Chapter 36

924 13 0
                                    

"Nope...in 3...2...1!" And when he said 1 tinanggal na rin niya ang blindfold kaya bigla akong napatakip sa bibig at naiyak.

"R-Risk...ano toh!" Umiiyak kong sabi at tinignan siya kaya lalo akong naiyak.

He's kneeling infront of me while holding a dark blue box.

I saw tears escaping his eyes too.

"Bella Sanders, I-I know that I'm not a perfect man, a perfect father and a perfect son, but I want you to know that I'm always doing my best just to make you happy, to make our son happy and everyone happy. Pretty, I want to marry you. I want you to be my Mrs. Javier, kaya pretty, will you be my Mrs. Javier?" Nakita ko na naman ang pagtulo ng luha niya.

I love this man! Ghad!

"Yes Mr. Javier! I will marry you!" Masayang sagot ko at inabot sakaniya ang kamay ko. Nakita ko ang ganda ng singsing. Halata mong mamahalin.

"I love you Bella!" Masayang sigaw niya at binuhat ako habang nakayakap.

"Daddy! Mommy said yes!" Masaya namang sabi ng anak namin at tumatakbo siya papalapit sa amin ng Daddy niya.

"What are you doing here huh?" Nakangiting tanong ko at sinulyapan sila Mommy, Daddy, Pierre with his parents and Wendy, Jella and Kris, at ang barkada pa ni Risk.

"I've been carrying that ring since I set foot on this country." Malambing na sabi sa akin ni Risk habang buhat si Vaughn.

Ngumiti ako sakaniya...he's been carrying it all along?

"Wohoo!!" Nagpalakpakan naman na sila.

"Mommy!" Nilapitan ko kaagad sila at mabilis na niyakap.

"Congratulations anak." Sabi pa nila.

"Thank you Mommy."

Isa-isa ko silang lahat niyakap pagkatapos ay bumalik na ako sa mag-ama ko na naglalaro.

Napag-alaman ko na sumaglit lang talaga sila Mommy sa La Union para paniwalaan ko. Lahat pala ay plinano na ni Risk. Mas nauna pa pala sila sa amin. Kung kami ni Risk ay hapon na kung nakarating, sila ay umaga palang nandito na.

At yung mga cottages na malapit pa sa amin ay sakanila. At kaibigan ni Risk ang may-ari ng buong place ng bonfire at pinagtatayuan ng mga cottages kaya pinasara na muna niya ang bonfire place para sa amin.

What a lovely guy...

"Vaughn, Mommy got something for you." Nakangiti ko siyang kinuha sa ama niya. Tumayo na naman kasi sila.

"What is it Mommy?" Kumikinang ang mga matang tanong niya.

Nilabas ko ang bracelet na kakulay ng bracelet ng Daddy niya.

"Wow! Mommy, Daddy and I are the same?!" Masayang sambit niya.

"Yup! Wear this at wag na wag mong iwawala okay baby?" Nakangiti siyang tumatango kaya hinalikan ko siya sa tungki ng ilong niya.

"Thank you Mommy!"

"You're welcome baby."

By the time na nanonood sila tahimik lang si Vaughn na nilalaro ang kwintas ko habang katabi ko si Risk na nakakapit pa sa bewang ko.

Everyone is quiet except sa mga kaibigan namin ni Risk. Pero yung magulang ko at magulang ni Pierre at nag-uusap rin pero hindi ganun kaingay katulad nila Milo.

Sinabi sa akin ni Risk na hindi makakauwi ang parents niya sa dami ng ginagawa kaya kami na lang daw ang pupunta doon next week.

"Mommy, what's this?" Tanong ni Vaughn at tinuro ang leeg kong may kiss mark.

Naalala ko na yun yung part na meron tapos yung iba nasa dibdib ko na. Doon ang marami.

Narinig ko ang pag-ngisi ni Risk sa tabi ko kaya siniko ko siya.

"Mosquito bite anak." Pilyong sagot ni Risk.

Napatingin ako kila Ralph at nakita kong nagpipigil sila ng tawa.

Tumayo si Emar at tumabi kay Risk.

"Bro, next time, wag na sa leeg." Natatawang sabi ni Emar kaya pabiro niya itong sinapak.

"Gago!" He mouthed.

Hindi siya pwedeng magmura lalo na katabi niya lang si Vaughn.

"Oops! Daddy, don't cuss." Pang-aasar pa ng mga loko nang makalapit sa amin.

"Akin na si Vaughn, kanina mo pa siya buhat baka mangalay ka." Aniya at kinuha na si Vaughn.

"Daddy, we have the same bracelet." Rinig kong pag-uusap nila.

Umalis ako saglit para kuhanan ng maiinom si Risk at nakakita ako ng juice.

"Look how sweet they are. Magkamukhang-magkamukha." Natutuwang sabi nila Mommy.

Ang mag-ama ko ang topic nila. And so far, puro postive.

"Father figure na itong si Risk kahit sa murang edad pa lamang." Sabi ni Mama Claire.

Napangiti na lang ako at iniwan na sila doon at binalikan ang mag-ama ko.

I gave Risk the juice at kinuha ko na ulit ang anak namin sakaniya.

"Mommy, I want milk." Request ng gwapo kong anak.

"Okay baby.." nakangiwing sabi ko pero hindi ko ipinahalata sakaniya.

"Risk, may extra shirt ka dyan?" Tanong ko sa fianće kong busy na umiinom ng juice.

"Wala, bakit? Walang dalang bote sila Mama?" Mama na ang tawag niya sa Mommy ko at Papa kay Daddy.

"Wala...sabi ni Mommy napadede naman na siya kanina, alam mo naman itong anak mo matakaw sa gatas." Natatawa kong sabi.

Sumimangot siya nang marealize niya kung ano ang mangyayari kung walang bote.

"Diyan na naman siya iinom? Saken lang 'yan eh!" Reklamo niya na parang bata. Natawa ako at ginulo ang buhok niya dahil sa kalokohan niya.

"Kuhanan na lang kita ng pangpalit mo." Hinalikan muna niya kami sa noo bago umalis.

"Saan pupunta si Papa Risk?" Tanong ni Jella sabay sulyap ulit kay Milo. Akala mo hindi ko pansin, matagal nang may gusto si Jella kay Milo at si Henry gusto niya si Kris.

"Kukuhanan ako ng pamalit para mapagatas ko si Vaughn." Nakahiga na ang ulo ni Vaughn sa balikat ko.

"Awww si baby Vaughn inaantok na." Naku-cute'an na sabi ni Wendy at nagpipigil na panggigilan si Vaughn dahil inaantok na nga siya.

"Wendy, kamusta kayo ni Pierre?" Nasa mga boys naman si Pierre kaya nagtanong na ako.

"We're doing fine. May naghohold back lang sakaniya at alam kong kayo ni Vaughn 'yon pero hindi ako galit atleast nakilala ko siya at ngayon alam ko na, na magiging mabuti siyang ama balang araw. Ngayon, masaya kami sa isa't isa." Nakita ko sa mga mata niya na masaya siya kasama si Pierre.

He's moving on.

"Kris, sige na." Biglang sulpot nilang dalawa somewhere at nagmamakaawa itong si Henry sa isang bagay.

"Ano ba! Layuan mo nga ako!" Inis na sabi ni Kris.

"Nag-aaway na naman itong dalawa. Palibhasa kasi itong si Kris nagkakafeelings na kay Henry iniiwasan lang niya dahil takot sumugal." Naiiling na sambit ni Jella saka sumipsip sa juice.






























Back To You [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora