Chapter 13

1K 16 0
                                    

*Three Years Later*

"Mommy!!" Malakas pero maliit ang boses ni Vaughn na tinatawag ako. Two years old na rin ang anak ko at successful naman ang Sweet Ali's.

Sila Kris at Jella parehas waitress na ng shop ko. Gaya ng sinabi ni Pierre gagamitin ko ang pera para sa aming dalawa ni Vaughn. Pero sa condo parin kami ni Pierre tumitira dahil na rin sa kagustuhan nya at ng parents nya. Mahal na mahal pa nila si Vaughn.

Sa wakas daw may apo na sila kahit hindi pa tunay...parang sakanila pa rin naman si Vaughn dahil sila ang kumopkop sa amin.

"Yes Baby?" Binuhat ko sya. Nasa condo pa kami, papasok palang sa shop. Maagang umalis si Pierre para sa trabaho.

"Where's Daddy Pierre?" Hindi nya naaabutan si Pierre tuwing nagigising sya. Kaming dalawa palang kasi ni Pierre ang gumigising sa ganung oras. Ako naghahanda ng agahan ni Pierre.

Tatlong taon na syang walang lovelife dahil sa akin. Pero nakikita ko naman kung gaano sya kasaya at kung paano sya kulitin ni Wendy. Natutuwa rin ako sa babaeng yun. Close naman na kami non.

Si Pierre na ang tumayong ama ni Vaughn. Tinupad nya ang kaniyang sinabi. Masaya ang anak ko dahil kumpleto sya. Ako, masaya na rin basta masaya ang anak ko.

"He left for work already, anak eh." Hinalikan ko sya sa noo bago ibinababa ulit.

"Get your bag and then we'll leave." Nakangiting sabi ko habang tinuturo ang maliit nyang back pack.

"Okay Mommy!" Magiliw naman na sabi nya habang kinukuha ang bag sa couch at tumakbo ulit pabalik sa akin.

"Mommy, hold hand." Tinaas nya ang kaniyang maliit na kamay at nilahad sa akin. Tiningala rin nya ako dahilan para makita ko ang pinaka-namana nya sa kanyang ama. Ang mata nyang kulay dark gray. Manipis na pulang labi at dimples lang ang namana na sakin the rest kay Risk. Parehas naman kaming may lahi ni Risk eh.

Ang lakas ng dugo ng gago.

Hinawakan ko naman sya sa kamay at sabay na umalis sa condo.

"Mommy, Tita Kris and Tita Jella will be there?" Nakangiting tanong nya. Habang sinusuotan sya ng belt.

"Of course anak. They both work there." Hindi ko iniiwan ang anak kong mag-isa sa condo noh! Todo alaga sa akin yang anak ko. Pero hindi ko hahayaang maging mama's boy sya.

May malaking salamin pa kaming pinasadya ni Pierre para kay Vaughn dahil palagi syang naaamaze sa mga mata nya. Hindi nya pa alam kung sino ang tunay na ama nya....at sasabihin ko rin sakaniya yon balang araw....kapag naiintidihan na nya.

Basta, pinalaki kong marunong makuntento ang anak ko sa kung anong meron sya. Kahit mayaman sila Pierre, hindi kami umaabuso.

"Welcome to Sweet Ali's! Good Morning Ma'am!" Masiglang bati ng mga employee ko at nag-bow pa ng ulo ng kaunti. Nginitian ko lang sila habang buhat ko si Vaughn.

"Good Morning!" Si Vaughn ang sumagot sakanila. Siya ang nagpapa-good vibes ditong lahat sa amin. Dahil sa ka-cute-an at dahil sa masiyahing bata sya.

"Hello Baby Vaughn!" Dinumog na sya ng kanyang dalawang ninang. Kinuha na saken.

"Ackkk!!! T-Tita Jella!" Pinagkikiliti sya ni Jella habang si Kris panay hagikhik at halik sa mukha.

"How's our baby Vaughn?" Kris asked.

"Very fine Tita." Matalino ang anak ko kaya kapag nag-three years old na sya, papag-aralin ko na sya.

"Where's Daddy Pierre?" Jella asked too.

Back To You [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz