Chapter 12

1K 15 0
                                    

Pagkatapos naming kumain dumiretso kami sa condo dahil bibisitahin daw kami nila Tita Claire para makibalita. Sinabi ko kay Pierre na kami na lang ang pumunta para hindi na maabala sila Tita sa traffic, kaso sabi ni Tita sila na daw. Masama sa buntis ang mapagod.

"Bella anak!" Bungad aga ni Tita pagkapasok. Nandito ulit ako sa couch nakatitig sa magandang view sa labas. Binalingan ko sila at akmang tatayo nang pigilan nila ako.

"Wag kang tumayo. Mahirap." Ani Tita at tumabi na sa akin at niyakap.

Napamahal na sila sa akin ganun din ako. Gustong-gusto daw kasi ni Tita magkaroon ng anak na babae kaso di pinalad kaya ako na lang daw.

"Is it a boy or a girl?" Excited na tanong nya.

"Mom! I'm right here." Paalala ni Pierre na nilagpasan lang ni Tita kanina pagpasok. Natawa na lang ako pati sila Tito.

"How are you hija?" Tanong naman ni Tito sabay yakap sa akin saglit.

"I'm fine Tito." Nakangiti kong sagot. Pinagitnaan nila ako ni Tita.

Natawa ulit ako dahil aa pagbuntong-hininga ni Pierre sa likod dahil sa hindi pagpansin ni Tita sakanya.

"Oh ano? Boy or girl?!" Ulit nya.

"Boy po..." masaya ko ring balita.

"Ay!! Hon! Lalaki!" Masayang sabi nya sa asawa.

"So, what's his name?" Tanong naman ni Tito.

"Vaughn Ali po." Final na ang desisyon ko sa pangalan. Kung babae naman, Yvonne Ali. Hinding-hindi ko tatanggalin ang Ali sa mga pangalan nila. Dahil kahit yun lang meron sila.

"Ang ganda naman!"

"Sinunod ko po sa pangalan ni..."

"Risk." Putol ni Tita sakin.

"O-Opo..." nahihiya kong tugon.

"Okay lang yan....kahit sa pangalan man lang meron sila galing sa ama nila." Mahinahong sabi ni Tita. Kasi ayaw nyang pagusapan namin si Risk dahil baka daw ma-stress ako.

"Oo nga po. Parehas lang din po tayo ng iniisip." Natatawa kong sabi.

"Kamusta naman ang pagbubuntis mo?"-Tito.

"Okay naman po Tito.....ang bigat na po ni Vaughn....pero okay naman, masarap sa pakiramdam kahit medyo mahirap." Natatawa kong sabi.

"Panigurado akong gwapo iyang si Vaughn....ang ganda mong bata eh." Sabi naman ni Tita.

"Hehe..." nahihiya ako.

"Pierre anak! Inaalagaan mo bang mabuti itong si Bella?" Tanong ni Tita sa anak.

"Syempre Ma! Ako pa!" Pagmamalaki nya sa sarili.

"Basta kapag nanganak ka na anak, kami ulit bahala sainyo."-Tito.

"O-Opo...Tita, Tito, maraming maraming salamat po sa lahat. Hindi ko po alam kung anong ginawa ko sainyong mabuti para gantihan nyo ako ng ganito." Naluluha kong sabi.

Totoo naman kasing hindi ko alam kung anong dahilan maliban sa kagustuhang magkaron ng anak na babae at mahal ako ni Pierre.

"Shh....wag kang ganyan anak....napamahal ka na sa amin at wala nang ibang dahilan kundi ang kagustuhan nga naman naming magkaron ng anak na babae. Gusto kong maramdaman ang pagkakaron ng babae at matulungan sya sa pagbubuntis, thanks to Pierre for bringing you here. No we have a girl..." hinaplos nya ang pisngi ko pagkatapos punasan ang luha ko.

"Thank you po ulit Tita, Tito, Pierre." Hinding-hindi ko makakalimutan ang sabihan sila ng salamat dahil araw-araw rin nila akong tinutulungan.

"Don't mention in Hija."-Tito.

"I agree."



"Princess, you need to sleep, 7pm na." Nakaalis na rin sila Tita kanina pa. Nandito ako sa balcony ng kwarto nya. Dito na ako pinatulog para mabantayan daw ako. Magmula nang lumaki ng ganito ang tyan ko dito na ako. Wala namang malisya na makatabi sya. Panay sabi na sa couch sya pero sinabi kong hindi na kasi mahihirapan lang sya.

"Pwedeng mamayang konti muna Pierre? Hindi kasi ako makatulog." Sabi ko nang hindi sya tinitignan. Pinapanood ko lang ang mga ilaw mula dito sa taas.

"What are thinking again? Is it Risk?" Naramdaman ko ang pagupo nya sa tabi ko. Couch din kasi ang upuan dito sa balcony nya. Hawak-hawak ko ang tyan ko.

"Hindi ko maiwasan. Hindi lang ito ang unang beses na inisip ko sya. Alam mo yun Pierre....halos araw-araw ko syang iniisip." Mahinang sambit ko.

"Alam ko....but you don't have to stress yourself just because of him."

"This is the first time na hindi ka makakatulog ng maaga. "

"Hindi ako sanay." Natatawa kong sabi.

"You want me to sing for you? Or maybe sleep on my shoulder? Bubuhatin na lang kita." Tinap nya pa ang shoulder nyang malapit sa akin. Masayang tumango ako at hinilig ang ulo sa balikat nya. Lalo syang lumapit sakin.

Nagsimula syang maghum. Maganda ang boses ni Pierre kasing ganda ng boses ni Risk.

"Everytime in my mind
I'm telling myself
Should I be?
Who will be?
The man that'll hold your hand

Whenever I close my eyes
I can see your lovely smile
And I open it again
Then I see the midnight sky

Wishing that I'll be
The man that you'll touch and see
I'll give my love that can't explain
We will be running in the rain
And I will hold your hand

Hmmm
Hmmm

Too much pain
Can heal a thousand scars
Feeling alone
So I'm talking to the stars

Whenever I close my eyes
I can see your lovely smile
And I open it again
Then I see the midnight sky

Wishing that I'll be
The man that you'll touch and see
I'll give my love that can't explain
We will be running in the rain
And I will hold your hand

I will hold your hand"

Habang nakikinig ako sa lamig ng boses nya ay kasabay ng pagbigat ng mga talukap ng aking mga mata.

"Maganda yung itsura...pwede rin syang maging café, ano naman ang ipapangalan nya sa shop?" Napadilat ako sa naririnig kong nagsasalita. Masarap ang tulog ko kagabi dahil sa pagkanta ni Pierre sa akin.

"Friend!" Lumapit sila sa akin. Nakahiga pa ako sa kama at tinulungan pa nila akong makaupo at makasandal sa kama.

"Kamusta ang baby boy mo?"-Kris.

"He's healthy, Kris."

"Ang cool ng name ah? Vaughn. Panira nga lang ang Ali." Umiirap na sabi ni Jella na ikinatawa ko.

"Kahit anong gawin natin, si Risk at si Risk parin ang ama." Naiiling kong sabi.

"Yeah. Yeah. Oh ano? May naisip ka na bang pangalan para sa shop mo?" Kris asked.

"Hmmm..." ano kayang maganda? Eh kung...

"Bagay ba ang Sweet Ali?" Patanong kong sabi.

"Hmm...pwede....gusto ko rin namang maging sweet ang inaanak ko nuh!"-Kris.

"Oo nga! Bagay pero diba, Ali si Risk?"-Jella.

"Si Vaughn ang dahilan ng Sweet Ali's." Paglilinaw ko.

"Okay fine....kuhanin mo kaming waitress or cashier man lang ha?"-Kris.

"Sige, sige...kami ni Pierre ang bahala sainyo."














Back To You [Completed]Where stories live. Discover now