Chapter 9

1K 17 0
                                    

Alam na nila Mommy na iniwan ako ni Risk pero hindi ko masabing naisuko ko na. Isang buwan nang wala si Risk. Kumpirmado ngang iniwan nya ako.

Isang buwan na rin akong matamlay at nagiging emosyonal. Tuwing umaga palagi akong nagsusuka tapos masakit ang ulo.

"Friend, nag-aalala na si Pierre. Hindi mo na naman daw sya kinakausap." Malungkot na pahayag ni Kris. Sila ang dumamay sa akin sa loob ng isang buwan.

"Friend... kain ka muna. Favorite mo oh! Chicken Barbeque!" Masiglang sabi naman ni Jella. Alam kong ang panget ko ngayon nang dahil sa pamamaga ng aking mga mata sa pag-iyak ko gabi-gabi. I miss him so much.

Kakain na sana ako kaso biglang sumama ang pang-amoy ko kaya napatayo ako sa kinauupuan at tumakbo papunta sa cr at doon sumuka. Naramdaman ko ang pasunod nila Jella.

"Friend, hindi ako tanga....pero ilang beses nang nangyayare sayo yan. Pero gusto kong makasigurado ka kaya kailangan nating bumili ng PT." Bulong ni Jella.

"Jella hindi ako buntis!" Inis kong sabi. Ayokong maniwala.

"Tignan natin. Uutusan ko si Pierre na bilhan ka." Ani Kris.

"Sa kwarto mo tayo tumingin." Ani Kris.

Napatakip ako sa bibig at nanghihinang tumayo at lumabas ng sarili kong cr.

"J-Jella..." lalo akong umiyak nang yakapin nila ako.

"Kaya pala iniwan ka nya. He's a jerk Bella!" Galit na sabi ni Kris ngunit mahina lang baka marinig kami nila Mommy.

"I-I'm pregnant Kris....anong gagawin ko?! Papalayasin ako nila Mommy dito! Magagalit si Ate sa akin! Hindi pwede ito!" Nafu-frustrate na ako!

"Calm down Bella."-Jella.

"How can I calm down knowing that the father of this child is gone?!" Galit kong sigaw. Wala sila Mommy ngayon.

"Bella..."-Kris.

"I'm sorry..." napaupo ako sa floor at nag-iiiyak. I don't know what to do and where to run after this.

"Please help me Jella, Kris...papalayasin nila ako." Helpless kong sabi.

"I'm sorry friend, alam mong apartment lang kami ni Jella." Malungkot na sabi ni Kris.

"ARGH!!!! Tulungan nyo na lang kaya akong ipalaglag ito?! No! Hindi! Hindi ko gagawin yun sakaniya!" Hindi ko na alam ang gagawin ko!

"Kris! Jella!" Umiiyak kong tawag sakanila.

Pumapasok parin ako kahit buntis ako. Pero wala pa akong balak magpacheck up at itanong kung ilang buwan.

Matapos ko itong malaman, na last week lang nangyare, tumindi lalo ang iyak ko.

Pagpasok ko nang bahay isang mabigat na kamay ang tumama sa pisngi ko kaya naiiyak na naman ako.

"HOW DARE YOU!?" Galit na sigaw ni Mommy.

"I'm sorry Mom!" Lumuhod ako sa harap nya pero sinampal lang ulit nya ako.

"Wag mo akong matawag-tawag na Mom! Nagpabuntis ka tapos iiwan ka rin?! Ang aga mong lumandi! Wala akong anak na malandi!" Galit na galit nyang sigaw.

Tumingin ako kay Daddy na dapat manghingi ng tulong pero sya rin ang sumampal sa akin.

"I'm sorry Dad!" Nagmamakaawa ako na hindi ituloy ang binabalak nila. Umiiyak na ako dito!

"Lumayas ka!" Sigaw ni Mommy at ngayon ko lang napansin ang malaking luggage ko sa tabi nya.

"LUMAYAS KA!!!" Umiiyak akong tumango at nanghihinang kinuha ang luggage ko at umalis na sa bahay.

Back To You [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant