni Pierre tapos kunyari pinakikinggan nya ang tyan ko. Parang akala mo malaki na sa tyan ko eh.

"Ang cute nyo dito ni Pierre! Mukha kayong true couple!" Kinikilig pa si Jella.

"Oo nga!" Sang-ayon ni Kris.





"Ito po Tita oh! Bagay kay Bella lalo na kapag may kalakihan na ang tyan." Tinaas ni Jella ang kaniyang hawak na hanger na may damit na maganda. Maternity dress ang halos na napipili nila. Silang tatlo lang nila Tita ang pumipili. Syempre si Tita, Mom knows best sila friend naman, sa fashion at design.

Nagshoshopping na kami para sa mga damit ko at masasabi kong simple pero magaganda at may pagkamahal.

"Oo nga Jella!" Magkakasundo na sila. Kapag talaga nameet mo si Tita Claire, matutuwa ka dahil parang akala mo teenager lang din

"Ito pa Tita oh!" Singit naman ni Kris. Napailing-iling na lang ako at si Pierre. Kasama talaga sya para maalalayan daw ako.

"Hindi ka pa nakakapili ng gusto mo." Bulong nya sakin.

Back To You [Completed]Where stories live. Discover now